Caleigh's p.o.v
napalunok ulit ako nang makita sila drew na parang hinang hina na tumatayo..
nagtama yung tingin naming dalawa ni neo at kinilabutan ako sa mga tingin nya...
napabuntong hininga naman sya at napatingin sa tuhod ko..
pasimple ko din 'yong tinignan at nakita kong may malaking gasgas yon..
siguro yun yung napaupo ako kanina..
unti unti namang kumalma yung tingin nya sakin at saka nya binitiwan yung bewang ko pero hinawakan nya yung kamay ko..
humarap kaming dalawa sa likod para harapin si lara na shock na shock pa sa mga nangyari..
" sana ay magsilbing warning sainyong lahat tong ginawa ko. "
seryoso nyang pagkakasabi sakin tapos ay nilingon nya pa sila drew na halos hindi na makatayo at ibinalik din yung tingin kay lara..
" kapag sinaktan nyo ulit si caleigh. "
" ibabalik ko sainyong nang mas matindi yung ginawa nyong p*******t sakanya.. "
napatingin naman ako sakanya dahil humigpit yung hawak nya sa kamay ko..
nanatili syang matalim na tumingin kay lara habang parang pinipigilan nya yung galit na nararamdaman nya..
" subukan nyo lang ulit. "
" para sa susunod.. "
mahina nyang pagkakasabi tapos ay nilingon nya pa saglit sila drew..
" hindi na kama yung hihigaan nyo... "
" kabaong na. "
dagdag pa nya at saka sya tumingin sakin at niyaya akong magpatuloy na sa paglalakad..
bumuntong hininga nalang ako at sumunod sakanya habang hawak hawak nya yung kamay ko..
nang makalayo layo na kami ay napatigil sya sa paglalakad..
tinignan ko naman sya na nakayuko lang at dahan dahan nyang ibinaling sakin yung tingin nya at tumayo nang diretso..
" bakit hindi ka gumanti sakanila? "
seryoso nyang tanong sakin..
agad agad naman akong napaiwas nang tingin sakanya at napayuko nalang..
" h-hindi ko a-alam.. "
sagot ko sakanya at saka ko inangat yung ulo ko at tumingin nalang nang diretso..
binitiwan naman nya yung kamay ko kaya napatingin ako doon saglit tapos ay pumunta sya sa harap ko at dali daling pinitik yung noo ko..
" a-aray naman. "
nakakunot na noong sabi ko sakanya at hinimas himas ko pa yung noo ko tapos ay tinignan ko sya na seryoso lang na nakatingin sakin..
" sinaktan ka na nila pero hindi ka parin gumaganti caleigh. "
sabi pa nya sakin..
naibaba ko nalang yung kamay ko at napayuko sa harapan nya..
nagulat naman ako nang hawakan nya yung magkabilang pisngi ko at iniangat nya yung ulo ko at napatitig ako sa mga mata nya...
inayos pa nya yung buhok ko at inilagay nya 'yon sa gilid nang tenga ko tapos ay dahan dahan nyang idinampi yung daliri nya sa noo ko na pinitik nya..
nakita ko pa syang napalunok at bumuntong hininga tapos ay dahan dahan nyang idinampi yung labi nya sa noo ko..
* dug dug dug dug *
* dug dug dug dug *
* dug dug dug dug *
nang matapos nyang halikan yung noo ko ay ipinalibot nya yung mainit nyang mga bisig sa katawan ko at niyakap nya ko nang mahigpit..
" huwag ka namang masyadong mabait caleigh skye.. "
" gumanti ka rin paminsan minsan para hindi ka naabuso nang ganyan. "
malambing nyang sabi sakin tapos at hinalikan pa nya yung buhok ko habang marahan nyang hinahawakan yung buhok ko..
tumagal yon nang ilang minuto habang ako ay naestatwa lang sa kinatatayuan ko habang yakap yakap nya ako..
hindi na nagtagal pa ay kumalas na sya sa pagkakayakap sakin tapos ay tinitigan nya ako sa mata..
