“Saan tayo pupunta?”
“Just stay here. May kukunin lang ako,” wika ni Andrie at pumasok sa isang kwarto.
Napatingin ako sa photo album na inilahad niya sa akin sa kanyang pagbalik.
“You want to know your life before, right? Open it.” Utos pa niya sa akin.
I was hesitant, but I still opened the photo album I was holding. I saw the woman facing the sea, wearing a maxi dress and a hat on her head. Her almond hair is long and curl.
“You really loved dyeing your hair back then. That was your favorite hair color.”
Nahawakan ko rin tuloy ang buhok kong itim na ang kulay ngayon. Mahaba pa rin naman at wavy. Parang gusto ko tuloy ibalik ang kulay nito kagaya sa larawan.
“You really love the beach—especially when the waves crash against your feet. You love walking along the shore, kasi sabi mo nawawala ang mga problema mo. Natatanggal ang pagod at stress mo.”
Tama si Andrie. Iyon nga ang eksaktong naramdaman ko unang kita ko palang sa dalampasigan ng San Agustin.
“I took a photo of you because your angle looked great there,” nakangiti pang sabi nito.
“Saan ‘to?” tanong ko.
“Batangas,” tugon niya.
Binuklat ko pa ang sunod na pahina. At ako ulit iyon sa tabing dagat habang may hawak na sketch pad at lapis.
Ilang pahina pa ang binuksan ko at puro stolen shots lahat iyon. Ang mga sumunod ay mga pictures na kaming dalawa na ang magkasama. Napaangat ang tingin ko kay Andrie.
“That was our high school days. Kaunti lang ‘yan kasi ‘yan lang ang naiwan nang ma-demolished ang squatters area na dati nating tinirahan.”
“P’wede ba tayong pumunta d’on? Baka doon may maalala ako. Baka maalala ko ang mukha ng mga magulang at kapatid ko,” wika ko.
“Pinatayuan na ng mall ‘yon ngayon. It’s useless ‘cause I already took you there. That’s where we shopped for your things last time,” anito.
“Wala ka man lang bang pictures ng pamilya ko. Saan ko sila p’wedeng dalawin?”
Iling lang ang naging sagot niya sa akin. After the fire incident ako na ang naging kasama mo, Nikki. Hanggang sa muli kang maaksidente at mawala ang alaala mo.”
“Iyon kaya ang sunog na palagi sa mga panaginip ko?” mahinang sabi ko.
“Yeah. It is. ‘Wag na nating balikan pa ang nakaraan, okay. What important is, you are here again. Magkasama na tayong dalawa. Bumalik man o hindi ang mga alaala mo. Basta nandito ka. At kasama kita,” nakangiting wika ni Andrie.
“Pakiramdam ko kasi parang may kulang, eh!”
“Nami-miss mo na ba si Tita Danna? Don’t worry, I'll bring Tita Danna here so you can be with her.”
“Hindi lang ‘yon-“
“Pakiramdam mo lang ‘yan. Kasi ilang taon rin na si tita ang kasama mo. Masasanay ka rin sa buhay natin. Sa bagong buhay natin na magkasama.” Hinaplos niya ang buhok ko at matamis na ngumiti sa akin.
Habang tumatagal ay unti unti na rin akong nasasanay. Nasasanay na nand’yan palagi si Andrie sa tabi ko. Siguro nga natural na reaksyon ang naramdaman ko noong una ko s’yang makita at makausap dahil hindi siya maalala ng utak ko.
Base naman sa mga litratong nakita ko totoo ang sinasabi niya na matagal na nga kaming magkakilala.
Paulit ulit kong tinitingnan ang mga high school pictures naming dalawa. At alam kong masaya ako sa mga larawang iyon.
“Longos National High School.” Basa ko sa logo na nakalagay sa neck tie na suot ko sa larawan.
Gusto ko sanang itanong iyon kay Andrie ngunit nagdadalawang isip ako. Para kasing lahat ng tanong ko ay may sagot siya palagi. Parang hindi importante sa kanya kung bumalik ang alaala ko o hindi.
“Manang Thelma, taga dito rin po ba kayo sa Malabon?”
Heto na naman ako sa mga pahapyaw kong tanong.
“Oo. Bakit mo natanong?”
“Wala naman po,” kibit balikat na sagot ko. “Gusto ko lang rin po malaman. Sa Longos ka rin po nag aral?” tanong kong muli.
“Oo naman. Pinaka malapit na eskwelahan ‘yon dito sa lugar natin, eh.”
“Malayo ba ‘yon dito sa bahay natin?” pang uusisa ko pa.
“Isang sakay lang ‘yon mula dito. Bakit mo naman naitanong?” Kunot noong baling ni Manang Thelma sa akin.
