MAGHAHATING-GABI na pero hindi pa rin makatulog si Lianne. Kahit pagod siya ay hindi naman siya dalawin ng antok. Maya-maya ay bumangon siya, nagsuot ng tsinelas, at saka maingat na lumabas patungo sa kusina. Naisip niyang magtimpla ng gatas. Pabalik na siya sa kanyang silid dala ang tinimplang gatas nang mapansin niyang bukas ang pinto ng library at may ilaw roon. Gising pa si Daddy? kunot-noong naisaloob niya. Naglakad siya patungo sa library at sumilip doon. Sa halip na ang ama, si Xander ang nakita niya roon. Patagilid na nakasubsob ang ulo nito sa mesa at natutulog. Pumasok siya at lumapit sa lalaki, maingat na ipinatong niya sa lamesa ang baso ng gatas. Tiningnan niya si Xander at ang mga papeles na nasa ibabaw ng lamesa. "Si Daddy nga ang nagpalaki sa 'yo. Parehong-pareho kayong

