"Moon... sooon." Nanlaki ang mata at napanga-nga na sabi ng guard habang kaharap ako. Ay hindi ako Moonson, ako si BAGYO, haha. Shempri sa isip ko lang yan.
"Pa..pa...so ..ok po kayoo," nauutal niyang sabi pero di naman binuksan yung pinto kaya sinipa ko, HAHA. Dumiretso na ako sa loob at agad namang nag give way ang bawat taong nakakakita sakin. Tss! Hey, hindi ako multo para katakutan niyo.
Nagtataka kayo siguro kung bakit? Ako lang naman kasi si Moonson, ang number 1 fighter sa sikat na Luther's Gang. Well, 25 years na yung Gang, pero 2 years pa lang ako dito at natalo ko yung mga grupo-grupo kahit mag-isa lang ako. Maraming gusto maging ka grupo ako pero nanatili akong mag-isa. Well, kahit naman lima yung kalaban ko ay di naman nila ako nagagalusan. Mula 5 years old pa lang kasi ako, tini-train na ako ni Yaya sa martial arts. Sino si Yaya? Well, well, well! Hindi ko din alam basta Yaya ko na siya mula sa pinaka-unang memory ko, haha. Iwan ko din kung bakit niya ako tini-train sa Martial Arts at secret pa namin yung sa parents ko ha. Siguro, alam niyang pasaway ako at trouble maker kaya need ko talaga ng self defense, haha.
Umupo ako sa isang VIP couch na bakante at dali-dali namang pumunta sakin ang waiter.
"Aa .. no.. poo." Di ko na siya pinatapus parang pagong na nauutal magsalita kasi eh
"Give me your best wine please," cold kong sabi. Tatanong pa sana ulit yung waiter pero sininyasan ko siya na umalis na kaya dali-dali na siyang kumuha ng bottle of wine sa bartender.
Nasa likod lang nito ang Arena namin at sikat na Bar din ito kaya madaming Gangsters ang lagi dito. First time ko pumasok dito pero kilala na pala nila ako. Siguro lagi akong napag-uusapan ng mga gang dito. Well, kahit saan namang lupalop ng mga kalukuhan ay kilala ang suot kong damit at maskarra.
Nakatatlong bote din ako pero walang epekto sakin. It's 9:45 pm na kaya tinaas ko yung kamay ko para mahingi yung chip at makapagbayad.
Agad na lumapit sakin ang waiter. "Ma'am, bayad na po kayo," sabi ng waiter.
"Who?" maikli kong tanong.
Tinuro niya yung isang lalaki sa couch na nakangisi ngayon sakin. Tsss! Si John Roel Alfonso, leader ng black Devil gang under Luther din, shempre. Siya yong isa sa makukulit na gustong ampunin ako sa grupo nila. Ews! Palaka.
Yes, you're right. Siya yung school mate ko at kasama din niya yung pinsan niyang si Kyle Ford. Hindi alam ni Celine na may Gang sila, puro ka artihan at kalandian lang kasi yung babaeng yon, pero shempre bestfriend ko pa din yun no kahit lagi ko siyang binubully HAHA. Mahal na mahal ko yung babaeng yun. Kaya ayaw ko din makisama sa kanila sa school dahil baka makilala nila si Moonson ng wala sa oras.
Tumayo nalang ako at lumabas. Nakita ko naman na tumayo at sinundan ako nina John at Kyle. Sumunod din yung mga mokong nilang kasama, sina Albert Einsly, James Fortis at Princeton Smith. Matatangkad na palaka, mga 5'8-6'0 footers yata. Sana all matangkad!
Binilisan ko nalang at pinaharorot ang sasakyan papuntang Arena para di ko na sila maka-usap.
"Baby," Narinig kong sigaw ni Kyle pero di ko na pinansin, baby mo mukha mo. Sumbong ko kaya to kay Celine? Ang landi eh.
Andito na ako sa Arena, sa harap ay lumang building lang ito at may nakabantay na dalawang guard, yung usual na uniform ng guard lang yung suot nila, yung white tulad ng mga guard sa mall and others. Pero di ka makakapasok sa mga yan pag di ka nila kilala o walang code. Mama-mangha ka naman dito pag nakapasok kana dahil sa subrang laki at eleganti ng mga paintings, design, vases and flowers. May space sa gitna kung saan nagpapaligsahan ang mga Gang at may nakapaligid namang mga upuan dito. Shempri may kanya-kanyang upuan ang mga Gang at ako. Ako lang kasi ang mag-isa, lahat sila 4-7 ang kasama sa grupo.
Yumuko lang ang guard pagkakita sakin sabay bukas ng gate. Ayon, dumiretso na ako sa isa pang pinto na may limang guards na nakakatakot kasi ang la-laki. Naka-itim sila at may mga hawak na baril. Mga 6'2 up to 6'5 yata height nila at ang la-laki pa ng katawan. Oy g*g*, di ko pinagnanasaan mga katawan nila ha, HAHA. Yumuko din sila sakin at binuksan ang pintuan. And here I am, Lutherian's Arena.
Luther, leader ng Gang at ng mga sikat na Gangs sa Pilipinas. Luther talaga pangalan niya pero wala pang nakakakita at nakakakilala sa kanya except sa under ng Luther Gang. Medyo magulo no? Haha!
"Let's welcome, Moonson!" bungad ng MC habang pumapasok ako at papunta sa aking upuan. May nakasunod din sakin na light kaya sakin lahat nakatingin, siguro dahil mukha akong Miss Universe, joke lang, HAHA. Ako yung number 1 pero nasa pinaka-huli yung mataas kong upuan na gold pa ang kulay. Dito ko gusto sa huli eh, pakialam nila? Dumeritso na ako sa upuan at bumukas ulit ang pinto, si John at mga kasamahan niya. "Welcome, Black Devil Gang," Yes, ina-announched talaga pag pumapasok dito yung top 3 na Gang.
Yung Black Devil, ayaw nila na nalalamangan kaya gusto nila akong isali sa grupo nila at ano? Susunod sa utos ng Leader nilang palaka? NEVER!
"Oy Shine, easy ka lang. Never say Never nga daw eh kasi hanggang may gusto, may paraan. Baka kainin mo yang pinagsasabi mo," At shempri guni-guni ko lang yung nagsasalitang yan. Minsan talaga may anghel at demonyong bumubulong sa akin eh.
Fast-forward!
Nandito na ako ngayon sa School, natutulog. Oh, diba Diamond Section pero natutulog. Ako lang ang gumagawa nito dito kasi puro nga feeling magaling at matalino ang mga classmates ko eh. Medyo dumadami na din ang mga nagiging kaibigan ko dito dahil nakita nilang hindi ako threat sa puwesto nila sa ranking. Eh kasi nga, natutulog lang naman ako sa klase. Nagtataka din sila bakit di ako pinapagalitan ng teachers pero sabi ko, "Iwan ko, baka takot sakin HAHA."