Buong lakas niya itong tinulak ngunit kaunti lang ang naging paglayo nito sa kaniya. Mariin niyang pinunasan ang labi niya gamit ang palad saka tinitigan nang masama si Jonas. Nanatili ang hawak nito sa kaniyang magkabilang balikat kahit pa pilit niyang lumayo. "Ano ba ang ginagawa mo?" sigaw niya kay Jonas. Ngumisi ang lalake, halatang lango sa alak. "Ionna, bakit ka nagagalit sa simpleng halik?" tanong nito. Kumunot ang noo ni Avionna. "Because you're kissing me against my will. Umuwi ka na, Jonas. Bitawan mo ako!" Imbes na bitawan siya ay lalo lang humigpit ang hawak nito sa kaniya saka muli siyang sinubukan na halikan. Inilayo ni Avionna ang mukha at umatras hanggang sa naramdaman niya na ang mesa sa likod. "Tumigil ka, Jonas! Ayoko! Bitawan mo ako!" Sinubukan niya sipain ang