" masakit ba yung sugat mo? "
nag aalalang tanong pa nya sakin tapos ay ibinaling nya yung tingin nya sa may tuhod ko..
napatingin ako saglit doon at kanina ko pa nararamdaman na mahapdi na yon dahil parang natuklap yung balat..
tinignan ko naman sya at saka sya nginitian tapos ay dali daling umiling..
" malayo sa bituka yan.. "
" tara na , uwi nalang tayo. "
nakanhgiti kong sabi sakanya tapos ay isinukbit ko yung kamay ko sa braso nya at wala na syang nagawa pa kundi magpatuloy nalang ulit sa paglalakad..
habang naglalakad kami nang tahimik ay bigla nyang binasag nanaman yung katahimikang namamayani sa pagitan naming dalawa..
" caleigh.. "
mahinang tawag pa nya sa pangalan ko..
napatingin naman ako sakanya habang sya ay diretso lang yung tingin..
" bakit? "
tanong ko naman sakanya at ibinalik ko nalang yung tingin ko sa daanan..
" p-paano mo ba malalaman kapag mahal mo yung isang tao? "
nagtatakang tanong pa nya sakin..
napatingin naman ako sakanya tapos ay iniwas ko agad yon at mahinang napatawa..
" bakit mo naman natanong yan? "
" diba wala ka namang puso? "
tanong ko naman sakanya..
hindi na sya nagsalita ulit kaya napatingin ako sakanya at mapait syang ngumiti..
h-hala , b-baka na offend sya..
iniwas ko nalang ulit yung tingin ko sakanya at bumuntong hininga..
" s-siguro kapag masaya ka kasama yung tao na yon.. "
" tapos kapag palagi ka nyang napapangiti.. "
" yung tipong makikita mo palang yung itsura nya , mapapangiti ka na agad.. "
sagot ko nalang sakanya habang nakatingin ako nang diretso..
" yung nag aalala ka para sakanya.. "
" palagi ka nyang tatanungin kung okay ka lang ba... kung kamusta yung araw mo... tapos , kung anong gusto mo.. "
dagdag ko pa habang napapangiti ako sa hindi ko malamang dahilan habang sinasabi ko sakanya yan..
" at siguro yung pinakahuli.. "
bitin kong sabi sakanya at saka ko pa sya tinignan..
" kapag tumitibok nang mabilis yung puso mo kapag malapit lang sayo yung taong yon. "
dagdag ko pa at saka sya napatigil sa paglalakad..
dahan dahan naman nyang ibinaling yung tingin nya sakin at saka hinarap ako nang maayos..
" c-caleigh.. "
parang kabado nyang pagtawag sa pangalan ko..
napatingin naman ako sakanya at hinarap ko rin sya nang maayos..
napalunok sya habang tinitignan ako at saka bumuntong hininga.
napatingin naman sya sa kamay ko at dahan dahan nyang hinawakan yon at sinusundan ko lang nang tingin yung kamay nyang nakahawak sa kanang kamay ko tapos ay ipinatong nya yon sa may bandang dibdib nya kung saan nandoon yung puso nang tao..
idiniin pa nya yon nang konti tapos ay napatingin lang ako sakanya dahil hindi ko alam kung bakit ganito yung kinikilos nya..
kukunot na sana yung noo ko nang bigla kong may maramdaman na kung anong tumitibok doon sa may dibdib nya...
nanlaki naman yung mata ko at napalunok tapos ay napatingin ako sakanya..
" h-hindi ko a-alam kung b-bakit biglang may tumitibok na dyan sa loob master caleigh.. "
seryoso nyang pagkakasabi sakin habang nakatitig sya sa mata ko..
" pero sa tingin ko , ikaw yung may gawa nyan. "
dagdag pa nyang sabi sakin..
napatitig naman ako sa mata nya habang dinadama yung tumitibok sa loob nang katawan nya..
a-anong ibig sabihin nyan?