Chapter 27

2117 Words

BANAYAD ANG BAWAT paghagod ng dampi ng kanilang mga labi. Ang bawat haplos ng balat nito’y hindi man lang sumasadsad sa mga kurbadang parte. Tila naglalarong mga bata ang mga halik nila sa isa’t isa. Nakapikit ang mga mata subalit ramdam na ramdam kung anong parte ng mukha ang gumagalaw. Hindi iyon isang patibong kundi isang seryosong laro na kahit na sinong nilalang ay lalaruin —ang laro ng nag-aapoy na damdamin. Hindi nakontra ng hangin ang nakakapasong sandali. Tila kahit anong gawing pag-apula sa nag-iinit na nararamdaman ay walang patumanggang tumatagos ang mga pananabik sa isa’t isa sa pagitan nina Iñigo at Marga. Dumaloy ang mga daliri ng binata sa buhok ni Marga upang maalalayan ang pagdiin ng halik nito sa kanya. Gumagapang sa malalandas nitong hibla ang bawat daliring hindi maka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD