"THANK you, Xander," nakangiting sabi ni Mrs. Ong nang kamayan niya ito. "Gustong-gusto ko ang concept na ginawa ninyo. Salamat, Lianne." Tipid na ngiti lang ang isinukli ni Lianne rito. Si Lianne ang nakaisip ng concept ng presentation na ipinakita nila kay Mrs. Ong. Mukhang nasiyahan naman doon ang matandang babae. Ngayon ay sisimulan na nilang paghandaan ang pag-shoot ng commercial para sa produkto ng kompanya ng matandang babae. Ayon sa kliyente nila ay gusto nito na maghanap sila ng magiging bagong brand ambassador ng cosmetic product nito. "We'll go ahead, Ma'am," wika ni Xander rito. "Okay," napatango pang sabi ni Mrs. Ong. "I'll just wait for your call kapag may nahanap na kayong perfect brand ambassador." Ilang sandali pa ay magkasama na sila ni Lianne na naghihintay sa harap

