Chapter 1
Maagang nagising si Celine. Kailangan niyang maghanap ng trabaho dahil kung hindi ay mamamatay sila sa gutom magkakapatid. Wala na ang kanyang ina. Namatay ito noong high school pa lamang siya. Ang kanya namang ama ay may kinakasama na rin at hindi na sa bahay nila nakatira. Responsable naman ang kanyang ama, itinaguyod silang magkakapatid at pinilit na maibigay ang kanilang pangangailan. Subalit nawalan ito ng trabaho bilang foreman sa construction kaya hindi na sila masuportahan. Dagdag pa ang kinakasama nito na lagi sinasabihan ang kanyang ama na malalaki na raw ang mga anak nito at hayaan ng tumayo sa sariling mga paa. Ngunit ang totoo ay meron pa syang dalawang kapatid na nag aaral sa highschool at isang napilitan umuwi sa probinsya para makapag aral ng kolehiyo. Sila naman ng kanyang ate ay hirap din makahanap ng trabaho dahil hindi rin sila nakapag tapos. Gusto niyang maiyak sa sitwasyon niya sa buhay pero mas naiisip niya ang kanyang mga kapatid.
"Pasensya ka na miss, hindi kasi kami tumatanggap ng undergraduate". Tatlong kumpanya ang inapplyan niya ngunit pare-parehas lang ang naririnig niya. "Lord, bat naman ganto yung buhay ko", sambit niya sa sarili. Gusto niya nang maluha dahil malapit ng maubos ang perang naipon niya at wala pa rin siyang nahahanap na trabaho. Natigil ang pag-iisip niya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang text mula sa kanyang pinsan. "Ate, bar tayo mamayang gabi samahan nyo ko please. Ayokong sumama sa matandang to ng mag-isa natatakot ako", ani Mila. Si Mila ay pinsan niya sa side ng kanyang ina. Maganda ito kaya naman napakaraming nanliligaw dito simula pagkabata. Kaya lamang, nagustuhan ito ng kanyang boss na matanda, at dahil mapera, ipinagtutulakan siya ng mga magulang niya rito. Kontra man si Mila ay hindi siya makatanggi lalo na't madalas itong dumadalaw sakanilang bahay at may dalang pasalubong para sa ina nito. At ngayon nga ay niyayaya siya nitong lumabas. Takot din siya sa pwedeng mangyari sa pinsan kaya tuwing yayayain ito ng matanda ay sumama sila ng iba pa nilang pinsan. "Oo sige sasama ko. Gusto ko malasing ngayon", reply niya sa pinsan. "Magpapakalasing nalang ako para mabawasan yung frustration ko", sambit niya sa sarili.
7pm nang sunduin sila ni Luis sa bahay nila Mila. Hindi ito nagpapatawag ng tito o sir dahil lalo raw nitong nararamdaman na mas matanda siya kay Mila kaya nasanay sila na Luis lamang ang tawag dito. Sa tabi ng driver naupo si Mila habang sila Celine, Laura at Trish ay naupo sa likuran. Simula pagkabata ay tinuring na nilang bestfriends ang isa't isa. Pag may kaaway ang isa ay automatic na kaaway na ng lahat. Magkakapatid ang turingan nila at hanggat maari ay hindi sila nag aaway away. Wala rin lihiman. Pagdating naman sa aking ganda ay walang papatalo sakanila. Nasa lahi na nga daw. Pag magkakasama silang apat ay animo namimilog ang mga mata ng mga nakakakita lalo na ang mga kalalakihan. Pero wala silang hilig sa lalaki. Mas masaya sila na sila sila lang ang magkakasama at walang lalaki na nagbabawal sakanila.
"Andito na tayo", sabi ni Luis. Sa isang high-end bar sa Tomas Morato sila nagtungo. "Wow! mukang mamahalin dito ah", amazed na sabi ni Laura. "Huwag kayo mag alala ako naman ang bahala sa lahat, basta mag order lang kayo at mag enjoy", ani Luis. Excited silang lahat maliban kay Mila dahil pag nalalasing ang matanda ay walang humpay ito sa katatanong kung kailan ba siya nito sasagutin. "Sobra-sobra na yung ginagastos mo samin", saad ni Mila. "Basta para sayo Mila, maging masaya ka lang. Kung magpapakasal tayo sisiguraduhin kong hindi ka na maghihirap", ani Luis. Tahimik lamang na tumango si Mila.
Habang nasa bar ay hindi maiwasan maisip ni Celine ang mga nangyari sakanya ngayong araw. Kung gaano kahirap ang buhay niya na lalo pang pinahirap nang katotohanan na hirap siyang makahanap ng trabaho..Naaawa siya sa sarili lalo na sa mga kapatid na pinagkasya lamang ang hapunang iniwan niya dito kanina. Gusto niya bigyan nang maayos na buhay ang pamilya niya. Hindi niya magawang sisihin ang ama sa hirap na dinadanas nila dahil alam niya naman na matanda na rin ito at hirap na rin makakuha ng trabaho. Pinangarap niya rin naman dati na patigilin na ang ama sa trabaho at hayaan nalang itong mag enjoy sa buhay dahil hindi rin biro ang hirap na naranasan nito sa pagtataguyod sakanila. "Haaaaaaay" napabuntong hininga na lamang siya nang maisip ang mga iyon. "Ate may problema ka ba?" tanong ni Trish. "Wala pa rin ako nahahanap na trabaho", sagot niya sabay inom ng hawak na bote ng beer. "Huwag ka mag alala ate pag may opening samin sasabihan kita", saad naman ni Laura. Ngumiti lamang siya. Matagal na rin siyang inaalok ng trabaho ni Luis ngunit ayaw niyang tanggapin dahil baka lalo lamang mabaon sa utang na loob ang pinsang niyang si Mila. Alam naman niya na ginagawa lamang ito ng matanda dahil sa pagkagusto sa pinsan niya. Ayaw niya manamantala. Hindi namamalayan ni Celine na napaparami na pala siya ng inom. Pakiwari niya ay sinasadya ni Luis na mag order nang maraming alak. "Mukang gusto kaming lasingin nito, pwes mali siya ng hinamon", sabi niya sa sarili. Pinagsabihan niya si Mila na huwag uminom ng marami para kahit pano ay may matirang matino pa sakanilang apat.
Parang puputok ang tiyan niya sa sobrang daming nainom. "Shiiiit, bumabaliktad sikmura ko", ani Celine. "Ate huwag dito, dun ka sa CR", sabi naman ni Trish. Patakbo siyang tumakbo sa CR dahil nararamdaman niya na anomang oras ay masusuka na talaga siya.
Darwin's POV
Excited na ko sa kasal namin ni Rhianne. Sa loob ng anim na taon, siya lang ang babaeng minahal ko. Para sakin ay walang maikukumpara sakanya. Maganda, matalino, mahinhin at galing sa maayos na pamilya. Ang kasal namin ang mag iisa sa dalawang malalaking kumpanya sa bansa. Lahat nang bagay na naisip at plinano ko ay umaayon ng maayos. Pero halos madurog ang mundo ko nang may magpadala sakin nang mga larawan ni Rhianne. Nakayakap sa ibang lalaki. Masaya. Niloloko niya ko. Nakikilala ko rin ang lalaking kasama niya, si Lance. Mula sa kalaban naming kumpanya. Simula pa noon ay nakikipag kompitensya na ito sakanya ngunit hindi siya matalo dahil sa kahit anong aspeto ay lamang siya dito. Higit na mayaman din ang kanyang angkan kaysa dito. Kaya't hindi niya matanggap na niloloko siya ng nobya at ni Lance. Actually, nakita niya na sila noon na magkasama ngunit ayon sa kanyang kasintahan ay kaibigan lamang ito at kasosyo sa negosyo. Bagay na pinaniwalaan naman niya dahil sa tiwala niya kay Rhianne.
Pero eto siya ngayon, nakakuyom ang kanyang kamao habang nakatingin sa mga taong palihim siyang niloloko. Ayon sa nagpadala ng mga litrato ay madalas raw nagpupunta si Rhianne at Lance sa bar na ito. Kaya naisip niyang hulihin sila sa akto at pagbayarin si Lance. Kitang kita nang dalawang mata niya kung paano yakapin at halikan ni Lance si Rhianne. At ang malandi niyang fiance ay talaga namang nag eenjoy sa ginagawa ng lalaki. Mga hayop. Kinuha niya ang cellphone, pinicturan ang dalawa. Nag send din siya ng text message sa nobya. "Hello babe, where are you? wanna join me tonight? I miss you". Nagreply din naman ang kanyang nobya "Sorry babe, been busy the whole day. Im so tired, I just wanna rest. Ill make up with you I promise". Lalo siyang nag init sa galit. Harap harapan siyang niloloko. Nagsisinungaling din ang nobya niya sakanya habang kitang kita niya na masaya silang nagtatawanan ng kalaguyo nito. "Sisiguraduhin kong hindi ka na makakatayo hayop ka" bulong niya sa sarili. Buong buhay niya, walang sinomang nagtangka na lokohin siya. Isa siyang dela Vega, respetado, kinatatakutan at tinitingala ang kanyang pamilya. Kaya hindi niya hahayaan na mapapahiya lang siya ng ganito dahil sa pagloloko ng nobya niya. Panay mura na yata ang lumalabas sa bibig niya dahil sa galit.
