Chapter 2

1188 Words
"Ouch!" namimilipit siya sa sakit habang hawak-hawak yung alaga niyang ahas, haha. "Yung lahi ko. Huhuhu," sabi pa niya. Ang kulit kasi, kaya ayon, natadyakan tuloy. Gusto kong tumawa dahil namilipit siya sa sakit habang hawak yung gitna niya. HAHAHA! Pero tiniis ko nalang at dali-daling umalis. Saka na ako tumawa noong medyo malayo na ako sa kanya. Aiyst! Ang cute ng palaka. No no no! Erase, di pala cute! Never siya magiging cute, ang pangit niya kaya. Tss! Dumiretso na ako sa parking lot para kunin yung sasakyan ko. Enter the car, start the engine then later, I'm home na. Wala akong licence pero kung makapaharorot ng sasakyan wagas, haha. Well, ilang beses na din naman ako nadakip pero wala eh, matigas ulo ko eh haha. Yeah, this is Shine dela Harmonica. Wag kayong paharang-harang kung ayaw niyong dumeritso sa libingan, haha. Only child kaya spoiled, iyak-iyakan ko lang sina Mom and Dad, bigay agad ang gusto. Sa bahay kasi childish ako, lalo na sa harap nina Mom and Dad pero pag wala sila. BoooOm! Ang cool ko subra. I love black and I hate wearing dress and shorts. Ews! b***h. Matangkad din naman ako, sexy slim, pinkish lips, pointed nose and pink eyes. "Good afternoon Miss," bati ng isang maid namin habang pinagbubuksan ako ng pinto. Miss kasi tawag nila sakin. "Same ate Chen," nakangiting sabi ko sabay abot sa kanya ng bag ko. Kung sa labas mukha akong gangster na parang kaya kang lunukin ng buo sa porma at eh freeze sa cold kong pananalita. Dito naman sa bahay ay para akong masayahing manika. Wala, trip ko lang. Ayoko kasing pinapaki-alam ng ibang tao, ayoko din makihalubilo masyado at makipag-plastikan sa di ko naman close. Mas lalong ayokong nabubully at niluluko lang sa labas kaya mabuti na yong may kunting takot sila sa nakakasilaw kong beauty, totoo naman eh. Ganda ko kaya, masilaw ka sa Shine ni shine, haha. Dumiretso nako sa room ko, nag shower at nag bihis. Wala pa kasi sina Mom and Dad kaya gagala muna ako. Uhmm, 5:43 pm pa lang ngayoj, while yung parents ko 8:00 pm na yung pinaka-maagang uwi dahil busy sa company namin. Kami yata yung pinaka-mayamang angkan sa buong mundo. "Oink oink! Oink oink! Oink oink!" Wag kayo mabigla kasi ring tone ko lang yan, HAHAHA. Iwan, basta type ko lang ganyang ring tone for my incoming messages,haha. "Baby, kumain ka nang maaga ha. Male-late kami ng uwi ni Daddy kaya huwag mo na kaming hintayin. Okay?" message from Mommy. "Lagi naman kayong late eh!" bulong ko sa hangin. "Okay mom! Take care kayo ni Dad. Love you," reply ko naman at ini-off na yong phone ko para walang istorbo. Pumunta agad ako ng kitchen at lumamon muna, haha. "Saan nanaman yung punta mo Shine?" Nagulat ako kay Yaya kaya nagpanggap akong nabila-ukan kahit hindi naman, haha. "Owooo, owooo, owooo!" Whatever!Ganyan ako umubo eh, haha. "Anyari?" nag-aalalang tanong ni Yaya at agad naman siyang kumuha ng tubig. Agad akong uminom ng tubig. "Yaya naman eh! Kita mo naman na nabila-ukan na ako tatanong kapa kung anong nangyari sakin," parang bata akong nagrereklamo. Hihi, paki niyo ba. "Sorry baby. Siya, nakabihis ka ah," sabi niya. "Saan ka pupunta? Nagpaalam ka na ba kina Don at Queen?" Sunod-sunod na tanong ni Yaya. Siya lang yung di tumatawag sakin na Miss dito sa bahay. Close kasi kami eh saka siya na din yung halos nagpalaki sakin. You know, my parents are always busy. "Yaya