“Ay!”
Sabay kaming napasigaw ni mama ng biglang huminto ang sinasakyan naming tricycle.
“Manong, dahan dahan naman po!” ani mama sa driver na biglang nag preno.
“Pasensya na po. ‘Yong nasa unahan po kasi natin biglang sumingit, eh!”
Bago pa makapag-react ulit si mama ay biglang bumaba ang tatlong lalaki sa van na humarang sa amin at bigla na lang hinila si mama palabas.
Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na nagawang makapanlaban pa dahil bigla rin akong hinila ng isa pang lalaki at mabilis na itinulak papasok sa loob ng van.
“Laira! Laira, anak!”
Iyon ang huling sigaw na narinig ko mula kay mama dahil nawalan na ako ng malay nang takpan ng isang lalaki ng panyo ang aking ilong at bibig.
Hampas ng mga alon at huni ng mga ibon ang bumungad sa aking pandinig ng magkamalay ako. Unti unti akong bumangon sa higaan. Naupo ako at nilibot ng tingin ang buong paligid.
Agad akong tumayo nang makita ko mula sa bukas at malaking bintana ang magandang tanawin. Berdeng berde ang kulay mula sa damo hanggang sa mga puno. Hinanap ng aking mga mata ang dagat at natagpuan ko iyon sa isang bahagi.
Kumakalma talaga ako kapag nakakakita ng dagat. Masarap sa pakiramdam na para bang lahat ng problema ko ay nawawala.
“Nasaan ako? Sino kaya ang nagdala sa akin dito?” Kausap ko sa aking sarili.
Tinungo ko ang pintuan at agad pinihit ang doir knob. Hindi naman naka-lock iyon kaya tumuloy na ako palabas.
Simple lang ang bahay. Walang gaanong gamit kagaya sa kwarto kanina. Nakaamoy ako ng mabangong pagkain na agad nagpakalam ng aking tiyan kaya sinundan ko ang amoy noon.
Naabutan ko ang isang lalaki na nagluluto sa kusina. Busy ito sa pagluluto at hindi napansin ang pagpasok ko.
“Sino ka?”
“Good morning!”
“Andrie?!” bulalas ko.
“Gutom ka na ba? Saglit na lang ‘to at matatapos na. You can seat there I’ll prepare the table first-“
Napahinto siya sa pagkuha ng mga pinggan at napatingin sa kamay kong pumigil sa kanyang braso.
“Do you need anything?” aniyang may ngiti pa sa labi.
“How can you act like that? As if nothing happened? Have you really lost your mind? What am I doing here? What are you doing?!” sunud sunod ang mga tanong ko sa kanya.
“This is the life we really had before. You and I. The two of us, Nikki.” Humarap siya sa akin at ikinulong ang magkabilang pisngi ko sa kanyang mga palad. “Gusto kong maalala mo ako. Ako at ako lang.”
“Ibalik mo na ako kay mama!” mariing saad ko.
“She’s not your mom. Hindi kayo magkaanu ano ng babaeng ‘yon. Your real mom died many years ago,” paliwanag nito.
“Sino s’ya? Anong pangalan n’ya?” tanong ko. Gusto kong subukan kung nagsasabi ba s’ya ng totoo.
“Ipapaalala ko sa ‘yo lahat. Bukas pupunta na tayong Manila. D’on sa lugar kung saan ka talaga nagmula.”
Sinasabi ng isip ko na ito na ang pagkakataon para malaman ko kung sino talaga ako. Ngunit may bahagi ng puso ko na nagsusumigaw na ‘wag akong magtiwala sa lalaking ito.
“Si Peir. Gusto kong makita si Pier!” maya maya ay wika ko.
Nakita ko ang biglang pagbabago ng kanyang mukha.
“Bakit?”
“H’wag na h’wag kang lalapit sa lalaking ‘yon! Delikado s’ya, Nikki. S’ya ang dahilan kung bakit tayo nagkahiwalay! Hinding hindi ko s’ya mapapatawad sa ginawa n’yang paglayo sa ‘yo mula sa akin!”
Napaatras ako at mabilis na binawi ang aking braso ng humigpit ang hawak niya doon. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa biglaang galit na nakikita ko sa kanyang mga mata.
“Sino ka ba talaga?”
Sinalubong ko ng tingin ang kanyang mga mata. Nakita kong unti unting lumambot ang ekspresyon noon nang magtagpo ang aming mga tingin.
“I have been with you since our teenage years. We loved each other. I was with you through every sorrow and joy. I was always by your side through ups and downs. Nikki, handa kong gawin lahat bumalik ka lang sa akin. Magsimula tayo ulit.”