“Naalala ko lang po ‘yong mga estudyanteng nakita ko sa mall n’ong mamili kami ni Andrie.” Pagsisinungaling ko. “Sige po. Baka nakakaistorbo na ako. Aakyat lang po ako sa itaas. Magpapahinga lang po ako.” Paalam ko.
Napabuntong hininga na lang ako nang makapasok ako dito sa loob ng aking kwarto. Muli kong kinuha ang photo album at hinaplos ang logo na nasa larawan. Kailangang makapunta ako sa eskwelahang iyon. Baka sakaling may maalala ako doon kahit kaunti.
Nakita ko mula dito sa bintana ang pagdating ni Andrie sakay ng kotse. Napatingin ako sa kabilang dako ng kalsada at natanaw ko ang isang lalaki na nakatanaw sa kanya.
Nakasuot ng jacket ang lalaki at nakasuot ng shades. Nakapasok na sa loob si Andrie ngunit naroon pa rin ang lalaki. Kinuha nito ang cellphone sa suot na jacket at habang may kausap ay hindi pa rin inaalis ang tingin dito sa bahay.
May kumatok sa pintuan ng aking kwarto at nasisiguro ko na si Andrie iyon. Itinabi ko ang photo album at hinintay siyang makapasok dito sa loob. Muli kong nilingon ang labas para tingnan ang misteryosong lalaki ngunit naglalakad na ito palayo.
“Sino’ng tinitingnan mo d’yan?”
Lumapit si Andrie sa akin at hinagkan ako sa noo. Hindi ako komportable sa kanyang ginawa ngunit hindi ko ipinahalata.
Minsan may pagkakataon na hindi pa rin ako kumbinsido na mapagkakatiwalaan s’yang tao, eh! Parang may itinatago pa s’ya na kailangan kong alamin kung ano.
“May problema ba?” nag aalala pa rin niyang tanong. Muli pa niyang nilingon ang labas ng bintana.
“Wala. Maganda lang kasi ang view sa labas. Tahimik at nakaka relax,” wika ko. “Saan ka galing?” Pag iiba ko sa usapan.
“I met up with a friend. They offered me a job as a hotel manager, and I accepted it since it was a great opportunity,” kwento niya. “And I have a surprise for you.”
Hinila niya ako palabas at tinungo namin ang isang kwarto. Marahan niya iyong binuksan at saka ako muling hinila papasok.
“Ma!”
Tinakbo ko ang distansya namin ni mama at mahigpit ko siyang niyakap. Naramdaman ko rin ang mga braso ni mama na yumakap sa akin kays hindi ko maiwasang mapaluha sa saya.
“Paano?” Nilingon ko si Andrie at muling yumakap kay mama. “Nandito ka!” Ikinulong ko ang mukha niya sa magkabila kong palad.
“Sinundo ko s’ya kanina sa airport after meeting up with my friend. Malungkot ka kasi this past few months kaya nagpursige rin akong dalhin si tita dito,” pahayag ni Andrie. “Right, Tita Danna?”
“Ah!… Oo! Halos mag- aapat na buwan na rin kitang hindi nakikita anak. Wala akong balita sa ‘yo at hindi ko alam kung ano ang nangyari sa ‘yo. Ipinaliwanag na rin ni Andrie sa akin lahat. Kaya naman sobrang saya ko dahil nagkita na kita at magkasama na tayo!”
“Ako rin po, ma! Andrie, thank you!” At sa unang pagkakataon ay niyakap ko siya.
“Basta para sa ‘yo. Handa kong gawin lahat,” anito at marahang hinaplos ang aking buhok.
Nabawasan ang lungkot ko dahil sa pagdating ni mama. Pero mas sasaya siguro ako kung nasa Romblon kami at kasama ang mga kaibigan ko.
“Andrie, kailan tayo babalik ng probinsya?” Isang gabi ay tanong ko habang naghahapunan kami.
Napaangat rin ang tingin ni mama kay Andrie. Naghihintay rin siguro ng sagot nito.
“Our life is here in Manila. You hated places like province back then,” anito, tuloy lang sa kanyang pagkain.
“But I like beaches. Nasa probinsya rin ang karamihan sa mga magagandang beach ‘di ba?” giit ko.
“Anak, kumain na muna tayo.” Awat ni mama sa akin.
“Oo nga, Nikki, lalamig ang pagkain,” saad rin ni Manang Thelma.
Simula ng dumating si mama dito sa bahay ay parang ang laki na ng pagbabago. Parang ingat na ingat siya. Parang laging nag aatubili sa mga kanyang mga kilos.
“Anak.”
Bumukas ang pintuan ng aking kwarto at bumungad ang nakangiting mukha ni mama habang dala ang isang baso ng gatas.
