As expected, I woke up late by morning and didn't bother to go to work anymore. Bahala nang umusok ang ilong ng baklang bagong manager namin. 8:00 AM nang magising ako, at hindi ko magawang kumilos man lang dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit na wala naman akong ginawa kung hindi ang uminom nang uminom ng alak kagabi. Bigla ko na namang naalala ang mga sinabi ni Ford. Wala na sa sarili kong pinunasan ang mag luha na umagos sa gilid ng mga mata ko habang umiiyak. Bakit ba kailangan kong magmahal palagi sa maling tao? Kung hindi manloloko, hindi puwedeng mahalin kasi may ibang mahal. Kailan kaya ako magmamahal ng taong para talaga sa akin? Kailan ko mararanasan 'yong pagmamahal na para sa akin talaga? 'Yong walang kahati. 'Yong kaya kong ibalik nang buong-puso. Hapon na nan

