Chapter Ten

1513 Words

"AKALA ko ba, hindi tuloy ang meeting natin kay Mrs. Ong?" hindi nakatiis na tanong kay Xander ni Lianne habang nagmamaneho siya. Isang malaking kliyente nila si Mrs. Ong, may meeting sana sila rito nang alas-siyete pero ipina-reschedule iyon ni Mrs. Ong. Uuwi na sana si Lianne nang malaman iyon pero pinigilan niya ito at sinabing may iba pa silang lakad. "Wala naman tayong ibang meeting na naka-schedule ngayon, 'di ba?" muling tanong ni Lianne. "Bakit ba gustong-gusto mo nang umuwi?" balik-tanong niya. "Dahil gusto ko nang magpahinga," sarkastikong pakli nito. "Kulang na kulang ang tulog ko kagabi dahil sa dami ng ipinagawa mo sa akin, remember?" "Napakasungit mo naman," naiiling niyang sabi rito. "Saan ba kasi tayo punta?" nakasimangot na tanong nito na binale-wala ang sinabi niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD