"Alam mo, kung ano man 'yan, kung ano man 'ying dahilan ng pag-sorry mo, isipin mo na lang na napatawad na kita, ah?" Tumango na lang ako bilang tugon. Ilang sandali na lang ay nasa harap na kami ng bahay namin. Lalabas na sana ako ng sasakyan niya matapos magpasalamat nang hinila niya ako pabalik sa upuan. "D-Dito ka muna..." Tumingin ako sa kaniya at nakitang nakasandal lang siya sa upuan niya at nakatingin sa labas. Tumingin ako sa kamay niyang hawak ang braso ko, na ngayon ay bumaba na sa kamay ko. Tiiningnan niya rin ito, at sinimulang paglaruan ang palad ko. "Alam mo, ito ang unang beses na hinawakan ko ang kamay mo." Kita mo sa pamumula ng mga mata niyang tinamaan na siya ng alak na ininom namin kanina. Kahit noon pa lang kasi ay mas mataas na ang alcohol tolerance ko sa kaniya

