Pagtatapos

4521 Words

NALULUHANG nakamata si Matteo sa pintuan ng simbahan habang dahan-dahang humahakbang si Gabby doon suot ang wedding gown nito! Nakatayo ang lahat ng mga bisita nila sa loob ng simbahan. Ang ibang tao ay sa labas na nanonood at puno na ang loob ng simbahan. Pawang nakangiti ang mga ito habang namamanghang nakatitig sa bride na parang living barbie doll ang ganda! Bumagay ang make-up at princess style wedding gown nito na kumikinang dahil sa mga disenyong diamond! Kahit may kabigatan iyon ay kinaya ni Gabby na dalhin at napakaganda niya na suot-suot iyon! Naluluha ito at parang hinahaplos sa puso habang nakamata kay Matteo na nasa harapan. Napakagwapo at kisig din nito sa suot na all white tuxedo. Idagdag pang bagong gupit ito at naka-wax ang buhok. Nasa tabi nito si Leo–ang best man nila

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD