CHAPTER 12

2213 Words
“B-bakit? May masakit ba sa ‘yo?” nag aalalang tanong ni Andrie nang humikbi ako. Tinakpan ko ng aking mga kamay ang mukha ko dahil hilam na ako sa luha. Iyak lang ako nang iyak dahil sa alaalang iyon. “Niks, what’s wrong?” Naroon pa rin ang pag aalala sa kanyang boses. Hindi ako nagsalita at yumakap lang ako sa kanya ng mahigpit. Si Andrie… si Andrie ang bestfriend ko! Nagising na lang ako umaga na. Kakapasok lang ni mama dito sa kwarto ko at binuksan ang kurtina ng mga bintana. “Ma,” tawag ko sa kanya. Lumiwanag ang mukha ni mama nang lingunin niya ako. “Maayos na ba ang pakiramdam mo?” May pag aalalang hinaplos niya ang aking mukha. “Bakit po? May nangyari ba?” naguguluhang tanong ko. “Iyak ka nang iyak kagabi, eh! Hanggang sa nakatulog ka sa mga bisig ni Andrie. Ano bang nangyari sa ‘yo, anak?” Gusto ko na namang umiyak nang maalala ko ang nangyari kagabi. “Ma, may naalala po ako kagabi. Si Andrie po! Si Andrie po ang best friend ko. Naging… nqging boyfriend ko po s’ya high school pa lang kami!” pahayag ko. Naiiyak na naman ako. “Sigurado ka ba sa naalala mo?” hindi makapaniwalang ani mama sa akin. “Oo, ma. Malinaw na malinaw iyon sa isip ko kagabi. Kami talaga ang magka relasyon. At si Peir… baka panggulo lang talaga s’ya sa buhay namin.” Tumulo na naman ang mga luha kong agad ko namang pinahid. Maghapon ko na namang hindi nakita si Andrie dahil may trabaho ito. Naglakad lakad ako kasama ulit si mama para kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. “Kung patay na s’ya ayon kay Marie, paano s’ya nabuhay? Paano s’ya nakaligtas sa sunog?” tanong ni mama. “Hindi ko po alam, ma. Ayaw ko s’yang tanungin bigla kasi maghihinala s’yang may ginagawa ako behind his back,” tugon ko. “Pero isa lang ang nasisigurado ko, ma, unti unti nang bumabalik ang mga alaala ko.” “Ano’ng gagawin mo kapag tuluyan ng bumalik na ang mga alaala mo?” Napahinto ako sa paglalakad. Ano nga ba ang gagawin ko? May takot sa puso ko sa isiping iyon. Pero para saan ang takot na ‘yon? Isang bouquet ng puting rosas ang dala ni Andrie pagdating niya. Agad ko iyong tinanggap at napaka bango ng amoy ng mga fresh na roses. “Salamat,” wika ko at bahagya pang inangat ang bouquet. “Mag dinner na tayo,” anyaya niya sa akin at inakay na ako patungo sa dining. Parang ang gaan ng aura niya ngayon. Hindi kagaya ng mga nakaraang araw. Siguro ay masaya rin siya na naalala ko na s’ya kahit paano. “Nakatingin ka na naman sa buwan.” Nakangiti ko siyang nilingon. “Ang ganda kasi ng langit,” wika ko. “What else do you remember about me? Is there anything you remember about your past?” “Iyon pa lang ang naalala ko. Bakit hindi mo na lang kasi i-kwento sa akin lahat. Baka sakaling bumalik na lahat ng mga alaala ko ‘di ba,” saad ko. “I don’t want to force you, Nikki. Tama na ‘yong unti untiin mo ang sarili mo.” Napabuntong hininga ako at sabay na napatingin sa kamay ko kung nasaan ang singsing na suot ko. “Nasaan nga pala ‘yong singsing mo? ‘Di ba, engagement ring natin ‘to?” Sabay taas ng aking kamay. Matagal niya iyong tinitigan. Nag iwas siya ng tingin na tila ba masakit iyon sa mata. “Wala akong ganyang singsing. Ikaw lang ang meron,” sagot niya at tumingala sa langit. Natigilan ako. Parang may mali? Hindi! Dahil may mali talaga! Paanong wala siya ng katulad nito kung engagement ring namin ‘to? At bakit si Peir may singsing ng kapareho ng sa akin? “May problema ba?” tanong niya ng mapansin ang pananahimik ko. “Ah… wala naman. Inaantok lang ako.” Ngumiti pa ako ng bahagya. “Magpapatimpla lang ako ng gatas kay mama.” Paalam ko pa. Hinagkan niya ako sa noo bago ko siya tuluyang iwan sa veranda. Hindi ako makatulog dahil sa isiping iyon. Madaling araw na pero ito ako at nakatitig lang sa profile picture ni Peir. “Ano nga ba talaga ang totoo?” sambit ko. Ni