"Good morning po, tita!"
Lihim akong napailing at sabay buntong hininga ng marinig ko na naman ang boses ni Axcel.
"Good morning, Sir Axcel. Ano po ang gusto ninyong kainin?" bati rin ni mama dito.
Narinig ko pang tinanong ni Axcel ang mga tauhan sa mga gustong kainin ng mga ito. "Special goto na rin po ang akin," sagot nito ng lingunin si mama.
"Laira, anim na special goto sa mesa nina Sir Axcel!" tawag pansin ni mama sa akin.
Lumingon ako kay mama para tanguan ito at pilit na ngiti naman ang isinukli ko kay Axcel ng magtagpo ang aming mga tingin.
Katulong si Klare ay sabay naming inilapag sa mesa ang mga mangkok ng special goto na umuusok pa.
"Kain," nakangiting alok ni Axcel sa akin at kay Klare.
"Salamat," tugon ko at tinalikuran ko na siya.
"Grabe sa cold treatment, 'te!" puna ni Klare ng tabihan ako sa bangko.
"Wala bang trabaho 'yan?" tanong ko na hindi na pinagtuunan ng pansin ang unang sinabi niya.
"Sa Manila 'yan nagtatrabaho. Ang sabi nila, s'ya muna ang humahawak sa pagawaan nila rito kasi busy yata sa Manila ang kuya n'ya," kwento ni Klare.
"Kuya?" Sa sarili ko lang sana iyon ngunit naisa tinig ko na pala.
"Yup! Si Sir Peir. Ang gwapo n'on, grabe!" kinikilig na saad pa ng pinsan ko. "Gwapo rin naman ang suitor mo, kaso mas malakas ang dating ni Sir Peir. Ikaw ba naman ang dating sikat na band member!"
Napataas ang kilay ko sa salitang 'suitor'. Kailan pa nanligaw si Axcel sa akin?
Sa kabilang banda napaisip ako bigla sa pangalang 'Peir'. Saan ko ba narinig ang pangalang iyon? Mukhang pamilyar sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa biglaang pag lakas ng t***k noon. Maging ang ulo ko ay biglang pumintig.
""Ayos ka lang, Laira?" nag aalalang tanong ni Klare ng makita ang hitsura ko.
"A-ayos lang," sagot ko at nahilot pa ang aking sentido. "Iinom lang ako ng tubig sa loob," paalam ko at hindi na hinintay pa ang sagot niya.
Napaupo ako sa bangko dahil sumakit bigla ang ulo ko. Para bang may gusto akong alalahanin ngunit hindi ko mahagilap sa utak ko.
"Laira, anak," tawag ni mama sa akin at agad lumapit sa tabi ko. "May masakit ba sa 'yo?" Nasa boses ni mama ang pag aalala.
"Sumakit lang po ang ulo ko," sagot ko.
"Magpahinga ka na lang muna. Paubos na naman ang almusal natin," anitong sinalat pa ang aking noo. "Paalis na rin sina Sir Axcel. Umakyat ka na muna sa itaas."
Pag alis ni mama ay umakyat na rin ako. Tulog lang siguro ang kailangan ko para mawala ang sakit ng ulo ko.
"Magpagaling ka. Hindi habang buhay ay narito ka sa apat na sulok ng lugar na ito."
Kitang-kita ko ang aking sariling naka upo sa isang bakal na upuan sa gitna ng garden. May kausap akong lalaking hindi ko makita ang mukha.
Ngumiti ako sa aking panaginip. Ngiting para sa lalaking kaharap ko. Hanggang sa bumalik na naman ang scenario na nagbibigay ng takot sa buong pagkatao ko.
Ngunit agad nawala ang takot ko ng lumitaw muli ang imahe ng lalaki sa aking panaginip at yakapin ako ng mahigpit sa nasusunog na lugar na iyon. Ramdam ko ang kaligtasan sa mga bisig nito. Pakiramdam ko ligtas ako at hindi masasaktan ng kahit na sino.
Napamulat ako ng mata ng marahang yugyugin ni mama ang balikat ko. "Kakain na tayo," ani mama.
Madilim na sa labas ng bumangon ako mula sa pagkakahiga. Napahaba ang tulog ko.
"May masakit ba sa iyo, anak?" bungad na tanong ni mama ng maupo ako sa hapag. "Gusto mo bang magpa-check up?"
"Ayos lang po ako, ma. Sasabihin ko po kung may nararamdaman ako," tanggi ko.
Sa paglipas ng mga araw ay nasanay na ako sa presensya ni Axcel at mga tauhan nito. Mabait naman ito sa lahat at wala rin namang ginagawang masama.
Hindi ko lang talaga maiwasan na maging madistansya dahil sa mga tsismis na naririnig ko sa aking paligid. Hindi siya nanliligaw at wala akong interes sa kanya.
Dahil nga lumalago na ang maliit naming kainan ay pinalakihan na ni mama ang pwesto namin. Malapit lang kami sa kabayanan kaya madali lang ring puntahan ang kainan namin.
Dahil sa dami ng mga estudyante at mga trabahador na kumakain sa amin ay kumuha na rin ng tao si mama. Isang taga lutong katuwang niya at isang serbedorang makakasama namin.
Madaling araw ay bukas na kami para sa almusal at sa tanghali ay mga pananghalian naman. At pagdating ng hapon ay meryenda rin.
"Uy! Si Sir Axcel oh!" Turo ni Klare aa lalaki na nakasandal sa kotse nito.
Ano namang ginagawa niya rito? Naipilig ko na lang aking ang ulo dahil tatay nga pala niya ang mayor dito, at dito sa munisipyo ang opisina nito.
"Hi!" bati niya nang makalapit kami sa gawi niya.
"Hello, sir," bati rin ni Klare.
Bahagya lang akong ngumiti sa kanya ng balingan niya ako ng tingin.
"Kumusta ang lakad n'yo?" tanong niyang sinulyapan ang hawak kong envelope.
"Okay na. Nakakuha na kami ng business at sanitary permit," sagot ko.
"May pupuntahan pa ba kayo? Kung wala na pwede ko kayong ihatid." Presinta pa nito.
"Naku! 'Wag-"
"Talaga, Sir Axcel? Ay! Gusto ko 'yan!" singit agad ni Klare.
"Nakakahiya!" saway ko sa pinsan kong pinandilatan ko pa ng mga mata.
"Matagal mag abang ng jeep, Laira," nakasimangot na sagot nito sa akin. "Saka mainit pa," dagdag pa niya.
"Minsan lang naman, Laira. Pumayag ka na," segunda ni Axcel.
Tiningnan pa ako ni Klare na parang nagpapaawa. Bumuntong hininga na lang ako at tumango tanda ng pagpayag. Pumapalakpak naman sa tuwa ang bruha.
Kung hindi lang ako naawa sa pwesto niya kanina sa jeep na halos kalahati lang ng pwet ang nakaupo dahil sa siksikan hindi talaga ako papayag na magpahatid 'no! Pagmumulan na naman kasi iyon ng tsismis.
"Ax! Pare!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa tumawag kay Axcel. Anong meron sa araw na ito at umuulan yata ng gwapo sa paligid?
"Kaya naman pala no where to be found ka! May girlfriend ka palang itinatago rito sa probinsya!" natatawang sabi ng isang long hair na lalaki.
Kumindat pa ito sa akin at tiningnan ang kabuuan ko kaya napaiwas ako ng tingin.
"Loko! They are my friends," tanggi ni Axcel na sinapak pa sa braso ang long hair na lalaki.
"Say that in the water!" Sabay halakhak nito. "Uso ba sa 'yo ang friends?"
"Coming from you, dude? Friends?" singit naman ng isang lalaking blonde ang buhok.
"Mga loko talaga kayo! 'Wag kayong ganyan nakakahiya kina Laira," saway ni Axcel sa dalawa.
"Laira? Nice name and it's suitable for your lovely face. I am David," the long hair man said at sabay lahad ng kamay.
"Jolo, is my name. Nice to meet you."
Nakatanga lang ako sa dalawang kamay na nakalahad sa harap ko. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang mga iyon.
"Klare nga pala!" Si Klare na ang nag abot ng mga kamay nila. "Pinsan ako ni Laira." Pakilala pa nito sa kanyang sarili.
Nakangising tumingin sa akin ang mga kaibigan ni Axcel. At dahil nga ilang na ilang na ako ay nag iwas na lang ako ng tingin. Bakit ba kasi hindi pa kami umalis? Si Klare ay busy sa cellphone nito kaya nanahimik na lang ako rito sa gilid habang nag uusap pa rin ang tatlong lalaki.