Tumayo siya sa kinauupuan, galit na galit siyang naglalakad patungo sa kinaroroonan nila Rhianne ng biglang.. "Ouch sorry!" sambit ng dalagang bumangga sa malapad niyang dibdib. Amoy na amoy niya ang alak mula rito at halatang nahihilo pa ang babae dahil napahawak pa ang isang kamay nito sa suot niyang coat. Nag angat ito ng tingin ngunit kita niya rito na naniningkit na ang mga mata nito dala siguro ng kalasingan. Aalisin niya na sana ang pagkakahawak ng babae sakanya ngunit bilgang bumulwak ang suka mula sa bibig nito. Saglit siyang hindi nakakilos dahil sa pandidiri at halo halong emosyon n nararamdaman niya. "s**t! What's wrong with you! Damn!" sunod-sunod na mura niya. Animo naman ay hindi siya pinansin ng babae at humilig pa sakanyang dibdib na mukang hinang hina dala ng pagsusuka nito. Naramdaman niya ang init ng muka nito at ang dalawang braso na halos nakayakap na sakanya. Mabilis ang t***k nang puso niya ngunit hindi niya malaman kung dahil ba yun sa galit na kanina niya pa nararamdaman o dahil sa babaeng nakasandal sakanya ngayon.. Saglit pa at tuluyan na siyang nakabalik sa ulirat. Nakakita siya ng bakanteng upuan at iginiya doon ang dalaga. Tinawag din niya ang isang waitress at sinabihan na samahan ito sa CR. Lasing ang babae at nag aalala siya na baka dalhin ito ng kung sino mang lalaki kung saan. Lalo na at maganda ang babaeng kaharap niya ngayon. Natural ang ganda nito. Mahaba ang pilik mata, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Hindi nito kailangan mag make-up para gumanda. Idagdag pa ang maputi nitong balat at magandang hubog nang katawan.
Naaamoy niya ang sarili kaya dali dali na rin siyang nagtungo sa CR. Mabuti na lamang at hindi nasukahan ang kanyang polo. Tanging ang coat lamang ang nasukahan ng dalaga. Matagal din siya naglagi sa CR bago tuluyang lumabas. Ipinatong niya muna ang maduming coat sa upuan dahil nais niya ng ituloy ang naudlot na plano kanina. Ngunit nang tanawin niya ang direksyon nila Rhianne ay wala na ito.."Damn!" impit na mura niya. Naupo na lamang siya at napagpasyahang umorder ng alak. Sa mga nakita niya ngayon ay siguradong mahihirapan siyang makatulog. Tinawag niya ang waiter at nag order ng inumin. Saglit lang ay dumating na rin ang kanyang order. Nakakailang lagok pa lamang siya nang matanaw sa di kalayuan ang babaeng nakabangga sa kanya. Sumasayaw ito kasama ng tatlo pang babae na satingin niya ay hindi nalalayo ang edad dito. Halatang lasing na ang mga ito dahil hindi na rin mapigilan ang malalakas na tawanan. Napapangiti lamang siya habang nakatanaw sa dalaga. Maya maya pa ay nakita niya ang mga ito na papalapit sa isang lamesa. Napataas naman ang kilay niya nang makita na ang nakaupo dito ay isang matandang lalaki na sa tingin niya ay 60 years old na. "What the f*ck?!" mura niya. Lasenggerang pumapatol sa DOM. "Kanina lang sakin ka nakayakap pero ngayon nakikipag ngitian ka sa matanda" napangisi na lamang siya. Sabagay, sinong matinong babae ba naman ang magpapakalasing sa bar at basta nalang yayakap sa hindi niya kilala.