"I THOUGHT you're not going to attend my wedding!" wika ni Redmar sa pinsang si AJ.
"Well, bakasyon ako ngayon. Anyway, talaga bang true love na iyang natagpuan mo, ha?" pasimpleng bulong ni Aaron James sa groom.
"Oo naman, ano?"
"But she's ten years younger than you at isa siyang sikat na artista." Bahagyag sinulyapan ng binata ang bride na abala naman sa pakikipag-usap sa ibang bisita na nasa di-kalayuan. " Baka masaktan ka lang at—"
"Hey – hey! Iyan ba ang regalo mo sa kasal ko? Ang pagdudahan ang pagmamahalan namin ng baby ko?" natatawa na lang na wika ni Redmar.
"Well, you can't blame me. Alam ko ang pinagdaanan mo kay Natasha na isa ring artista at—"
"Iba si Jacq kay Natasha. At mahirap man ipaliwanag kung paano ko iyon natiyak, basta para sa akin, iba siya. Kaya niyang talikuran ang kasikatan at pera makasama lang ako, mahalin ko lang siya, at maging isang buo kaming pamilya. But of course, I am not that selfish para ikulong lang siya sa bahay. Kahit na kasal na kami, o kahit may mga anak na, I will let her to pursue her acting career. She's a good actress, I will let her grow and to make her own legacy. Ang mahalaga lang, nagkakaunawaan kami."
"Naks! Iba ka na, ha? Naniniwala ka na rin ba sa forever and destiny na palagi kong sinasabi sa iyo noon?"
"Oo naman! Kahit na hindi mo ako kagaya na very vocal sa pagiging hopeless romantic, deep inside, naniniwala din naman ako sa destiny and forever and..." kusang natigilan sa iba pang sasabihin si Redmar nang mapansin nitong tila hindi naman nakikinig dito si Aaron James. "Hey, AJ! Where are you, huh!"
"Ha?" nagulat pa ang binata nang maramdaman ang pagtapik ng groom sa kanyang balikat. "What was that?"
"What was that ka riyan! Kanina pa ako salita nang salita, hindi ka naman nakikinig. Ano bang tinitingnan mo at mukhang nawala ka yata sa sarili mo?"
"Ha? Ah, kasi ay..." muli siyang sumulyap sa gawi ng pinagmamasdan kanina. "Did you know that lady in red?"
"Sino?" sumunod ang tingin ni Redmar sa gawi ng tinitingnan ni AJ. "Oh, si Xiandra Oliver!"
"Xiandra Oliver? What a beautiful name for a beautiful lady like her." Nag-iba ang kislap ng mga mata ni AJ.
At bakit nga ba hindi, isang napakagandang dalaga ang tinatanaw nila ngayon na kausap ng ilang magagandang dalaga rin na bisita sa kasalang iyon.
She looks so sophisticated in her red-dress na above the knee ang haba pero hakab na hakab sa katawan ang yari at sleveeles, plus five inches stilletto shoes. Although she looks so sexy and hot, but she looks more classy...
"Naks! Talaga? A beautiful name for a beautiful lady. Aba, himala, nakapansin ka rin ng magandang babae, ha? Sabagay, maganda naman talaga si Xiandra Oliver. Ikaw ba naman ang tanghaling one of the best model in the world, at ilang beses na ring nanalo bilang faces of the world."
"Talaga? Did you know her personally?"
"Well, I've met her once. Noong kami pa ni Natasha. Bago pa lang siyang model noon at si Natasha pa ang mas kilala bilang international ramp model sa Italy. After nang maging artista si Natasha, siya na ang palagi kong napapanood sa mga fashion show at nababasa sa magazine. She became more famous."
"Talaga? And what did you know about her?" Lalong naging interesado sa pagtatanong si AJ. "Anong mga nabasa mo tungkol sa kanya."
"Are you really interested about her?" bahagyang kumunot ang noo Redmar. "Naninibago ako sa iyo, ah! Dati ay ang daming babaeng nagpapapansin sa iyo, pero dedma ka lang sa kanila. May mga naging ka-relasyon ka naman, pero hindi nagtagal. Ikaw ang unang kumakalas. Pero ngayon... hmm... I smell something fishy."
"Masama ba? Sa nakuha niyang atensiyon ko at—"
"Then, forget it! She's not really the girl you're looking for that will satisfy your fantasies for love."
"What do you mean?"
"She's an ultra-modern girl, a so-called woman of the world. A little bit happy-go-lucky... and most of all, an advocate of gender equality. Kahit na saang interview, madalas niyang sabihin na naniniwala siya sa pantay-pantay na karapatan ng babae at lalaki. At palagi niyang sinasabi na kayang mabuhay ng mga babae na walang lalaki sa buhay nila, pero hindi kaya ng mga lalaki na mabuhay ng walang babae sa buhay nila."
"What?"
"See? Nanlaki ang mga mata mo. So, just forget about her, ignore her. She's not good for you. Baka kasi masali ka pa sa mga lalaking nabaliw sa kanya pero lahat sila ay nabigo, umuwing luhaan. Dahil para sa kanya, walang lalaking makakapasa sa kanya dahil ayaw niya ng may lalaking hahawak sa kanyang leeg, walang lalaking puwedeng mag-utos sa kanya ng mga bagay na dapat niyang gawin o hindi gawin!"
