*** Wala nang ibang mapagpilian si Timothy. Hindi naman sa gusto niyang lubusang iasa sa grupo nina Mia ang pag-iimbestiga. Pero wala siyang magagawa kung ang mga ito lang ang pinagkakatiwalaan ng anonymous hacker. Kaya nga kahit labag sa kalooban niya, kailangan niya itong gawin. Dahil kailangan niyang magdoble ingat, nagtungo siya sa emergency exit ng istasyon para makausap ang mga ito via video call. "Okay. Hahayaan ko kayo sa ginagawa ninyong pag-iimbestiga pero aaksyon lang kayo behind the scenes. Walang susugod sa mismong crime scene o kung saan posibleng mapanganib," habilin niya sa mga ito. Kaagad namang sumang-ayon ang grupo. Muli niyang ipinaliwanag sa mga ito ang kaniyang natuklasan sa kasamahan. Si Rowena Velez Santos ay natagpuan sa ilalim ng tambak ng mga basura malapi

