*** Sa study area ng club room, abala si Mia sa pagkopya ng notes ni Nick. Napakaganda at napakalinis ng sulat nito, kumpara sa kaniya na puwede ng maikumpara sa mga nakapag-PHD na doktor, or worst, sa kinahig ng manok. Balak nga rin niyang tyumempo sa paghingi ng tulong sa mga kaibigan para sa kaniyang report. Hindi naman siya palaging umaasa sa mga ito. Paminsan-minsan lang. Kapag 'di niya talaga kaya. "Ano, Mia? Nakapag-review ka ba kagabi para sa quiz natin mamaya?" tanong ni Angel nang tumabi sa kaniya. Tila tumigil ang mundo niya dahil sa narinig. "May quiz tayo mamaya?" Nanlaki pa ang mata niya. "Oo, hindi mo ba nabasa sa GC? Pina-advance na ni Prof. para daw medyo free tayo this weekend." Inis niyang naipadyak ang mga paa. Tahimik din siyang napaatunga

