Nasa kalagitnaan na ng kalangitan ang araw nang magparada si Timothy sa parking lot ng Horizon University. Mukhang malaki na ang pinagbago ng lugar lalo't marami ng nagtatayugang puno rito. Pagkababa niya sa kotse, kaagad siyang nagtungo sa administration office kung saan nakasalubong pa niya si Mang Telmo-- ang guwardiyang matagal nang naninilbihan sa lugar. Inaya niya itong magkape sa harap ng vending machine, sa labas mismo ng main building. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy sa matandang may namumuti na ring buhok at kaagad niyang itinanong ang pakay. Mababanaag naman sa mukha nito ang pagkabigla. Napatingin pa ito sa paligid at mas lumapit sa kaniya. "Kakaunti lang ang nakakaalam tungkol sa pagpapakamatay ng batang 'yon. Alam mo namang ayaw na ayaw ng unibersidad sa iska