Bakas sa boses niya ang sensiridad. Kitang kita ko aa mga mata niya ang lungkot at pangungulila. Pero bakit may parte sa puso ko ang ayaw maniwala.
“Gusto kong malaman lahat.”
“Babalik na tayo ng Manila bukas-“
“Gusto kong i-kwento mo ngayon. I want now! Not later. Not tomorrow. I want the whole truth now!” giit ko.
“Mahirap ang kwento lang. Gusto kong dalhin ka sa lugar kung saan ka nagmula para ikaw mismo ang makaalala ng lahat.”
“Kung gusto mo akong makaalala bakit hindi mo sinabi sa akin una palang?”
“May amnesia ka. Ngayon nga lang na nagsasabi na ako ng totoo ayaw mo akong paniwalaan, eh! Paano pa kaya kung una pa lang binigla na kita? Takot na takot ako sa naging reaksyon mo n’on sa dalampasigan. Kaya ito lang ang naisip kong paraan. Lalo na ngayong bigla na lsng sumulpot si Peir. Hindi ka na n’ya p’wedeng makita o lapitan ulit. Hinding hindi ako papayag na muli ka n’yang guluhin at paghiwalayin tayong dalawa.”
“Sino ba talaga s’ya?”
“S’ya ang lalaking lumason sa isipan mo.”
Kahit may agam agam sa puso ko ay sumama pa rin ako kay Andrie patungo sa Maynila. Kung ang pagsama sa kanya ang tanging paraan para malaman ko ang tunay kong pagkatao ay susugal ako.
“Nasaan tayo?” Nagpalinga linga ako sa buong paligid.
“Nandito tayo sa Malabon. Dito tayo nakatira noon,” tugon ni Andrie. “Sa squatters area tayo dati nakatira. Pero dahil sa pagsisikap ko nagkaroon tayo ng sarili nating bahay dito sa subdivision.”
May dinukot siyang susi sa kanyang pantalon at agad binuksan ang gate ng huminto kami sa tapat noon.
“Mag asawa tayo?!” gulat na tanong ko.
Natawa siya sa reaksyon at tanong ko. “Fiancee.” Pagtatama niya. “We were on the verge of getting married, but unexpected things came up.”
Hinila niya ako papasok sa loob. Inilapag niya sa sofa ang bag na kanyang dala. At nagtungo sa kung saan.
Pagbalik niya ay may dala na siyang isang baso ng orange juice.
“Uminom ka muna at magpahinga. We're going to the mall so you can buy your things.”
“How will my memories come back? I want to-“
“Don't rush it, honey. We'll get there. For now, i-enjoy muna natin ang unang araw ng pagbabalik natin dito, hmm,” nakangiting wika ni Andrie, habang haplos ang pisngi ko.
Nakakapanibago ang paligid. Pakiramdam ko nalulula ako sa mga nakikita ko. Ilang taon rin kasi akong hindi napupunta sa ganitong lugar.
Maraming tao. Maingay. Mga tindahang samu’t sari ang laman. May iba’t ibang klase pa ng mga kainan.
“Here’s your order, sir.” Inilapag ng babaeng server ang aming pagkain.
“Kumain na muna tayo para magpapahinga na lang tayo pag uwi sa bahay. Bukas pa kasi dadating si Manang Thelma ang magiging kasambahay natin.”
Tuna pasta ang inorder ko at iced tea. Mukha namang masarap sa menu. At hindi nga ako nagkamali dahil unang lapat pa lang sa dila ko ay nagustuhan ko na agad ang lasa.
“Did you like it?” ani Andrie. Nakita yata ang resksyon ko.
Ngumiti ako ng bahagya saka tumango. Ngumiti rin siya at pareho naming ipinagpatuloy ang pagkain.
Pajama, t-shirts, under wears at mga gamit sa katawan. Ilan lang iyon sa mga pinamili namin sa mall. Nahihiya pa akong kumuha kanina dahil may kamahalan rin ang mga iyon.
Pero si Andrie na mismo ang naglalagay sa cart ng mga tinitingnan ko. Gusto kong magprotesta pero parang hindi niya alintana ang presyo ng mga iyon at nagpapakuha pa ng ibang designs at kulay.
Napalingon ako sa pintuan ng may kumatok at pumasok si Andrie na may dalang isang baso ng gatas.
“I think you still drink milk,” tila may pagdadalawang isip na anito sa akin. Inilapag niya sa bed side table ang baso. “Don't you?”
“Okay lang naman.” Naupo ako sa tabi ng kama at kinuha ang baso ng gatas.