"Bakit nga pala nandito kayo?" Agaw ni Axcel sa atensyon nila.
"We we're on vacation in bora together with the gang. I know that you're here so, isinama ko si Jolo rito para bisitahin ka," paliwanag ni David. "Susunod na rin 'yong iba para bago kami umuwi madalaw ka namin dito. Mukhang busy-ng busy ka eh!" sagot ni David at sumulyap pa sa akin.
"Walang buhay ang city kung wala ka!" segunda ni Jolo. "Kailan ba ang balik mo sa Manila?"
"Busy pa si Peir sa kabaliwan n'ya!" nakasimangot na sagot ni Axcel. "Matatagalan pa siguro ako dito."
"Baliw talaga ang kapatid mong 'yon! Kung ako ang nasa kalagayan n'ya hindi ko pag aaksayahan ng oras ang paghahanap sa isang baliw!" nakangising ani Jolo. "Ang daming babae sa baliw pa na inlove ang loko!"
"Sira ulo nga! Akala n'ya naman kapag nahanap n'ya ang babaeng baliw na 'yon tatanggapin 'yon ni daddy!" Bakas ang pang uuyam sa tinig ni Axcel.
Napatingin ako kay Axcel dahil sa sinabi nito. Pakiramdam ko hindi sila close ng kuya niya dahil sa kung paano siya magsalita tungkol dito.
Sa huli ay pinapunta ni Axcel ang dalawang kaibigan sa mansyon nila at saka kami hinatid pauwi sa bahay.
"Salamat sa paghatid," ani ko nang makababa sa kotse.
"Wala 'yon. Babalik ako bukas isasama ko ang mga friends ko dito para kumain."
"Sige. Salamat ulit," sagot ko na lang.
Bago tuluyang pumasok ay tinanaw ko pa muna ang papalayong kotse niya at ng mawala na iyon sa paningin ko ay saka na ako pumasok sa loob.
"Ang gu-gwapo talaga ng friends ni Sir Axcel 'no!" kinikilig na litanya ni Klare. "Dyosme! Tingnan mo!" Sabay pakita sa akin ng cellphone niya.
"Sira ka talaga!" natatawa na ring saway ko. Kaya pala busy ito kanina dahil kinukuhanan niya pala ng picture sina Jolo at David.
Walang costumers ng ganitong oras kaya heto kami at nakaupo lang muna. Busy naman sina mama at Ate Amy sa kusina para sa pagluluto ng meryenda para sa mga estudyanteng dumadayo rito sa kainan namin.
"Matagal na bang pumupunta ang mga kaibigan niya rito?" curious kong tanong.
"City boy 'yan si Sir Axcel. Sa Manila lumaki at tuwing bakasyon narito 'yan kasama ng mga barkada niya," sagot ni Klare. "Pero sa tinagal-tagal na pumupunta ang mga 'yan dito kanina ko lang sila nakilala ng personal," aniya pa.
"Eh, 'yong Peir?" usisa ko.
"Hindi rin lumaki si Sir Peir dito. Sa Aklan daw lumaki ang isang iyon. Anak sa labas kaya sa nanay lumaki."
"Anak sa labas?" Lalo akong na-curious.
"First love ni Mayor Ariel ang nanay ni Sir Peir. Dahil mahirap lang ang nanay ni Sir Peir ay sa iba ipinakasal si Mayor Ariel at iyon ang nanay ni Sir Axcel," kwento pa ni Klare. "Sa Aklan lumaki si Sir Peir at napunta lang rito ng tumakbong mayor ang daddy niya at n'ong mamatay na ang matandang Licauco. Ayaw daw kasi ng mga ito kay Sir Peir."
Hindi ko kilala si Peir pero awa ang nararamdaman ko para sa kanya. Bakit ba kasi iba ang tingin ng ibang tao sa mga anak sa labas? Kung tutuusin ay hindi naman nila kasalanan iyon.
"Iyong sinasabi ni Axcel kanina tungkol sa kapatid n'ya. Totoo ba 'yon?" muli ay tanong ko.
"Private ang buhay ni Sir Peir. Noong nandito siya hindi siya masalita pero alam mong mabait at karespe-respeto. Hindi ko alam kung totoo, kasi hindi ko naman siya ganoon ka kilala."
