NAKASALAMPAK sa sahig ng bahay nila si Shawn habang malungkot na nakatigtig sa wedding photo nila ni Bella. Napakaraming lata ng alak at iba’t ibang basura ang nakakalat doon sa sala nila, dahil doon siya nag-iinom na mag-isa, halos wala siyang tulog, ligo at kain man lang dahil tila kasing dilim na nang bahay na iyon ang kaniyang buhay. Ilang beses pa niyang sinubukang tawagan si Bella ngunit nakapatay ang cellphone nito at sa tingin niya ay nagpalit na ito ng numero. Ilang beses din niyang sinubukan na puntahan ito sa bahay nito sa Bulacan ngunit hindi na siya pinapapasok sa subdivision ng mga ito. Lahat na nang hakbang na kaniyang gagawin ay mabilis nang naharang iyon ni Bella kaya alam na alam niya at ramdam na ramdam ang tindi ng galit nito sa kaniya. Napakaraming tawag na ang natan

