*** Sinakop ng masidhing pagkatakot si Professor Perez nang magkamalay. Nakapiring ang kaniyang mga mata. Ramdam din niyang nakagapos ang kaniyang mga kamay at paa habang nakahiga sa matigas na sahig. Nagsimulang manginig ang kaniyang kalamnan. Hindi lang dahil sa malamig na atmospera sa paligid, bagkus ay dahil sa pagbundol ng kaba sa kaniyang dibdib. Nasaan ba siya? Wala siyang maaninag na kahit ano kaya hindi siya makasiguro. Ni hindi niya maalala kung paano siya napunta rito at kung sinong baliw ang magtatangkang gumawa nito sa isang matandang baon sa utang? "Sino kayo? Ano'ng kailangan n'yo sa akin!?" pagbalahaw niya sa kawalan. Nagsimula na ring umagos ang luha sa may piring niyang mga mata. Mababanaag din sa tinig niya ang labis na pangangatal. "Pakawalan n'yo ako! Huwag nin