“Uminom ka muna ng gatas bago ka matulog,” wika pa niya at inilapag sa harapan ko ang baso.
Itinabi ko ang suklay na aking hawak at hinarap si mama. “Ma, may problema ba?”
Natigilan siya saglit at napangiti. Ngiting alam kong alanganin.
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Alam mo ang ibig kong sabihin,” seryosong saad ko.
“Laira- Nilkki.” Napabuntong hininga pa siya nang bangggitin ang pangalan ko. “Naninibago ka lang siguro-“
“Ilang buwan na ako dito pero hanggang ngayon wala pa rin akong maalala tungkol sa nakaraan ko, ma! Parang ayaw ni Andrie na makaalala ako, eh! Nang dalhin niya ako dito unang ipinangako niya sa akin ay ang malaman kung sino talaga ako. Pero hanggang ngayon, ito pa rin ako. Marami pa ring tanong sa isipan ko,” pahayag ko.
“Sabi ko naman sa ‘yo ‘wag mong madaliin ang lahat,” ani naman ni mama.
“Ano ang ipinangako n’ya sa ‘yo para sumama ka sa kanya dito?” Sinalubong ko ng tingin ang mailap niyang mga mata. “I know, ma. Your every moves, the way you talk-“
“Anak-“
“Tell me the truth, ma. Tayong dalawa lang dito, oh!” Hamon ko sa kanya.
“Nikki, wala. Kusa akong sumama sa kanya dahil sa ‘yo. Gusto kitang makita at makasama. ‘Yon lang ‘yon.” Hinawakan ni mama nang mahigpit ang kamay ko.
“Iyong totoo, ma!”
Napalunok si mama at sumulyap sa nakasarang pintuan. “Halika. Mahiga tayo sa kama, hmm.”
Nagpatangay ako sa kanya sa higaan. Hindi ako nahiga at tinabihan lang niya ako.
“H’wag ka munang magtanong sa akin ng kung ano ano. Ang importante ay magkasama tayo.”
Napatingin ako sa cellphone na inilagay niya sa kamay ko.
“Itago mo ‘yan. Ingatan mong ‘wag makita ni Andrie o ni Thelma. ‘Wag kang mainip dahil malalaman mo rin ang totoo. Sakyan mo lang si Andrie. Hangga’t maaari paniwalain mo s’yang mahal mo s’ya.”
“Pero bakit po?” naguguluhang tanong ko.
“Para ito sa ikakabuti mo. Nating dalawa habang nandito tayo. Magagamit mo ang cellphone na ‘yan.”
Tumayo si mama at kinuha ang baso ng gatas. Akala ko ay ibibigay niya sa akin ngunit idiniretso niya iyon sa banyo.
“Simula ngayon ‘wag na ‘wag mo nang iinumin ang gatas na ibinibigay nila sa ‘yo tuwing gabi. Sige na. Matulog ka na. Sundin mo ang mga bilin ko, ha.”
Inihiga ako ni mama at sakto namang bumukas ang pintuan. Pumikit ako dahil may pumasok sa loob.
“Ang tagal mo naman!” singhal ni Manang Thelma.
“Nakipag kwentuhan pa kasi si Laira bago inumin ang gatas,” sagot ni mama.
“Laira!” paismid na ani manang. “Hindi Laira ang pangalan n’yan! Nikki. Itatak mo sa kukote mo ‘yan! At hindi mo s’ya anak. Tara na! Mahimbing na ang tulog n’yan nakainom na nh gatas ‘yan.”
Ano’ng ibig sabihin ni Manang Thelma? Hindi kaya may pampatulog ang gatas na pinapainom nila sa akin?
Nang lumabas sila ay narinig ko pa ang pag lock ng pintuan mula sa labas. May pampatulog na tapos inila-lock pa niya ang pintuan sa labas. Na para bang tatakas ako dito.
Bumangon ako at dahan dahang tumayo. Pinihit ko ang door knob at naka lock nga iyon. Ngayon ko lang rin napansin na may grills ang mga bintana dito sa kwarto ko.
Bumalik ako sa kama at kinuha ang cellphone na ibinigay ni mama sa akin kanina. Kusang bumukas ang cellphone nang matapat sa aking mukha. Awang ang labi ko dahil ako ang nasa wallpaper ng cellphone.
“Sa akin ba ‘to?” bulong ko pa sa aking sarili.
Agad kong hinanap ang gallery at tiningnan isa isa ang mga larawan doon.
“Peir?” mahinang bulalas ko, nang makita ko siya sa gallery ng cellphone na aking hawak.
Magkasama kaming dalawa. Nakaupo kami sa isang lamesa na naka pwesto sa sea side habang palubog ang araw.