hindi man lang niya sinagot ang mga tawag ko noong nakaraan. Kahit isang chat ay wala rin. Ganoon ba siya ka-busy para hindi makita ang mga tawag ko? “Hindi naman gan’on karami ang bibilhin kong gamit. Napaka laki naman nito,” ani ko ng bigyan ako ni Andrie ng pera. “Mahal ang bilihin dito sa Manila. Sa susunod credit card na ang ibibigay ko sa ‘yo,” nakangiting saad niya. “I have to go. Mag ingat kayo ni tita, ha.” “Bye.” “Bye.” At ayon na naman siya sa paghalik sa aking noo. “Manang Thelma, gusto n’yo pong sumama sa amin? Sa labas na po tayo kumain?” Pag anyaya ko dito. “Hindi na. Kayo na lang at hindi naman ako mahilig maglabas labas. Mas gusto ko pang mag-syesta,” tugon nito. “Sige po. Ma, maghanda ka na. Maliligo lang din po ako saglit.” Baling ko kay mama at umakyat na rin sa itaas. Pumasok kami ni mama sa department store at doon ko kikitain si Marie. Pumunta kami sa RTW section at magsusukat ako doon para hindi kami mahalata ng mga tauhan ni Andrie. “Oh my! Totoo nga! Ikaw nga talaga si Nikki!” Mahigpit akong niyakap ni Marie ng pumasok ako sa fitting room. “Bakit dito tayo? Gusto mo ba sa coffee shop tayo?” “Hindi p’wede, eh! It’s complicated to tell. May mga gusto lang kasi sana akong linawin. Ang pagkamatay ni Andrie at ng pamilya ko,” wika ko. “Sabi mo nga nagka amnesia ka. Kaya nagtanung tanong ako sa mga kakilala natin noon. Namatay si Andrie kasama ng mama mo at ni Nelsie sa mismong bahay n’yo. Ang sabi nila ikaw daw ang sumunog sa bahay n’yo at pumatay sa kanila.” “Ano?!” Nanginig ang buong katawan ko. “Nelsie and Andrie having an affair. You got jealous when you caught them. And that was it—you killed them and burned the house down.” “No! No!” Natutop ko ang aking bibig. “Ako ang dahilan? Ako?!” “I’m sorry kung binigla kita, ha,” ani Marie habang hagod ang aking likod. “Itong kinatatayuan ba ng mall ang squatters area na nasunog noon?” tanong ko. “Hindi, ah! Anong squatters area?! Hindi kayo sa squatters area nakatira. May sarili kayong lupa at bahay malapit sa school. Hanggang ngayon nand’on pa rin ‘yon. Hindi umaalis si Mang Carlos doon dahil umaasa s’yang babalik ka pa. Doon ako galing ilang araw matapos nating mag usap sa vedio call,” pahayag ni Marie. “Mang Carlos?” “Oo. Ang tatay mo.” “Ang sabi patay na ang pamilya ko?” Nalilitong sabi ko. “Byahero ng truck ang tatay mo kaya wala s’ya palagi sa inyo. N’ong time ng sunog wala s’ya at kayo lang ang nasa bahay.” “P’wede bang dalhin mo ako sa bahay namin?” “Sige,” tugon ni Marie. “Ako na ang bahala sa driver natin. Tawagan mo ako agad kung ano man ang mangyari, ha, anak.” Bilin ni mama bago kami umalis. Wala na akong pakialam kung may nagbabantay man sa akin. Ang importante ay makita ko ang tatay ko. Nag uumapaw ang halo halong emosyon sa puso ko ngayon. Ngunit mas nangingibabaw ang saya dahil may natitira pa akong pamilya. Buhay pa ang tatay ko! “Dito na lang po, manong!” Pinara ni Marie ang tricycle na sinasakyan namin. Huminto kami sa isang small modern house. Mataas na mga pader ang bakod at ang gate ay gawa sa bakal na kita ang loob. Bakanteng lote ang magkabilaan at sa gawing unahan pa ang mga bahay na dikit dikit, “Hindi na ito ang dating hitsura ng bahay n’yo kasi nga nasunog na noon. Pero nandito pa si Mang Carlos,” paliwanag ni Marie. Nag door bell siya at maya maya lang ay may lumabas na kasambahay. “Nand’yan po ba si Mang Carlos?” tanong ni Marie dito. “Opo. Pasok po kayo, Ma’am Marie. Tatawagin ko lang po s’ya.” Nagpalinga linga ako sa paligid nang makapasok kami sa loob ng bahay. Dumako ang tingin ko sa mga picture frames na naka display. Natutop ko na lang ang aking bibig at walang parid ang pag agos ng aking luha nang matitigan kong mabuti ang mga larawang naroon. “Marie, hinahanao mo raw ako?” Hindi ako agad humarap. Hindi ko maalala ang boses ngunit base sa pagpintig ng puso ko kilala ko s’ya! “Opo, may kasama po ako. Gusto n’ya raw po kayong makita,” ani Marie naman. “Sino?” Nanlaki ang mga mata niya nang humarap ako. Agad niyang tinawid ang distansya naming dalawa at saka ako niyakap ng mahigpit. Makailang ulit niyang hinagkan ang aking buhok habang patuloy sa pag iyak at mahigpit na yakap sa akin. “Diyos ko! Diyos ko! Salamat po! Salamat po at dininig ninyo ang dasal ko!” umiiyak na panambitan nito. “Kayo po ba ang tatay ko?” tanong ko. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at pinaka titigan ako ng mabuti. “Hindi mo ba ako nakikilala, anak?” nanginginig sng boses na tanong niya sa akin. “May amnesia po kasi ako. Wala po akong maalala, eh. Pasensya na po,” malungkot na sabi ko. “Ang hayop na ‘yon! Kasalanan n’ya lahat ‘to, eh!” Nanggigigil na wika nito at muli akong niyakap. “Mang Carlos, Niks, aalis na ako, ha. May kailangan pa kasi akong puntahan.” Paalam ni Marie maya maya. “Pero…” nag aalangang pigil ko sa kanya. “Wala kang dapat ipag alala dahil totoong tatay mo talaga s’ya, Nikki,” natatawang sabi ni Marie. “Salamat, Marie, ha.” “Wala po ‘yon, Mang Carlos. Saksi po ako sa matagal n’yong paghihintay kay Nikki.” Nasundan ko pa ng tingin si Marie habang inihahatid siya ng kasambahay palabas. “Anak, bakit ngayon ka lang umuwi? Ang tagal ka naming hinanap.” “Ano po bang nangyari bago ako mawala?” “Kuya! Kuya!” Napatayo kaming dalawa nang tumatakbong pumasok ng bahay ang kasamabahay. Takot na takot ito. May kasunod itong dalawang lalaki at may hawak na mga baril. “Sino kayo?!” Itinago ako nito sa kanyang likod. “Hindi ikaw ang kailangan namin!” wika ng isang lalaki sabay tutok ng baril. “Hindi n’yo makukuha ang anak ko!” Napasigaw kami ng makipag buno ito sa dalawang lalaki. “Nikki! Takbo! Tumakbo ka na! Umalis ka na!” sigaw nito. “Pero-“ “Alis na! Takbo na!” Pagtataboy pa nito sa akin. Sinunod ko siya at tumakbo ako palabas. Nakita ko ang sasakyan namin. May ilang lalaking nakaabang kasama ang driver namin. Agad akong hinablot ni mama at tumakbo kaming dalawa. “Hoy!” “Tinatakas ni Danna si ma’am!” sigaw ng isa. Hingal na hingal na ako ngunit wala pa rin kaming tigil sa pagtakbo. Huminto kami ni mama sa may umpok ng basura at doon saglit nagpahinga. “Ma, anong nangyayari?” hinihingal na tanong ko. “Alam na ni Andrie na nandito ka! Papunta na s’ya dito!” sagot ni mama. “Tara na! Bago pa tayo makita ng mga tauhan n’ya dito!” Tumakbo kami ulit ni mama. Hindi alam kung saang deriksyon basta hangga’t kayang tumakbo ay kailangang tumakbo. Unti unti na ring dumidilim ang paligid. Hindi ko alam kung nasaan na kami dahil hindi ako pamilyar sa lugar. “Ma, pagod na ako!” umiiyak na saad ko. Huminto kami saglit at maging si mama ay hingal na hingal na rin. Nagpalinga linga siya sa paligid. “Ayon! D’on ka sa drum magtago!” Hinila niya ako patungo sa malaking drum sa may tambakan ng basura. “Dito ka muna magtago!” “Paano ka?” “Hihingi ako ng tulong! Habang hindi pa tayo nakikita ni Andrie at ng mga tauhan n’ya. Sige na! Pumasok ka na! Babalikan kita dito kaya ‘wag na ‘wag kang lalabas!” Pumasok na ako sa loob at mabilis na tinakpan ni mama ang ibabaw. Hinawi ko iyon ng bahagya para makita ko siya habang papalayo. Tumakbo si mama patawid ngunit mabilis ang mga pangyayari. Binundol siya ng isang sasakyan. Tinakpan ko ang aking bibig nang mahulog si mama sa tulay. Nakita ko si Andrie na bumaba at sinilip pa si mama sa ilalim ng tulay. Agad siyang sumakay ng sasakyan at mabilis na pinaharurot ang sasakyan paalis. Nang makita kong malayo na ang sasakyan ay lumabas ako sa aking pinagtataguan. Mabilis akong tumakbo sa tulay kung saan nahulog si mama. “Mama!” Ganoon na lang ang palahaw ko ng makita ko si mama na walang ng buhay sa ilalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD