Bitbit ang sama ng loob, sumakay si Mia sa mobile van hawak ang nakuhang memory card ng dash cam. Saglit siyang nag-alangan na isalang 'yon sa laptop na naroon. Pikit-mata siyang humiling na sana, ang nakita niya kanina at ang mga sinabi ni Rachel ay hindi totoo at kasinungalingan lamang. Alam niyang sumunod sa kaniya ang babae na sumakay rin sa van. Wala siyang pakialam at hindi na inintindi pa ang presensiya nito. Gusto niyang malaman ang totoo. Baka may iba pang dahilan sa likod ng mga 'kakaibang gesture' na namagitan sa mom niya, at sa dad ni Rachel. Nang makapagdesisyon na siya, bumuntong-hininga muna siya bago niya 'yon isinalang sa card reader. Bumungad ang mahabang list na napaghihiwalay ng dates and hours. Pumili lang siya ng random dates. Noong umpisa, puro lang kalye na di

