MAAGANG dumating ang pamilya ni Matteo at mga kaibigan nila sa probinsya. Bukas pa ang kasal pero nag-advance na ang mga ito para makatulong na rin sa ibang gagawin sa kasal. May wedding coordinator naman ang mga ito na siyang bahala sa pagde-decorate sa bulwagan na itinayo nila sa harapan ng bahay nila Gabby. Gano'n din sa simbahan dahil church wedding ang tema ng kasal ng mga ito. Dumating na nga rin ang buong team ng coordinator nila para masimulan na ang pag-aayos sa bulwagan. Ang mga kalalakihan na kapitbahay nila Gabby ang siyang nakatoka sa pagkatay ng mga baka at baboy. Nasa likuran ng bahay ang mga ito at nakapondo din sila ng sapat na tubig sa mga drum at sapat na kahoy na panggatong sa mga iluluto nila. Naglalakihan nga ang mga kawa na paglulutuan ng mga putahe sa kasal nila G

