“Bakit hindi ka pa umaakyat sa kwarto mo?”
“Hindi pa ako inaantok. Ang ganda kasi ng langit, ang daming stars saka ang liwanag ng buwan,” wika ko.
“Gusto mo ipagtimpla kita ng gatas?” tanong niya habang hinahaplos ang nakalugay kong buhok.
“Mamaya na lang kapag matutulog na ako. Gusto ko lang munang tingnan ‘yong langit. Hindi ko alam kung kailan ba ako huling tumingala sa buwan ng ganito.”
“You always do that when we were young. Palibhasa plywood saka yero ang mga bahay natin dati,” ani Andrie.
“Ano pa ba ang ibang hilig ko bukod sa pagdo-drawing? Did I finish high school? Did I go to college?” tanong ko.
“You took up architecture. Pero first year college lang, hindi mo nga yata natapos ‘yon, eh. Because of fire incident,” kwento nito.
“Sayang ‘no. Kung buhay kaya ang mga magulang ko at ang kapatid ko ganito kaya ang buhay ko?” Pasimple ko siyang nilingon. I want to see his reaction. “Sino bang mas matanda sa aming dalawa ako ba?”
“Ang mabuti pa, ‘wag na natin silang pag usapan. Patahimikin na natin sila, Nikki. Can we focus on the present instead? Just the two of us. Let's not dwell on the past, because those are painful memories.” Iniharap niya ako sa kanya at inilagay ang takas na buhok sa tainga ko. “Sabi ko naman sa ‘yo bumalik man o hindi ang mga alaala mo ayos lang-“
“Sa ‘yo oo, pero sa akin hindi, Andrie. Pakiramdam ko hindi ako buo. May kulang,” paliwanag ko.
“Kaya kong punan ang kulang. Magsimula tayo ulit. Ikaw, ako, saka si Tita Danna. S’ya naman na ang tinuturing mong pamilya, eh! S’ya ang tatayong magulang mo sa kasal natin.”
“Kasal?” Nagsalubong ang aking mga kilay. “Anong kasal ang sinasabi mo?”
“Iyon na lang naman ang kulang sa atin bago ka maaksidente, Nikki. Ikakasal na dapat tayo,” giit niya.
“Bakit nga ba ako naaksidente?”
Natigilan siya sa tanong ko. Parang nag iisip pa ng kanyang isasagot sa akin.
“Ano?”
“Dahil kay Peir! Gusto ka n’yang ilayo sa ‘kin. Because of his obsession. Workmate mo s’ya at ilang beses mo na s’yang itinaboy pero makulit s’ya. Binalak ka niyang itanan pero nakatakas ka sa kanya. Pero ito ka, wala ka ng maalala.”
Bakit parang tumututol ang puso at isipan ko sa paliwanag niya. Nagsusumigaw ang isip ko na hindi totoo ang sinasabi niya.
“Just… just forget about it! Kumukulo lang ang dugo ko kapag naaalala ko ang lalaking ‘yon. S’ya ang sumira sa buhay natin.” Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. “Magpahinga na tayo. Ayaw kitang ma-stress. Halika sa kusina para maipagtimpla kita ng gatas bago ka matulog.”
Pasasaan ba at mapag dudugtong dugtong ko rin ang lahat. Kung totoo nga ang mga sinasabi ni Andrie. Sana lang kahit kaunti ay may maalala ako. Para malaman ko kung nagsasabi nga ba siya ng totoo.
“Tita Danna, gising ka pa pala.”
“Oo. Pinagtimpla ko si Nikki ng gatas. Sabi kc ni Thelma bilin mo raw. Paborito pala ito ng anak ko,” wika ni mama at inabot sa akin ang baso.
“Oh! Yeah. Hindi kasi s’ya nakakatulog kapag hindi nakakainom ng gatas noon.”
“Salamat, ma. Aakyat na po ako sa taas. Inaantok na ako.” Paalam ko.
Nasa gitna pa lamang ako ng hagdan ay pinili kong magkunwaring nawalan ng malay. Binuhat naman ako agad ni Andrie at narinig ko si mama na nagmamadali ring umakyat at saka binuksan ang pintuan ng aking kwarto.
“Bakit kailangan mo pa s’yang bigyan ng pampatulog? Maayos naman s’ya, eh!” ani mama.
“Kailangan n’ya ‘yon para hindi s’ya nananaginip ng kung ano ano,” sagot ni Andrie habang inaayos ang kumot sa katawan ko.
“Parte ‘yon ng mga alaala n’ya,” saad pa ni mama.
“Alaalang hindi na n’ya dapat balikan pa! Nandito na ako kaya hindi na n’ya kailangan ang mga alaalang sinasabi mo!”
