Nang makaalis na sila Ford at Alexa ay nagligpit na ako ng mga pinaggamitan namin. Tinulungan ako ni Rex sa pagliligpit. Kanina pa siya tahimik, at alam kong may gusto siyang sabihin, pero hindi ako nagtatanong. Natatakot akong malaman ang lalabas sa bibig niya ngayon. Nang kinuha ko na ang mga platong marumi para dalhin sa kusina at hugasan, kinuha niya iyon sa akin. "Ako na." Hindi na lang ako nagsalita. Hinayaan ko siya sa mga gusto niyang gawin. Sa totoo lang ay nahihiya ako sa kaniya, dahil kahit na gusto ko siya, pakiramdam ko ay kulang na kulang ang nararamdaman kong iyon para sagutin ko siya sa harap ng dalawang taong nakapanakit sa akin nang hindi nila nalalaman. Habang nasa kusina at siya ang naghuhugas ng pinggan, tahimik pa rin kaming dalawa. Gusto ko sanang basagin ang k

