CHAPTER 10

2034 Words
Araw araw umaalis si Andrie para daw pumasok sa trabaho. Si Manang Thelma at si mama naman ang nagbabantay sa akin kapag wala s’ya. O, mas tamang sabihin na si Manang Thelma ang nagbabantay sa amin ni mama. Sa mga bawat kilos ni mama. “Ma, gusto ko pong puntahan ang dating school na pinapasukan namin ni Andrie. ‘Yong ipinakita ko po sa inyo. Baka d’on may makuha akong impormasyon tungkol sa pagkatao ko,” wika ko. “Wala ka pa rin bang maalala sa mga nakita mo sa cellphone mo?” tanong niya. “Wala pa rin po, eh! Binuksan ko po ‘yong social media accounts ng cellphone pero wala rin akong maintindihan sa mga pinag uusapan namin n’ong Peir.” “Danna, p’wede bang ikaw muna ang mamalengke ngayong araw?” ani Manang Thelma na biglang sumulpot. “Ah… p’wede po ba akong sumama?” Pagkakataon ko na ito para puntahan ang eskwelahang iyon. “Hindi!” “Po?!” Nagulat ako sa naging reaksyon ni manang. “Ang ibig kong sabihin, hindi ka p’wedeng umalis kasi ipinagbilin ni Andrie na dito ka lang sa bahay at ‘wag kang magpagod,” ani Mang Thelma pa. “Naiinip na po kasi ako dito sa bahay, manang. Saglit lang naman po siguro ang pamamalengke ni mama ‘di ba?” “Anak, ‘wag ng matigas ang ulo.” Pinisil pa ni mama ang kamay ko. “May gusto ka bang bilhin? Ako na lang ang bibili.” Nagkatinginan kami ni mama at naunawaan naman niya ang gusto kong sabihin. Sana lang ay may makuha siyang impormasyon. Pag alis ni mama ay umakyat na rin ako sa itaas. Kinuha ko ang cellphone ko at muling tiningnan ang mga messeges doon. “Andrie… Andrie…” Nakamot ko ang aking sentido dahil hindi ko nga pala alam kung ano ang apelyido ni Andrie. I type Andrie’s name on the search bar of my messenger. Many people with the same name of him appeared. Inisa isa ko ang mga accounts pero wala man lang kahit kamukha ni Andrie sa mga iyon. “Preston Carter Licauco,” mahinang sambit ko sa pangalan ni Peir. Binuksan ko ang account niya at tiningnan ko ang profile niya. Nakaagaw ng atensyon ko ang singsing na ginawa niyang pendant sa suot niyang kwintas. “We both have the same ring!” bulalas ko nang iangat ko ang aking kamay kung nasaan ang singsing ko. “Pero bakit sabi ni Andrie sa kanya galing ‘to?!” Tiningnan ko pa ang ilang mga pictures sa accounts niya. Kundi sunset ay dalampasigan ang naroon sa cover photos niya. Nag iisa lang rin ang profile picture niya. Napahinto ako sa pag scroll nang makita ko ang naka tag na larawan sa kanya. “Zack Montero.” Napakunot pa aking noo. Grupo iyon ng kalalakihan. Hindi ko alam kung saang lugar iyon. May mga hawak silang music instrument. Nakita ko si Peir na hawak ang gitara sa tabi ng isang lalaki na mikropono naman ang hawak. “Andrie?” Umahon ako sa pagkakadapa sa kama at tinitigang mabuti ang lalaki sa larawan. “Hindi naman si Andrie ‘to, eh! Pero magkahawig silang dalawa.” Pinindot ko isa isa ang mga pangalan ng naka tag sa larawang iyon. At ang pinaka nakaagaw ng atensyon ko ay si Zack Montero. Kamukha siya ni Andrie at sigurado rin ako na hindi si Andrie iyon dahil may asawa’t anak na ito. Sa unang tingin ay magkamukha talaga sila pero kapag pinakatitigan mong mabuti ay malayo naman talaga ang hitsura. Sa kanilang lahat ay tanging si Peir lang din ang hindi naka lock ang account ngunit naka private. Kaya hindi ko mahalungkat ang ibang mga larawan kung meron man. Mabilis kong itinago sa ilalim ng unan ko ang aking cellphone ng may kumatok sa pintuan. Napahinga ako ng maluwag dahil si mama lang pala iyon. “Nagpunta ako sa school na sinasabi mo.” Bungad agad niya. “Ano po? May nalaman ba kayo?” “May nakausap ako doon. At ka-batch mo raw s’ya at teacher