Chapter 23: Suspicious Housekeeper

1091 Words

Naging normal ang buong linggo ng grupo nina Mia. Hindi na iyon nakakapanibago para sa kanila. Pagkatapos ng kahindik-hindik na naranasan ni Calvin at ng katrabaho nitong si Marcus, bumalik pa rin sa dati ang lahat. Pumapasok pa rin sa university si Calvin, habang si Marcus na nag-aaral sa kabilang university, pinauwi muna sa bahay-bakasyunan ng pamilya nito. Tuluyang naipasara ang Chalsea Vandaeu Restaurant dahil parehong pumanaw ang mga may-ari nito. Walang ibang nanagot sa nangyari, lalo't napatunayan namang hindi karne ng tao ang inihahain sa lugar.  Pero, sino pa bang magnanais kumain sa kainan kung saan mayroong sekretong espasyo na pinaglagakan ng mga bangkay? Hindi na kinuwestiyon pa ang pagkamatay ng dalawang suspek, kahit malinaw na may sadyang pumatay sa mga ito. Kahit sila,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD