[Continue...] "D-dila ba 'yon?" bulalas ni Angel na halos mawalan ng kulay ang mukha. "...ng tao?" dagdag ni Bogs na nanlalaki rin ang mata. Hindi naman inintindi nina Nick at Francis ang mga ito. Ganoon din si Mia na itinuon ang tingin sa screen. "Look closely," panimula ni Francis na napaturo sa bata. "Base sa mga ikinilos ng bata, sa pagtangka niyang paghila roon sa lalaki, at pagtapon ng pagkain sa lapag, alam niya kung ano ang nangyari." "Nakita niya ang pagpatay sa mama niya?" usisa ni Bogs. "I don't think na mama niya iyon," tugon ni Mia na napatingin sa mga kasama. "Dahil kung ganoon, kanina pa siya umalis para magsumbong sa nakakatanda, o 'di naman kaya roon sa dumating na lalaki. Pero hindi. Pinili lang ng bata na umiyak habang nakatingin sa pinto