Hindi ko alam kung bakit sunod-sunod na naman ang pagdalaw ng mga bangungot ko sa aking pagtulog. At ngayon ay naroon na ang imahe ng lalaking iyon.
Pakiramdam ko ligtas ako, pakiramdam ko hindi ako masasaktan ng kahit sino kapag kasama ko siya.
Tilaok ng manok ang nagpamulat sa akin ng umagang iyon. Bumangon na ako at nagligpit ng higaan ko. Narinig ko pa ang pagsirit ng takure sa ibaba. Gising na rin si mama.
"Maupo ka na at ipagtitimpla kita ng kape, anak," ani mama ng pumasok ako sa kusina.
Naupo ako at hinintay ang kape ko. "Salamat po," sabi ko matapos ilapag ni mama ang tasa ng kape sa aking harapan. "Nagbukas na po kayo?"
"Oo, naroon na si Wena at wala pa namang gaanong tao." Naupo na ito sa tapat ko. "Anak, may dinaramdam ka ba?" seryosong tanong ni mama.
"Wala naman po."
"Nitong mga nakaraang araw kasi ang tahimik mo."
"Dinadalaw na naman po kasi ako ng bangungot ko," matamlay na sagot ko "Ma, may boyfriend ba 'ko?" nalilitong tanong ko.
"Boyfriend?" Bahagyang natawa si mama. "Wala kang boyfriend. At kung meron man hindi ko siya ililihim sa iyo. Bakit mo naitanong?"
"Sa tuwing nananaginip po ako ng masama, may isang lalaking sumasagip sa akin sa panaginip ko," kwento ko. "Nitong nakaraan ko lang po napanaginipan ang lalaking 'yon. Magaan ang loob ko sa kanya at naroon ang pakiramdam na ligtas ako."
"Anak, hindi lahat ng panaginip ay totoo. Sabi naman ng doctor mo na baka trauma ang dahilan ng mga panaginip mo di 'ba."
Tama si mama, ilang taon na mula ng magising ako at ang mga kinatatakutan ko ay hindi naman nangyayari. Lahat ay puro sa panaginip ko lang.
At kung may boyfriend man ako imposibleng hindi siya magpakita at magpakilala sa akin.
Kasalukuyan kaming nagliligpit ng mga kinainan ng mga estudyante nang dumating ang ilang kotse at pumarada sa gilid.
Unang bumaba si Axcel kasama niya sa sasakyan sina David at Jolo na nakilala ko noong isang linggo lang.
"Ang aga ng ulam, teh!" bulong ni Klare.
"Oo nga!" sagot naman ni Wena.
Dinala ko na sa kusina ang mga maruruming pinggan at tutulong sana ako sa paghuhugas ng itaboy ako ni Natty ang kinuhang taga hugas ni mama. Nakita rin pala ni Natty ang pagdating ni Axcel kaya itinaboy na niya ako.
Nakaupo na sina Axcel sa dalawang lamesang pinagdikit. May ilan pang lalaki roon at babaeng naka pares sa iba pa. Halatang anak mayaman ang mga ito. Sana lang ay pasok sa panlasa ng mga ito ang pagkain namin.
Pare-pareho kaming nakahinga ng maluwag ng makaalis ang mga ito. Nagpasalamat pa nga sila dahil sa sarap daw ng luto namin.
"Akala ko talaga mag iinarte 'yong mga babaeng rich!" komento ni Wena habang nagliligpit kami ng lamesa nila.
"Mukha namang mababait," sagot ko.
"Akala mo lang 'yon, Laira! Ang dinig ko may ipinahiya raw 'yang mga 'yan noong nakaraan sa bayan," bulong ni Wena sa akin.
"Narinig ko 'yon," si Klare. "Ang aarte pa nga raw sabi ng isang kaibigan ko. Para tiningnan lang 'yong boyfie akala aagawin na agad 'di hamak namang maganda iyong inaway," kwento rin ni Klare.
Dumating ang tanghalian at busy na ulit kami dahil sa dami ng kumakain. "Wala na po ba kayong idadagdag, kuya?" tanong ko matapos kunin ang order nila ng kasamang babae.
