KINABUKASAN ay maagang bumangon si Bella upang masimulan ang kaniyang mga dapat ayusin. Pagkaligo niya ay bumaba siya ng kaniyang silid upang mag-almusal. Nakita niya ang ngiti sa mukha ng kaniyang ina nang mamataan nitong pababa siya ng hagdanan. “Good morning, Ma,” bati niya rito nang makalapit at makahalik sa pisngi nito. “May almusal na po ba?” tanong niya. “Oo naman, mayroon na, hinihintay ka nga lang namin ng Papa mo na bumaba para magkasabay-sabay na tayong kumain,” nakangiting tugon naman nito. “Tara na, kain na po tayo,” aya naman niya rito kaya magkasabay nilang tinungo ang kumedor nila. “Good morning, ‘Pa,” bati niya sa kaniyang ama at nakita rin niya ang ngiti sa mga mata nito. Naupo na siya sa pwesto niya sa hapag na iyon, at sumadok ng pagkain, sinangag na kanin, pritong