“Paano kung-“
“Eh! Paano kaya kung ikaw ang alisin ko sa alaala n’ya?”
Kinabahan ako. Natahimik rin si mama.
“Hindi ka n’ya kaanu ano kaya ‘wag kang makialam. Ako ang boyfriend ni Nikki. Ako ang kasama n’ya mula pa noon. At ako ang nakakaalam kung ano ang makakabuti sa kanya.”
“Gusto lang naman n’yang maalala kung sino s’ya.”
“Hindi na n’ya gugustuhing maalala pa kung sino s’ya noon kapag nangyari ‘yon. Dahil sa mga taong nasaktan n’ya at mga taong nawala dahil sa kanya. Baka ipanalangin n’ya na lang na magka-amnesia na lang s’ya habang buhay.”
Hindi ako pinatulog ng mga salitang namutawi sa bibig ni Andrie. Ano ang ibig niyang sabihin? Sino ang mga ‘yon? Ngayon tuloy ay mas nag uumigting ang kagustuhan kong malaman kung sino talaga ako.
“Ito ang account ni Marie. I-chat mo s’ya para makapag usap kayo. Nalagyan ko na rin ng load ang cellphone mo,” sabi ni mama matapos ilahad ang kapirasong papel.
“Baka mahuli po ako ni Manang Thelma, ma,” turan ko.
“Ako na ang bahala kay Thelma. Sasamahan ko s’ya sa kusina para magluto para hindi s’ya umakyat dito sa itaas. Basta bilisan mo lang.” Bilin pa ni mama bago ako iwanan.
Kinuha ko ang cellphone sa ilalim ng unan ko at agad tinawagan si Marie. Matagal rin niya bago sagutin ang tawag ko.
“Nikki! Oh my gosh! Ikaw nga! Kumusta ka na?!” Bungad niya agad ng buksan ang camera.
Ngumiti lang ako dahil hindi ko s’ya maalala. Natutop naman niya ang kanyang bibig dahil naalala rin siguro niyang hindi ko s’ya kilala.
“Sorry. Sabi nga pala ng tita mo wala kang maalala ngayon,” anito sabay kamut sa kanyang kilay. “Ako nga pala si Rosemarie Fabian. Classmate tayo simula first year to fourth year. Si Nelsie na kapatid mo ka-batch natin kasi same age lang kayo. Tapos si-“
“Sane age? Kambal kami?” Putol ko sa kanya.
“Half sister kayo ‘yon ang sabi n’ya high school days. Siguro totoo kasi malayung malayo sng ugali n’yong dalawa, eh!”
“May picture ka ba n’ya? Gusto ko sanang makita. Kung okay lang.”
“Isi-send ko sa ‘yo mamaya hahanapin ko pa sa photo album. Late man pero, condolence pa rin, ha. Simula ng mamatay sila hindi ka na rin nagpakita, eh.”
Totoo ngang patay na ang pamilya ko. Ibig sabihin totoo ang sinabi ni Andrie.
“Si Andrie Ignacio. Do you still remember him?”
“Oo naman ‘no! Best friend mo kaya ‘yon! Pero nakakasad dahil kasama s’ya sa sunog. Namatay rin s’ya. Sayang, kung buhay siguro s’ya ngayon, kayo siguro ang nagkatuluyan.”
“P-patay na s’ya?!” Parang bombang sumabog iyon sa akin. “Paano?!”
“Walang malinaw na sagot. Ikaw lang ang nakakaalam kung bakit. Ikaw lang naman ang nakaligtas sa sunog, eh. Sa insidenteng ‘yon ka ba nagka amnesia kaya bigla kang nawala?”
“Ah… oo! D’on nga. May picture ka rin ba ni Andrie? Saka kailan nangyari ‘yong sunog?”
Nanginginig at nanlalamig ang buo kong katawan. Kung patay na si Andrie, sino ang Andrie na kasama ko ngayon?
“I think nasa kalagitnaan ng first year college natin ‘yon. Teka, may free time ka ba? P’wede tayong mag meet up. Para makapag kwentuhan tayo ng maayos. If hindi ka busy,” anyaya ni Marie.
“Sige. Icha-chat kita kung kailan ako p’wede. Salamat sa time, ha. Baka nakaabala na ako sa ‘yo,” wika ko.
“Wala ‘yon. I’m happy to see you again.”
“Ako rin. Ingat ka.”
“See you soon. May tuitor kasi in a minute. Bye.”