“Ako ang palaging nagtitimpla ng gatas mo dati. Sabi mo kasi nahihimbing ang tulog mo kapag umiinom ka ng gatas bago matulog,” kwento niya at naupo sa tabi ko.
“Anong simbahan ‘to?”
“Quiapo Church. Dito mo ako sinagot dati. Dito rin sko nag-propose sa ‘yo,” wika ni Andrie.
And to my surprised nasa leeg ko na ang isang kwintas. At ngayon naman ay hawak na niya ang kamay ko habang unti unting isinusuot sa daliri ko ang singsing.
“Sa ‘kin ‘to, ah! Paanong-“
“I was the one who gave those to you. Ibinigay ko sa ‘yo ‘tong kwintas n’ong sagutin mo ako,” wika niyang hinaplos ang pusong pendant. “And this ring. Engagement ring natin ‘to.”
Bakas ang saya sa mukha niya. Seryosong seryo at siguradong sigurado sa kanyang mga sinasabi.
Ngunit bakit tila may pag aalinlangan pa rin sa isang bahagi ng puso ko? Parang may nagsusumigaw na hindi ako dapat maniwala.
“Tara na sa loob. Mag uumpisa na ang misa.”
Tahimik akong sumunod sa kanyang pag akay. Puno na naman ng tanong ang isipan ko.
“Andrie, may pamilya ba ako? Nasaan sila?” Isang gabi ay tanong ko habang naghahapunan kami.
Nakita kong nagkatinginan sila ni Manang Thelma.
“Bakit? May problema ba?” tanong ko pa.
“Your mom died many years ago. Nasabi ko naman sa ‘yo ‘yon n’ong nakaraan. Your father and sister as well. They died in an accident.”
“Sa sunog?”
Nakita kong muling nagkatinginan sina Mananb Thelma at Andrie.
“Tapusin n’yo na muna ang pagkain. Hindi na masarap ‘yan kapag lumamig,” ani Manang Thelma.
“Palagi kong napapanaginipan ‘yon, eh! Bahay na nasusunog at isang babae at lalaking iniwan ako sa loob ng nasusunog na bahay,” kwento ko.
“Kilala mo sila?” Kuryosong tanong ni Andrie.
“No. Their faces are blurry. Ever since I woke up from the coma, I’ve been dreaming about that over and over.”
Hindi na naman nakaligtas sa akin ang pag sulyap ni Manang Thelma kay Andrie. Para bang may alam sila na tanging sila lang ang nakakaalam.
Kataka taka rin na nagsasalita ako ng banyagang wika hindi lang ngayon kundi noong mga nakaraang araw pa.
“That might be caused by your trauma. Dreams aren't real.” Hinawakan ng mahigpit ni Andrie ang aking kamay.
“Trauma? May nangyari ba sa akin?” Kunut noong tanong ko.
“We will talk about it later. Kumain na muna tayo. Sabi ko naman sa ‘yo ‘di ba ‘wag mo munang madaliin ang sarili mo,” wika pa nito.
Natapos ang hapunan na hindi na ulit kami nakapag usap pa tungkol sa paulit ulit kong panaginip simula ng magkamalay ako.
Kapag ino-open ko ang topic na iyon ay palagi rin siyang may paraan para ilihis ang usapin. Ayaw niyang madaliin ko ang lahat pero naiinip na ako.
Habang tumatagal ay parang nakakampante na siyang palagi na lang kaming ganito.
“Manang.”
“May kailangan ka?” tanong niya sa akin habang hindi inaalis ang tingin sa hinuhugasang karne.
“Matagal na po ba kayong kasambahay ni Andrie?”
“Matagal na rin. Bakit mo naitanong?”
“Ibig sabihin kilala n’yo na rin ako dati pa?”
Natigilan siya saglit sa paghuhugas. “Ang ibig kong sabihin matagal na pero hindi na kita naabutan. Naririnig lang kita sa mga kwento ni Andrie. At sa mga pictures lang.”
“Pictures? P’wede ko bang makita, manang?”
“Nasa bodega na ang mga ‘yon, eh! Pinalagay ni Andrie ang mga ‘yon doon dahil sobra yatang nasaktan noon,” kwento ni Manang Thelma.
“Ano pong alam n’yo tungkol sa akin?” seryosong tanong ko.
“Ah…”
“I'm here, Nikki. I'll be the one to tell you what you want to know.”
Sabay kaming napalingon ni Manang Thelma kay Andrie. Yumuko lang ang babae at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
“Let’s go. I’ll have something to show you.”