"Anong sinabi mo? Sa mismong bahay ni Rowena Santos huling nakabukas ang phone ni Ms. Beverly Lopez?" bulalas ni Timothy habang nakatayo sa lilim ng isang puno. Naroon siya 'di kalayuan sa tapat ng bahay ng biktima. "At noong isang gabi pa nangyari iyon?" "Oo, Kuya!" tugon ni Mia mula sa kabilang linya. "Sure ba kayong wala kayong ibang nakita sa bahay niya?" "Iyon ang sabi nila. Sige, kukumbinsihin ko silang maghalughog ulit doon." Kaagad nang ibinaba ni Timothy ang tawag. Ngunit pagharap niya, dalawang pares na ng mata ang nakabungad sa kaniya. "Sinong kausap mo?" Nakahalukipkip si Guada nang magtanong. Salubong din ang kilay nito habang tila isa siyang aklat na pilit nitong binabasa. "Ako? Wala," pag-iwas niyang nagpilit ng tawa. "Sarili ko lang." Mariin pa rin itong nakatingin nan

