Suot ang washday uniform nila ay pumasok si Avionna. Diretso sa office ng student council ang lakad niya. Bago siya makapasok doon ay kinailangan niyang mag-ipon ng lakas ng loob dahil pakiramdam niya ay manghihina siya kapag nakapasok. Malinaw pa rin sa alaala niya ang nangyari kahapon sa loob ng office na 'yon. Sinulyapan niya ang mga pasa niya sa may palapulsuhan na lantad dapat kung hindi niya itinago gamit ang concealer. Pagtulak niya sa pinto ay sumalubong sa kaniya ang bagsak na mga ekspresyon ng kapwa niya officer. Agad siyang luminga at laking ginhawa sa kaniya nang hindi makita si Jonas. Naroon ang secretary ni Madame Hani. "Miss Pres, dali. May announcement. Sad news daw," ani Phoebe saka pinagpag ang upuan sa tabi nito, inaaya na siyang umupo. Tumango si Avionna at tumab