please," sabi ko habang nagpapa-cute pa ng mata. "Alam mo namang di ako papayagan nina Mommy at Daddy eh. May utang ka sakin, nabila-ukan ako sa panggugulat mo kanina ha," sabi ko ulit na parang bata. "Ay nako kang bata ka," sabi niya at napakamot pa sa ulo. "Siya, basta mag-ingat ka ha. Walang galos na uuwi," sabi nito na nagpangiti naman sakin ng sobra. "I'm done Yaya! Ikaw na bahala kina Mommy ha. Bye." At saka lumabas na ako agad bago pa magbago isip ni Yaya at hindi ako payagan, haha. Si Yaya kasi, partner in crime ko na din yan. Alam niya lahat ng kalukuhan ko dahil sabi ko nga kanina, siya na yung halos nagpalaki sakin. Besides, kahit saan ako pumunta, may tiwala naman si Yaya. Minsan paghalos maboking na ako nina Mommy ay nagagawa ko pa din na lumusot dahil tinatakpan ako ni Yaya. Minsan nga halos nagseselos na sina Mommy at Daddy kay Yaya dahil siya agad ang hinahanap ko pagdating ng bahay. I'm driving my black sports motorcycle now patungong bar ng may nag, "Oink oink." At shempre phone ko lang yan, HAHAHA. Kinuha ko naman yung phone na nasa bulsa ng leather jacket ko. Black boots, black skinny jeans, black sports bra and black leather jacket ang suot ko now. Naka helmet shempre at naka lugaygay lang yung mahaba kong buhok. Cool? May nadaanan pa akong rambulan kaya nanood muna ako. Limang lalaki vs dalawang lalaki. Booog booogs boog! Pak pak pak! Heya keyaah yaah! HAHAHA, shempri sound lang yan ng wakwak, I mean, ng mga lalaking nagrarambulan. Galing ng dalawa pero shempre daig yun ng Shine niyo HAHAHA. Talo yung lima, by the way, naka mask yung dalawa kaya di ko nakilala. Hindi na nila ako pinansin at umalis na agad matapus matumba yung lima. Nice scene, live na live. Oo nga pala may message sakin kaya binasa ko na. "All Lutherian's Gang, go to the Arena, now. Bustik Gang and Cudos Gang will be fighting tonight at 10:00 pm." —Ashmolli May gang fight pala ngayon. Akala Mo naman instant makakapunta ang lahat eh 6:28 pm na nagsabi yung Ashmoli. Tss! Siya yung laging MC sa mga laban at pamangkin din ng Leader naming si Luther, Hari ng lahat ng Gangs. Well, malapit lang naman yung Arena namin sa bar na pupuntahan ko kaya iinom muna ako. Meron akong mga automatic suit para di ako makilala ng mga kasamahan ko sa gang. Special ko tong pinagawa sa Paris noong nagbakasyon kami doon, 10 years old pa lang ako. Shempre stretchable kaya kasya pa din kahit matangkad na ako ngayon. Besides, minsan ko lang ginagamit ang mga ito, kapag may fight lang ako at nasa arena. Hininto ko yung Motor at hinubad ang jacket ko. Pinasok ko sa compartment yung jacket at isang pindot ko lang sa belt ko ay naka complete black suit na ako with maskarra. Oh diba, parang si bat woman na may pink eyes lang ako, HAHAHA. Pindot sa motor at nag transform naman ito sa mini-car na all black din, kala niyo si bat man lang may ganito no? Shempri pinagawa ko naman ito sa Germany. Kinupitan ko si Daddy last time noong naiwan niya yung ATM-Card niya sa bahay. Nalaman niya din na nabawasan pero di ako umamin na ako yong kumuha, 10 million kaya yun. Pag sinabi kong ako ang kumuha, wala akong rason kung saan ko ginamit. But ofcoures, kahit di ko sabihin alam naman nila na ako kumuha, haha. Broom, broom, broom lang! Walang peep, peeep, peep. Ganyan ako magdrive haha. Bahala kayo diyan kung masagasaan ko kayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD