MAGDIDILIM na nang makarating si Gabby sa tapat ng kanilang bahay. Saktong nagdadatingan na rin ang ibang bisita ng kapatid nito sa kaarawan nito. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib nito lalo na't alam niyang nandidito si Matteo. Makikita na niya ang binata at makakausap! Kahit alam niyang naghihintay si Matteo sa kanya, hindi niya pa rin maiwasang kabahan sa muli nilang pagkikita. Natatakot ito dahil baka hindi siya patawarin ni Matteo lalo na kapag malaman nito ang naging dahilan kung bakit siya umalis na walang paalam. “Uhm, kuya, halika, makikain ka muna sa amin. Ipagbabalot ko kayo para hindi na kayo kumain mamaya kapag pabalik na kayo sa Manila,” magalang alok ni Gabby sa driver. “Okay lang po ba, ma'am? Nakakahiya naman po.” Wika ng driver dito na umiling at ngumiti sa matanda.

