Adelina's Point of View Mabilis ang mga hakbang namin ni Manang Pasita papunta sa recovery room. Sa kalayuan ay tanaw ko na ang mga tauhan ni Amadeo na nagmamadali ring pumunta sa recovery room. At sa bawat hakbang ko palapit sa kinaroroonan ni Amadeo ay unti-unting tumatatak sa isipan ko ang naging reaksyon niya noong nalaman niya ang totoo. Unti-unti akong muling binalot ng takot. Naglalaro sa isipan ko ang posibilidad na paano kung hindi ako kabilang sa mga taong gusto niyang makita pagkamulat na pagkamulat ng mga mata niya? Paano kung ako ang taong gusto niyang maiwan sa panaginip niya? Paano kung sa mga panahong wala siyang malay ay iniisip niyang sana panaginip na lang ang lahat ng mga sandaling nakasama niya ako? Napailing ako. Bakit ko ba ito iniisip? Ang mas mahalaga, gisin

