HE WATCH her walk away, pinigil ni Aaron James ang sarili na tawagin ito para sabayan sa paglalakad...
Pero hanggang sa lumiko ang dalaga sa isang hilera ng nakaparadang mga sasakyan ay hindi bumukas ang kanyang mga labi...
Damn! I shouldn't feel this way! Pero bakit nanghihinayang ako na hindi ko man lang nahingi ang number niya, o kaya ay naitanong kung anong ginagawa niya rito sa El Greco Condo? Dito ba siya nakatira, o may kilala lang siya rito? s**t! Ayoko ng ganitong pakiramdam!
Naiinis sa sariling tinungo na ni AJ ang kanyang kotse na nakaparada sa di-kalayuan, agad na sumakay doon at pinaandar patungo sa exit.
Pero bago pa nakaliko si AJ patungo sa exit way, nahagip niya ang pamilyar na anyo, ang pamilyar na tindig ng isang babae... naiiling na nakatitig lang sa ibabang bahagi ng isang nakaparadang kotse, mukhang namomroblema...
It's her! Mukhang may problema sa kotse niya, ah! Flat ba iyon?
Kusang kumabig sa manibela ang kamay ng binata, pagkuwa'y huminto sa tabi ng nakatayong dalaga.
"Hey, may problema ba?" tanong niya habang pababa ng kotse.
"Oh, I'm glad you came! Flat ang gulong, o! My God! Ano bang gagawin ko? Mahuhuli ako sa dress rehearsal! Ah, can I ask you a favor?"
"Ha? What was that?"
"Can you give me a lift?" may bahagyang lambing ang tinig nito nang tumitig sa mga mata niya ang mga matang tila sumasamo.
"Ha? Ah, kasi—"
"Please? Hindi kasi ako sumasakay sa taxi. I have a bad experience sa pagsakay sa taxi. Nakatapat ako ng bastos na driver na gusto akong manyakin. Thanks God at may dala akong pepper spray! Bago niya ako nahawakan ay nabugahan ko na siya sa mata."
"Ganoon ba?" But he knows he should say no!
Naghihintay ang kanyang ina, isa pa, sinabi na niya sa sarili na hindi ang isang kagaya nito ang dapat niyang pag-ukulan ng pansin at panahon... she's not his type.
And why does he feel that she's started flirting with him?
"Oh, I'm sorry! Baka lang kasi puwede. Anyway, thank you na lang." Bahagya namang lumambong ang lungkot sa mukha nito at nag-iwas na ng tingin sa kanya. "Maybe it's about time na labanan ko na ang takot sa pagsakay sa public vehicle o sa taxi dahil—"
"No! Ah, sige, sakay ka na! Ihahatid na kita!" Agad niyang tinungo ang pinto sa unahang passenger's seat at binuksan iyon.
"Really? Oh, thank you so much! Pero paano nga pala ang mother mo? I've heard na susunduin mo siya at—"
"I will call her. I will tell her na medyo male-late ako."
"Really? Oh, thank you! And I'm sorry! Naabala ka at—"
"It's okay, sakay ka na!" bahagyang nag-iwas nang tingin si AJ sa mukha ng dalaga...
Her sweetest smile makes his heart falter a bit...
SO, HINDI siya nakatira sa El Greco Condo, may kaibigan lang siyang tagaroon at nakitulog lang dahil nalasing sila ng mga kabarkada sa isang bar. My God! Lasengga pa yata! At babae ba iyong kaibigan niya tinulugan? Paano kung lalaki?
Hindi maipaliwanag ni Aaron James kung bakit matinding ngitngit ang nadarama niya...
All right, wala ngang lalaki sa buhay niya, she doesn't need them... as for permanent relationship. Pero babae pa rin siya... may mga simpleng pangangailangan. At puwede naman niyang makuha iyon... kahit panandalian lang... sa pamamagitan ng mga lalaking papayag din sa isang relasyon na walang commitment, no string attach...
Bahagyang dumiin ang tapak ni Aaron James sa silinyador kaya bumilis ang takbo ng sasakyan.
And she's a ultra-modern woman, naniniwala na dapat pantay-pantay lang ang karapatan ng mga babae at lalaki. Even in s*x?
"Damn it!" napahampas sa manibela ang binata.
"Hey, AJ, what's wrong with you?"
"Ho?" nagulat pa siya nang tapikin ni Jessielyn sa balikat.
"I've said, what's wrong with you? Bakit napamura ka at napahampas sa manibela? At bakit ang bilis mong magpatakbo? Will you please slow down? Dadalaw tayo sa ospital dahil nanganak si Analize, hindi para tayo naman ang dalhin sa ER."
"Ah, sorry, Ma." Dahan-dahang nagpabagal ng patakbo ang binata.
Oo nga pala, naihatid na niya sa pupuntahan nito si Xiandra, at ngayon ay ang kanyang ina naman ang kasama kasama.
Pero hanggang ngayon, sobrang affected siya sa mga bagay na kaswal lang nilang napag-usapan ni Xiandra kanina.
"Bakit ba? May problema ka ba?" may pag-aalala sa tinig ng kanyang ina.
"Wala ho, okay lang ako. Napamura lang ako dahil... muntik nang masanggi ng sasakyang na-overtake kanina ang sasakyan natin."
"Hindi ko naman nakita, ah!"
"Baka sa iba kayo nakatingin. Anyway, Ma, okay ba naman si Analize? Normal delivery ba?" pag-iiba niya sa topic.
"Oo naman! Matapang ang kapatid, ah, I mean, ang hipag mo. Kinaya niya ang sakit ng panganganak kahit sinabi ng doktor na magpa-CS na lang siya."
"Talaga ho? Sabagay, ganoon naman talaga si Analize, malakas ang loob. Nasasabik na akong makita ang pamangkin ko, ah!"
"Kaya mas maging maingat ka sa pagda-drive."
"Oho!"
At pinilit na lang niyang kalimutan ang tungkol kay Xiandra Oliver...
Siguro naman, hindi na uli babalik sa unit ng kaibigan niya ang babaeng iyon para makitulog. O, kung bumalik man, hindi pa rin kami magkikita uli dahil hindi na muna ako maglalagi roon. Sa bahay na lang muna ako uuwi. Dalawang linggo na lang may flight na uli ako, that way, lilipas din itong nararamdaman ko para sa kanya...
PERO hindi yata ganoon kadaling gaawin iyon...
Lalo pa at kahit na gustong umiwas ni Aaron James, may iba namang iniuudyok ang kanyang traydor na puso...
Nakakatamad umuwi sa Forbes ngayon, matrapik. Isa pa ay inaantok na ako. Sa condo na lang ako uuwi.
Pero bahagya siyang napailing...
At sino bang niloloko mo? Don't make excuses. Gusto mong magbakasakali na makita mo roon si Xiandra, hindi ba?
Napapiksi ang binata matapos kabigin ang manibela patungo sa gustong direksiyon na pupuntahan.
No! Just Shut up! Hindi totoo iyan! She's not my type! She's just a beauty, a one hot babe. At lalaki lang ako na may kakayahang humanga sa kanyang kagandahan. Pero lilipas din ito! Hindi ako magpapakalulong sa isang kagaya niya na ginagawang scapegoat ang pagiging liberated at ultra-modern para maging malaya sa pakikipagrelasyon sa kung kani-kanino!
Bahagya na namang dumiin ang tapak niya sa silinyador.
Hanggang makarating siya sa El Greco Condominium at ngayon ay papasok na sa basement parking...
Natatandaan ko, kulay puti ang kotse niya. Mukhang wala naman dito. Wala siguro siya...
May panlulumong pilit na umukilkil sa kanyang dibdib, but he tried to ignore it...
Hanggang nakapasok na siya sa elevator at nakarating sa kanyang unit ay naroon pa rin ang lihim na pag-asam na sana... sana ay naroon si Xiandra at hindi sinasadyang magkasalubong sila...
Pero bigo siya...
ANO kayang naging dating ko kay Aaron James noong unang magkrus ang landas namin? Well, mukha namang na-starstuck sa akin ang mokong na iyon. Hindi rin niya ako natiis na hindi ihatid kahit na may importante siyang lakad. Well, umpisa lang iyon. Sabagay, wala naman akong balak na paibigin talaga siya. Isa lang ang kailangan ko sa kanya... his genes.
"Hey, mukhang napaparami ang nainom mo, ah!"
"Ha? Ano kamo?" halos pasigaw na tanong ni Xiandra sa kaibigang si Celine nang maupo sa tabi niya.
Dumadagundong ang maharot na musikang pumapailanlang sa kabuuan ng bar na iyon, habang sa gitna ng dance floor ay maharot na sumasayaw ang mga kababaihan at kalalakihang naroon.
"Ang sabi ko, naglalasing ka ba?" pasigaw din na tanong nito.
"Of course not! I'm just having fun! Napagod ako sa pagsasayaw kanina kaya ako umiinom!"
"Okay! Halika na, sayaw ka na uli! Kanina ka pa tinatawag nina Faye, o! And look at Nathan, all eyes pa rin dito sa gawi natin at mukhang kanina ka pa hinihintay na bumalik doon."
"Hmp! Kaya nga ako umalis doon, nabubuwisit ako sa isang iyon! Masyadong feeling! Feeling guwapo! May pagkapreskto pa! Sinasayawan ako ng dirty-dancing! Yak! I hate that kind of man na akala yata ay makukuha ang lahat ng babae sa mga abs at muscle niya!"
"Ikaw naman, nagpapapansin lang iyon!"
"Ewan! Hindi ko talaga feel ang mga lalaking kagaya niya! Bakit ba kasi isinama mo pa iyan dito sa birthday blow-out mo?"
"Well, para may kasama tayong guys! At ewan ko ba naman sa iyo! Look at th other girls sa ibang mesa. Muhkhang nagsu-swoon sila kay Nathan! Ang guwapo at ang macho naman kasi niya, hindi ba? And why not! He's one of the hottest international model!"
"Hindi ako impress!"
"Oo na! Kaya ka nasasabihang ice-queen, at kaya napagdududahan ang p********e mo, wala kang matipuhang lalaki!"
"Okay lang, I won't mind them!"
"Ewan! O, sige na, babalik na ako sa kanila! Sumunod ka na lang kapag feel mo ng sumayaw!"
"Okay!"
Pasayaw-sayaw nang nagbalik sa dance floor si Celine.
Habang si Xiandra ay diretso nang ininom ang laman ng kopita at tumayo, pero hindi para bumalik sa dance floor, kundi para pasimpleng lisanin na ang lugar na iyon.
I need to go home. Maaga pa akong gigising bukas. I need to execute my plan-B...
Nangingiting lumabas ng bar ang dalaga at dumiretso sa kanyang kotse...
Tomorrow, we will see each other again, Aaron James El Greco...