"Oh! Talaga?" may nadamang kakaiba sa dibdib si Aaron James, disappointment? Panghihinayang? Inis?
"Yeah! So, payong kaibigan at pinsan, huwag siya!"
"Okay!" pakibit-balikat na tugon ng binata. "Nagandahan lang naman ako sa kanya, pero kung ganyan pala siya, ayoko na talaga."
"Good! Iwas broken-hearted ka pa!"
And that was the first time na nakita ni Aaron James si Xianda Oliver... at sabi ng binata sa sarili, kalilimutan na lang niya kung bakit tila biglang kumislot ang kanyang puso sa simpleng pagkasulyap lang sa magandang mukha na iyon... at sa magandang tindig ng dalagang modelo...
PERO ang hindi inaasahan ni Aaron James, muli niyang makikita ang dalaga after two days...
Sa mismong El Greco Condominium kung saan mayroon siyang sariling unit...
Damn! Bakit ba tinanghali ako ng gising? Nakalimutan kong may lakad nga pala kami ni Mama! Oh, baka magtampo iyon. Kahapon pa nga pala siya nagpapasama na dalawin sa ospital ang bagong panganak na si Analize.
Malalaki ang hakbang na tinungo ni AJ ang elevator habang nagda-dial sa kanyang Iphone para tawagan ang ina na siguradong naghihintay na sa pagsundo niya.
Eksaktong bumukas ang pinto ng elevator sa tenth floor kung saan naroon ang kanyang unit ay tumunog naman sa kabilang linya...
"Hello? AJ, where are you?"
"Ah, I'm still here at the... condo..." pero bahagya lang lumabas sa kanyang bibig ang mga katagang iyon...
He was distracted... or, shall we say mesmerized with the beautiful lady inside that elevator...
Xiandra Oliver!
At iyong sinasabi nila na tila tumambol sa kaba ang dibdib ay literal niyang nararanasan sa mga sandaling iyon...
"Are you coming in?"
"Ha?" bahagya pang napapitlag si AJ nang marinig ang malambing at malamyos na tinig na iyon. "Ah, yes! Of course I'm coming! Sorry!" bahagya siyang napapitlag at pilit na hinamig ang sarili, pagkuwa'y humakbang na papasok.
"It's okay!" Pinisil ng babae ang close button, unti-unting sumara ang pinto.
One foot-away, may distansiya naman silang ganoon kalayo, ngunit hindi sapat iyon para hindi malanghap ni AJ ang mabangong sanghaya ng dalaga na lumakip pa sa mamahaling pabango na gamit nito...
Oh! What a coincidence?
"Hello, AJ! Are you still there?"
"Ha?" muling napapitlag si Aaron James bago pa siya tuluyang napapikit. "Yes, Ma, I'm still here!" saka lang niya naalala na kausap nga pala sa kabilang linya ang ina.
"So, nariyan ka pa sa condo mo?"
"Ah, pababa na ako, Mama, patungo sa kotse ko! Susunduin na kita!"
"Okay, I'll wait for you na lang, ha?"
"Okay po! Bye!"
"Bye, I love you!"
"I love you too, Ma!"
Nawala na sa kabilang linya si Jessielyn...
Lihim namang naiiling at napapabuntong-hiningang ibinalik ni Aaron James sa bulsa ang Iphone.
"Your mother?"
"Ha?" muntik na namang mapapitlag ang binata ng biglang magsalita ang nag-iisang kasama sa loob ng elevator. "Ah, yes, it's my mom!" napilitan siyang lingunin ito.
Then he saw her sweetest smile...
"Really?" And the glittering in her shining eyes. "Ang lambing mo naman sa mom mo? She's very lucky to have a sweet son like you!"
"Ah, nakasanayan na kasi naming mag-iina ang mag-i-love you sa isa't isa."
"Really? How sweet talaga. Anyway, my name is Xiandra Oliver, and you are..." sabay lahad ng palad sa kanya.
"Ha?" biglang na-concious si AJ, ramdam kasi ng binata ang pag-iinit ng pisngi, at feeling niya ay namumula ang kanyang mukha.
"So, mapapahiya ba akong makipagkilala sa—"
"Ah, of course not! My name si Aaron James El Greco." Nagahol pa siyang gagapin ang palad ng dalaga.
"Aaron James... hmm, can I call you AJ?" sabay pisil sa kanyang palad.
"Yeah, of course! Actually, my close friends and families call me that way!" awtomatikong gumanti siya ng pisil sa palad nito...
And he swear, he has that feeling that he doesn't want to let go of that hand again.
"Really? How nice, puwede pala kitang tawagin sa ganyang pangalan. Anyway, bukas na, o!" turo nito sa pinto ng elevator na nasa basement parking na pala.
"Ah, oo nga!" pabigla pa niyang nabitiwan ang kamay nito. "Sige, mauna ka ng lumabas."
"Okay, thank you!" isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Xiandra sa kanya bago tuluyang humakbang palabas. "Bye!"
"Bye!"