Chapter Nine

1594 Words

SINULYAPAN ni Cecille si Tita Emily nang muli niyang marinig ang pagbuntong-hininga nito. Nakita niya ang pag-iling ng may edad na babae habang patuloy ito sa pagkuskos ng basahan sa mga lamesa. Katatapos lang nilang isara ang restaurant at naglilinis na sila ng loob nito. Silang dalawa na lang ang naroon dahil pinauwi na niya ang dalawang tauhan nila. Inihinto niya ang pagliligpit ng mga upuan at humakbang palapit sa babae. "Tita." Hindi nito pinansin ang pagtawag niya. Kanina pa siya hindi kinikibo ng matanda pagkatapos niyang ikuwento rito ang nangyari sa lakad ng kanyang pinsan sa Maynila. Tulad ng sinabi niya kay Lianne, mukha ngang hindi ikinatuwa ni Tita Emily ang naging desisyon ng pinsan niya. "Tita," tawag ulit niya rito.  "Tigil-tigilan mo ako, Cecille, ha!" mahina pero mari

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD