Kinabukasan, nagising ako na mabigat ang katawan. Dahil sa hangover? Oo. Dahil sa sobrang pag-iyak buong kagabi? Oo. Hindi ko man lang magawang bumangon ngayon dahil naaalala ko pa rin ang lahat ng mga nangyari kagabi. Kung gaano kahirap para sa akin sabihin ang salitang I love you sa taong hindi pa rin naman ako sigurado sa nararamdaman ko. Oo, kasalanan ko. Pabigla-bigla ako ng desisyon. Pero desperada na ako, e. Maiiwan lang akong mag-isa ngayong ikakasal na si Ford kay Alexa. Desperada na ako dahil takot akong makita silang masaya habang ako ay patuloy na nagdurusa. At isa pa, gusto ko si Rex. Gusto ko siya. I have the rights to sa yes. Oo gusto ko si Rex. Gusto ko siya talaga. Gusto ko si Rex... Gustong-gusto ko siya. Napabuntonghininga ako bago bumangon para kumain ng tangh

