Matapos makapagparada sa bakanteng parking space, kaagad na tinungo ni Timothy ang bahay ni Rowena Velez santos. Saglit siyang napatingala sa kalangitan. Ramdam niya ang agarang pagtagaktak ng pawis. Masakit pa rin sa balat ang sikat ng araw kahit kung tutuusin, dalawang oras na lamang at palubog na ito. Nang makatanggap ng mensahe mula kay Delgado, kaagad siyang umisip ng paraan kung paano makakapagdahilan sa partner na si Guada. Napakahirap nitong pakiusapan kaya naman, tinakasan niya na lang ito kanina. Kailangan niyang magtungo rito sa Southern Bridgestone, isang simpleng subdivision na sakop ng Zone 84. Nagbabakasakali siyang may makitang kung ano sa dalawang palapag na tahanan ng biktima. Halos sumabog naman ang puso niya nang matuklasang, ang kaniyang tinakasang partner, mukhang

