MAGKAYAKAP na tumuloy ang dalawa sa bahay ni Matteo. Napagala pa ng paningin si Gabby dito sa loob ng bahay at lihim na napangiting hindi ito kasinggara katulad sa condo nito sa Manila. Malinis at puti ang pintura ng bahay. Maging ang tiles nito ay kulay puti din na napakakintab! “Let's go upstairs, baby, and–welcome home.” Pabulong saad ni Matteo dito na inakay ang dalagang umakyat ng hagdanan. “Hindi mo sinabing may ipinatayo ka palang bahay dito,” wika ni Gabby na maalalang ipinatayo ito ni Matteo noong nanliligaw pa lamang siya sa dalaga. Napangiti naman si Matteo na napakamot sa batok. “Ayoko kasing magalit ka, baby. Isa pa, surprised gift ko ito sa'yo e. Alam kong ayaw mong nalalayo ka sa pamilya mo. Kaya dito na ako nagpatayo ng bahay para malapit lang tayo kina tatay,” sagot n