Gusto ko na ngang mainis dahil ang tagal nilang sumagot kanina pa. Panay kasing landian akala mo nasa sariling bahay at akala mo mga teenager.
"Mga walang hiya kayo!"
Patalikod na ako ng muntik na akong masubsob ng itulak ng babaeng biglang sumugod sa dalawang naglalampungan. Mabuti na lang at nasalo ako ng isang customer dahil kung hindi ay nasubsob na ako sa sahig.
"Aray! Aray! Bitawan mo 'ko!"
"Hayop ka! Malandi ka! Ang kati-kati mo!"
Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa nakikitang eksena sa harapan ko. Para bang nasa loob ako ng aking panaginip. Bawat sampal at sabunot ng babae sa isa pang babae ay nararamdaman ko. Feeling ko, ako iyong babaeng sinasaktan.
"Mang aagaw ka ng asawa! Ang kapal ng mukha mo!"
Nagsisigawan ang mga tao dahil natumba iyong nang agaw ng asawa. Sinakyan ito ng tunay na asawa at sunod-sunod na sinampal.
"Tulungan mo ako, Ricky! Ricky! umiiyak na pagmamakaawa ng babaeng nang agaw.
Napaiyak na lang ako dahil ganoong-ganoon sa panaginip ko. Humihingi ako ng tulong sa lalaking nakatayo pero kagaya ng Ricky'ng ito ay nakatayo lang rin at wala man lang ginagawa.
"Tama na! Tama na!" umiiyak na sigaw ko.
Umiyak ako nang umiyak hanggang sa unti-unti akong tumahan. May tao kasing yumakap sa akin at inalis ako malapit sa mga babaeng nag aaway.
"Thank you, sir," narinig kong sabi ni Klare sa kung sino. "Laira, tubig oh!" ani Klare pa.
Si Axcel na ang kumuha ng bottled water at binuksan iyon bago ilagay sa kamay ko. Kahit nanginginig ang kamay ay kinuha ko iyon at uminom upang mawala ang bara sa lalamunan ko.
Hinanap ng aking mga mata si mama at naroon na siya sa harap ng mga babaeng kanina lang ay nag aaway. Hawak ang mga ito ng tauhan ni Axcel.
Kahit mukhang kalmado si mama ay alam kong galit ito. Hindi lang kasi naabala ang ibang customers namin kundi nakasira pa sila ng ilang gamit namin.
"Are you, okay?" tanong ni Axcel at hinawakan pa ang aking braso.
Sa gulat ko ay agad kong nahila ang braso kong hawak niya. Maging siya ay nagulat sa naging reaksyon ko. "S-sorry," hingi ko ng tawad. "Okay lang ako," nahihiyang sagot ko.
Magsasalita pa sana siya ng tumunog ang cellphone niya na nasa ibabaw lang ng lamesa.. "Yes, dad," sagot niya agad. "Yeah! Yeah! I'll be there in a minute. Okay, bye," anito pa saka tumayo.
Tinawag niya ang isa sa mga tao niya at binilinan na kung gusto raw naming magsampa ng reklamo ay pasamahan kami sa kanila. Pinabilang rin niya ang mga halaga ng nasirang gamit at pababayaran na lang daw iyon sa mga nanggulo.
"Babalik na lang ulit ako. Kailangan kasi ako sa munisipyo," paalam pa nito sa akin.
Bahagya lang akong tumango at itinuon na ang atensyon sa inumin. Kung tutuusin ay hindi naman na nito kailangan na magpaalam pa sa akin.
"Anong nangyari sa 'yo, 'te?" tanong ni Klare ng umalis na si Axcel. "Ang harsh mo pa kay suitor! Kino-comfort ka na nga eh!"
"Nabigla lang ako."
"Okay, pero bakit umiyak ka kanina? Ano bang nangyari sa 'yo at parang ikaw ang sinaktan?" usisa pa nito.
Natahimik ako dahil hindi ko naman alam ang isasagot. Maging ako rin naman ay nabigla sa mga nangyari.
Sumagi rin sa isip ko ang lalaking yumayakap sa akin sa panaginip ko. Niyakap ako ni Axcel kanina ng alisin niya ako sa harap ng mga babaeng nag aaway. Pero, hindi ko man lang naramdaman ang nararamdaman ko sa tuwing yakap ako ng lalaking iyon sa aking panaginip.