doon ngayon. Ipinakita ko ‘yong litratong ibinigay mo sa akin. Nakilala n’ya si Andrie. Andrie Ignacio ang buong pangalan n’ya. At ang tunay mong pangalan, Nickola Sylvanna Aragon. May kapatid ka rin Nelsie daw ang pangalan.” Bumukas bigla ang pintuan ng aking kwarto at agad pumasok si Manang Thelma. Parang agila ang mga mata nito kung makapag masid. “May kailangan ka po ba, manang?” tanong ko. “Ano’ng pinag uusapan n’yo?” seryosong tanong niya. “Bakit po?” kunot noong tanong ko pa. “May problema ba, Thelma?” singit rin ni mama. “Pasensya ka na, ha. Hindi na kita natulungan sa pagluluto. Excited lang akong ipasukat sa anak ko ‘yong binili kong mga ipit sa buhok,” ani mama at ipinakita ang plastic niyang bitbit. “Handa na ang pagkain sa ibaba. Bumaba na kayo para makakain na tayo.” Tumalikod na ito at iniwanan na kami ni mama. “Tara na po sa baba. Baka maghinala na si Manang Thelma sa atin,” wika ko. Matapos ang tanghalian ay umakyat na ako sa kwarto. Iniwasan muna namin ni mama ang isa’t isa dahil binabantayan na ni Manang Thelma ang mga kilos namin. Hinanap ko agad sa search bar ang pangalang binanggit ni mama kanina. May mga lumabas na pangalan at inisa isa ko iyon ngunit hindi pamilyar. Wala ring account si Andrie. Tahimik ang hapag habang naghahapunan kami. Para bang pinakikiramdaman kami ni Andrie. Nagsumbong na siguro si Manang Thelma sa buong maghapon namin. “Ah… ma, kumusta na po sila Klare at Wena? Nami-miss ko na po silang dalawa, eh.” “Ayos naman. Nami-miss ka na rin ng dalawang ‘yon. Wala ka namang cellphone para matawagan mo sila.” Napatingin ako kay Andrie nang tumikhim ito. Parang tutol ito sa pagbanggit ni mama sa cellphone. “Hindi ko naman po alam kung paano gumamit ng cellphone.” Bahagya akong natawa para hindi makahalata si Andrie. “I honestly don't know if I even had a cellphone back then, or if I knew how to use one.” “You have it before. But for now, hindi ka muna p’wedeng gumamit ng phone. Baka makasama sa ‘yo. Anyway, how’s your day?” Pag iiba na niya sa usapan. “Okay naman. Medyo naiinip lang ako dito sa bahay. Matagal na rin simula ng lumabas ako. N’on pang namili tayo ng mga gamit ko. P’wede bang kahit mamasyal lang kasama si mama p’wede naman akong lumabas. Kahit dito lang sa loob ng subdivision.” “No! I mean, baka makasama sa ‘yo.” “Wala naman akong sakit, ah!” “Anak, gusto lang naman ni Andrie na ingatan ka. Hindi pa bumabalik ang alaala mo kaya dapat kaunting ingat muna,” malumanay na saad ni mama. “Busog na ako. Aakyat na ako sa taas.” I want to test Andrie's patience this time. Dito ko masusubukan kung totoo ba ang pagmamahal niya sa akin o nagpapanggap lang siya. I need to know the truth. I want to know who I really am. Hindi lang ang teacher na ‘yon ang kailangan kong makausap kundi pati na rin si Peir. Dahil naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari. Gusto ko lang naman makaalala pero bakit parang ang kumplikado ng sitwasyon ko? Mabilis akong humiga at nagkumot ng may kumatok sa pintuan. Narinig ko ang mga yabag palapit sa akin pero hindi ako kumilos. “Sorry about earlier. Gusto ko lang naman na protektahan ka, eh.” “Protektahan saan? May gusto bang manakit sa akin? May kasalanan ba ako o tayo na dapat pagtaguan kaya simpleng paglabas hindi p’wede?” Bumangon ako at humalukipkip. “Hindi ‘yon. Dahil sa kondisyon mo-“ “Sabi mo tutulungan mo akong makaalala? Paano ako makakaalala kung nakakulong lang ako dito sa bahay. Ipinangako mo ‘yon sa akin kaya sumama ako sa ‘yo dito. Kahit gustung gusto ko ng bumalik sa Romblon tiniis ko ang ilang buwan dito sa syudad kasi gusto kong malaman kung sino