Maya maya pa ay nag send ng picture si Marie. Grupo ng mga estudyante. Naroon si Andrie sa grupo kasama ko. Bakit ang pagkakaalam nila ay patay na ito kung kasama ko naman s’ya ngayon?
May isa pang picture na ipinasa si Marie at ang sabi n’ya ay si Nelsie daw iyon. Magkamukha nga kaming dalawa.
“H’wag kang mag maganda!”
Napahawak ako sa aking ulo dahil sa biglaang paglabas ng scenario na iyon.
“Oh! Labhan mo pa ‘to!”
Inihagis ni Nelsie sa akin ang kanyang school uniform.
“Hindi pa ako tapos-“
“Pwes unahin mo ang damit ko!” Sabay kuha nito sa uniform ko at inihagis sa damuhan. “Wala ng laman ang batya! Labhan mo na!” Nanlalaki pa ang mga matang sabi nito.
Ipinilig ko ang aking ulo dahil sa alaalang iyon. “Hindi kami magkasundo ni Nelsie noon,” mahinang sambit ko.
Itinago ko ang cellphonr sa pinaka ilalim ng aking kama upang hindi makita ni Manang Thelma o ni Adrie.
May konti na akong alaala at sana may maalala pa ako kapag nakapag usap na kami Marie. Pero paano? Paano ko s’ya kikitain kung bantay sarado ako mula dito sa loob hanggang sa labas?
Kailangang maalala ko ang nakaraan para malaman ko ang kasalukuyan. Kung bakit nasabi ni Andrie na baka mas gustuhin ko pang hindi na makaalala.
Ano kaya ang ginawa ko? May nasaktan ba ako? O, baka naman, ako ang dahilan ng sunog? Pero hindi iyon ang mga nasa panaginip ko!
“Tawagan mo na si Peir, anak. S’ya na lang ang tanging pag asa mo.”
“Natatakot po ako,” malungkot na sagot ko. “Parang hindi ko kayang tanggapin ang mga malalaman ko, ma,” saad ko pa.
“Nasimulan mo na,, Nikki. Ano man ang mangyari, anak, nandito ako. Hindi kita iiwanan kahit sino ka pa. Iwanan ka man ng lahat, hinding hindi si mama.”
Bigla na lang tumulo ang aking mga luha at napayakap kay mama. Sobrang swere ko dahil dumating si mama sa buhay ko.
Sa ikalawang pagkakataon ay tinulungan ulit ako ni mama. At ngayon si Peir naman ang kailangan kong makausap.
Nakailang tawag na ako ngunit walang sumasagot. Ilang tawag pa at tinigilan ko na rin. Baka busy ito kaya hindi ko na muna s’ya aabalahin.
“Andrie, can I tell you something?” wika ko at tinabihan siya sa pagkakaupo sa sofa.
Huminto siya sa pagsi-cellphone at ibinigay sa akin ang buong atensyon niya.
“What is it?”
“Are you free this weekend? Paubos na kasi ang ilang gamit ko. Bibili sana ako. If you’re not busy.”
“I have meetings this weekend. Magpasama ka na lang kay Tita Danna,” tugon nito.
“P’wede?” Pangungumpirma ko pa.
“Yeah! It’s okay,” nakangiting sabi pa nito.
“Okay. Thank you!” Niyakap ko s’ya at hinalikan sa pisngi.
Natigilan siya sa ginawa ko pero agad ring nakabawi. Ikinulong niya ang aking magkabilang pisngi sa kanyang mga palad at sinalubong ng tingin ang aking mga mata.
“You were exactly like this before. Ganito ka maglambing sa akin. Sobrang miss na miss na kita.”
Nakita ko ang pagkislap ng butil ng mga luha sa magkabilang sulok ng kanyang mga mata. I saw the longing in his eyes.
Napansin ko ang unti unting paglapit ng kanyang mukha sa akin. Gusto kong umiwas ngunit nanaig sa akin ang hayaan siya para makuha ko ang loob niya. Para mapapaniwala ko siyang nahuhulog na ako sa kanya.
Dumampi ang labi niya sa aking labi. Napapikit ako. Huminto ang paghinga ko ng pumasok ang bagong alaala.
“Oo na!” nakangiting sabi ko.
“Oo na? As in oo?!” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Bakas ang excitement at saya sa kanyang mukha.
Nandito kami sa lilim ng punong mangga at naghihintay ng susunod na subject.
“Oo nga!” wika ko pa na sinabayan pa ng pagtango.
“Yes!” Napasuntok pa si Andrie sa hangin. “I love you!” sigaw nito at niyakap ako ng mahigpit. “I love you!”
Doon na niya ako hinalikan. Unang halik mula sa lalaking mahal ko at mahal ako…