Nang makarating kami sa bahay namin ay mabilis kong inihanda ang garden kung saan kami kakain nila Ford, Alexa at Rex. Alam kong malapit na sila kaya inihanda ko na kaagad 'yong mga pagkain na pinabili ko kay Manang. Iinom lang kami at magba-barbecue party. This is my treat for them because tonight, I'll be saying yes to Rex. Yes, I might be an evil for saying yes to him just because Ford is getting married with his girlfriend. Pero hindi naman ako walang nararamdaman kay Rex. I might not love him the way I love Ford, pero gusto ko si Rex, e. Ayokong mawala siya sa akin. And, feelings can grow as time passes by, right? Paano kung ito lang pala 'yong inaantay ko? Paano kung kailangan ko lang pala ng relasiyon kasama si Rex para mas lumawak ang nararamdaman ko sa kaniya, 'di ba? Ilang sag