ako.” “Busy lang ako sa trabaho-“ “Are you fooling me? If you really loved me, you wouldn't let me end up like this! I want to know who I really am, Andrie. I want to remember the man I love.” Napatda siya nang hawakan ko ang kanyang pisngi. Napapikit siya at hinawakan ang kamay ko. Lihim akong napangiti dahil nakuha ko siya doon. “Hanggang ngayon, nag aalangan ako na lumapit sa ‘yo, kausapin ka, o kahit yakapin ka man lang dahil pakiramdam ko hindi kita kilala. Hindi ka maalala ng puso ko. Paano ko gagawin ‘yon kung nandito lang ako?” wika ko pa. “Walang mangyayari sa akin dahil wala namang nakakaalam na nandito tayo ‘di ba?” Napabuntong hininga siya at ngumiti ng bahagya. “Okay. Payag na ako. Pero dito lang sa loob ng subdivision. Delikado na ang panahon ngayon kaya hindi ka pa maaaring pumunta kung saan saan, hmm.” Matamis akong ngumiti at napayakap sa kanya. Gusto n’ya ng laro? Pwes sasakyan ko ang laro niya. “Drink your milk-“ Naputol ang iba pa niyang sasabihin nang tumunog ang kanyang cellphone. “Inumin mo na ang gatas mo. I’ll just answer this one.” Sabay angat ng kanyang cellphone. Mabilis akong tumayo at itinapon sa banyo ang gatas paglabas niya ng kwarto. Bumalik ako sa higaan at nagpanggap na tulog na. Pumasok siya ulit at naupo sa gilid ng kama ko. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok at hinagkan ang aking noo. “Mahal na mahal kita, Nikki. Gagawin ko lahat ‘wag ka lang makuha ulit ng lalaking ‘yon. Akin ka lang. Ako lang ang totoong nagmamahal sa ‘yo.” Si Peir ba ang tinutukoy niya? “Kailangang makausap mo ulit ‘yong teacher sa school, ma. Hinanap ko ang account ni Andrie sa social media pero wala akong nakita. Kahit ‘yong Nelsie wala rin,” sabi ko habang naglalakad lakad kami. “Baka nga patay na talaga ang kapatid ko kaya hindi ko s’ya mahanap.” “Tawagan mo na kaya si Peir. S’ya lang ang makakatulong sa ‘yo ngayon,” wika ni mama. “May nasabi po ba s’ya sa inyo? Kahit kaunti lang bago kayo dinala ni Andrie dito?” tanong ko. “Hindi kami gaanong nakapag usap dahil busy sila sa kampanya. Bantay sarado rin siya ng mga body guards at hindi rin basta basta nakakaalis. Kaya mas mabuti talagang makabalik ka ng Romblon para magkausap kayong dalawa,” paliwanag nito. “Paano tayo makakaalis dito?” Pasimple kong inilibot ang aking mga mata. “Marami tayong bantay. Sa ngayon ‘yong teacher muna ang kausapin mo. Kailangan nating malaman kung sino talaga si Andrie at kung nasaan ang kapatid ko.” “Tutulungan tayo ni Peir, anak. Ipinangako n’ya ‘yon sa akin. Hindi ko man lubos na naiintindihan ang mga nangyayari ngayon, pero alam ko kung kanino dapat pumanig.” “Kahit ako po gulong gulo na rin. Kaya gusto ko na ring malaman ang lahat. Pati ang mga napapanaginipan ko noon ngayon ay hindi na rin ako dinadalaw. Marami akong tanong, ma. Marami akong hindi naiintindihan.” “Kaya nga pumayag akong sumama sa lalaking ‘yon dahil gusto kitang tulungan, anak. Ilang taon rin tayong magkasama. Anak na kita simula ng dumating ka sa buhay ko, kaya tutulungan kita sa abot ng makakaya ko.” “Nararamdaman ko, ma, marami s’yang tinatago. Kailangan kong malaman kung sino talaga s’ya. Kung sino s’ya sa buhay ko.” “Sigurado rin ako na si Peir talaga ang mahal mo at hindi ang Andrie na ‘yon. Hayaan mo, babalikan ko ulit si teacher. Dapat may malaman na tayo agad para makaalis na tayo dito,” ani mama pa. Sino ba talaga si Andrie sa buhay ko? Marami siyang tinatago at dapat malaman ko na iyon sa lalong madaling panahon. May pakiramdam kasi talaga ako na hindi ko siya dapat pagkatiwalaan. Na dapat lumayo ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD