CHAPTER 2

2795 Words
"Umuwi na tayo," yaya ko kina Klare at Wena nang makalabas kami ng simbahan. Linggo ngayon at rest day namin sa tindahan. Nakagawian na namin na tuwing linggo ay magsimba. Minsan kasama namin si mama pero madalas talaga ay kaming tatlo lang. "Ipapasyal ka namin," si Wena. "Saan naman tayo pupunta?" tanong ko habang nakasunod sa kanila. "Saka, wala ba kayong mga lakad kasama ng mga kaibigan n'yo?" "Friends ka rin naman namin 'no!" Baling ni Wena sa akin. "Pasyal tayo sa mall para makalabas ka naman," dagdag pa nito. "Yeah, Wena is right. Puro bahay at tindahan ka na lang kasi, eh. Mag-enjoy ka naman paminsan-minsan," si Klare pa. "Wala naman akong gagawin dito sa labas. At may mga sarili naman kayong lakad. Kayong dalawa lang naman ang mga kaibigan at kilala ko," sagot ko. "Hindi na ako sumama sa lakad ng friends ko just for you," sabi ni Klare na humilig sa balikat ko. "Ako rin cancel. Hindi naman pwedeng kayo lang magba-bonding," ani Wena na kumapit pa sa aking braso. Na-touch naman ako bigla sa dalawang ito. Napangiti ako sa kanila at ini angkla na ang aking mga braso ko sa braso nila. "Tara na!" excited kong sabi. "Let's go!" natatawang saad rin nila at naglakad na kami paalis ng simbahan. Naisip ko rin bigla kung may kaibigan ba ako sa Maynila? Pero agad nasagot ang katanungang iyon sa isip ko dahil simula nga pala ng magising ako ay si mama lang ang nagisnan ko. Walang ibang tao, walang kaibigan. Hindi katulad sa Maynila ang mall dito sa probinsya. At dahil nga siguro nag iisa at narito naman lahat ay dinarayo rin ng marami. May grocery store, drug store at kung ano-ano pang stall na nakatayo sa loob ng mall. Araw rin ng linggo kaya siksikan ang mga tao. Napalinga ako sa paligid dahil parang may kakaiba akong nararamdaman. Kanina pa sa simbahan ay para bang may nakamasid sa akin. Ngunit normal lang naman ang nakikita ko. Magbabarkada o hindi naman kaya ay pamilyang paroo’t parito ang natatanaw ko. "Grabe! Ang mahal naman!" bulalas ni Klare sabay bitaw ng jeans. Napalingon ako kay Klare. Lumapit ako sa kanya at binalewala ang pakiramdam na iyon. "Kanina pa tayo nag iikot. May maganda nga sobrang mahal naman! May mura nga pangit naman!" reklamo pa nito. "Nakita ko kagabi sa post ng isang friend ko may bagong ukayan sa may palengke. Doon na lang kaya tayo? Mga branded din daw doon," balita ni Wena na binitawan rin ang hawak na blouse. "Sige! Sige! Gusto ko 'yan!" Klare said with matching claps her hands pa. Tahimik lang akong sumunod sa dalawa. Ngunit panay rin ang pagmamasid ko sa aking paligid. Naroon na naman kasi ang kakaibang pakiramdam na tila ba may mga matang nakasunod sa akin. Pumunta nga kami sa ukay-ukay store na sinasabi ni Wena. Tuwang-tuwa ang pinsan ko dahil mura at magaganda nga ang mga paninda roon. May pagka fasionista kasi talaga itong pinsan ko. Lahat ng magustuhan ay hindi niya pinapalagpas. Sunod rin naman ito sa layaw dahil bukod sa bunso ay nag iisa ring anak na babae. Kahit gumastos man ito ng gumastos ay ayos lang dahil maluwag naman sila sa pera. Na ayon nga kay Tita Donita ay kahit hindi na ito magtrabaho ay hindi ito maghihirap. "Laira, pumili ka na ng gusto mo. Akong bahala sa 'yo," untag ni Klare sa akin at kinindatan pa ako. Tinanguan ko lang siya pero wala akong balak na mamili. Maayos pa naman ang mga damit ko. Abala na si Klare sa pagtingin tingin ng mga jeans kaya inabala ko na rin ang aking sarili sa pag iikot. Pupunta sana ako sa side ng mga blouse pero agad akong umurong ng makita ang mga kaibigan ni Axcel doon. Luminga-linga pa ako sa paligid baka bigla itong sumulpot pero wala. Para maka iwas ay sa kaliwa naman ako nagpunta. "Bagay sa ‘yo ‘yan." Agad akong napalingon sa gilid ko ng may magsalita. May ngiti sa kanyang labi habang nakatuon ang tingin sa mga naka-hanger na pajama. Isa-isang pinapasadahan ng kanyang mga daliri ang mga tela noon. Napasulyap ako sa kabilang gilid ng lalaki dahil baka may kasama ito pero wala. "Ikaw ang kausap ko," sabi ulit nito. "A-ako?" nagtatakang tanong ko. "You must be Laira De Jeron, right?" tanong nitong nakapamulsa nang humarap sa akin. “Kilala mo ako?” Isa rin ba siya sa mga kaibigan ni Axcel kaya niya ako kilala? Agad kong nahigit ang aking paghinga ng magtama ang aming mga mata. Kakaiba ang mga titig nito sa akin. Pero agad ring napalitan iyon ng malambot na tingin ng mapagtanto sigurong nakatitig rin ako sa kanya. Napalunok ako dahil sa marahas na tambol ng dibdib ko. May kung ano sa lalaking ito na nagpapanginig sa aking pagkatao. "Ayos ka lang?" tanong nito sa akin. Nakangisi ito at parang taliwas sa concerned nitong tono ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Galit ba ang nakita kong iyon? Humakbang ako paatras nang tangka niya akong hahawakan. Luminga ako sa paligid para maghanap ng pwedeng lusutan. Hinanap rin ng mga mata ko sina Wena at Klare pero wala sila. Hindi ko sila makita. "Are you scared of me?" Nanayo ang aking mga balahibo dahil sa boses nito. "P-pasensya na. Hindi kita kilala!" Nautal pa ako ng bahagya. Nang makakita ng daan ay agad akong nagtungo roon. "I know you! Kilala mo 'ko-" Nakuryente ako sa hawak niya sa aking braso kaya marahas ko iyong binawi. "Ngayon lang kita nakita! Hindi kita kilala!" "Niks-" Muli niyang hinawakan ang braso ko. May dalawang babaeng dumaan kaya agad kong binawi ang braso ko at mabilis na umalis doon. Napahinto ako at humugot nang malalim na paghinga. Para akong tumakbo ng milya-milya samantalang nakatayo lang naman ako roon kanina. "Laira!" Napakislot pa ako ng bigla akong hawakan ni Wena sa braso. "Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba nagsuot?" "D'yan lang. Nalibang kasi ako sa mga damit," pagsisinungaling ko. "Tara na, meryenda muna tayo bago umuwi," aniya sabay akay na sa akin. "Nasa labas na si Klare at hinihintay na tayo," dagdag pa niya. Hindi ko alam kung bakit? O, baka dahil nararamdaman ko lang na may nakatingin kaya napalingon ako sa aking likod na sana ay hindi ko na lang ginawa. Nasa isang sulok ang lalaking kumausap sa akin kani-kanina lang at nang magtama ang aming tingin ay ngumiti na naman siya sa akin. Agad akong umiwas ng tingin at tuluyan nang nagpatangay sa paghila ni Wena sa akin palayo sa lugar na iyon. "Thank you po sa masarap na hapunan, Tita Danna," pasasalamat ni Wena kay mama. "Uuwi na po ako nag-text na po kasi si mama ko.” "Ang tahimik mo," puna ni Klare sa akin. Naupo kami dito sa labas pagkatapos ihatid si Wena sa tarangkahan. "Hindi ka pa naman ba nasanay sa akin?" naiiling kong tugon. "Tahimik ka, oo. Pero kanina pa sa ukayan super tahimik mo na. May problema ka ba?" usisa pa niya. "Pagod lang siguro. First time kong gumala ng matagal sa labas, eh." "Hayaan mo sa susunod, ipapasyal ka pa namin para masanay ka." Bumalik bigla ang sigla nito. "S'ya nga pala. May binili akong blouse para sa 'yo kanina. Suotin mo 'yon kasi pareho tayo ni Wena no'n," litanya pa ni Klare. Maya maya lang rin ay tumawag na si Tita Donita at sinabing parating na si Kuya Kerl para sunduin siya. Bumaba lang rin saglit si Kuya Kerl nang dumating para magmano kay mama sa loob at tumulak na rin paalis. Nang umandar ang motorsiklo ni kuya ay isinara ko na ang kawayang gate namin. Pipihit na sana ako papasok ng bahay nang mahagip ng tingin ko ang isang bulto ng tao sa gilid ng punong macopa sa kabilang panig ng kalsada. Dahil sa liwanag ng buwan ay agad ko siyang namukhaan. Siya iyong lalaki kanina. Agad kong hinila pabukas ang gate at tatawid na sana sa kabilang kalsada ngunit agad umalis ang lalaki. Nasundan ko na lang ito ng tingin ng walang lingon-lingon itong naglalakad palayo. “Sino ka ba talaga? Bakit Kilala mo ako?” usal ko. "Laira, bakit nariyan ka pa sa labas?" tawag ni mama sa akin. "Papasok na po!" sagot ko, saka ako nagmamadaling pumasok at isinara ang gate. Agad rin akong nagsisi sa aking ginawang aksyon kanina. Paano pala kung masamang tao ang lalaking iyon? Baka kung ano pa ang ginawa nito sa akin kung tuluyan akong nakalapit sa kanya kanina. "Ma, may kaibigan po ba ako sa Maynila na taga rito sa atin?" tanong ko ng tabihan si mama sa lamesa. "Dito sa atin?" Kunot noo niyang tanong at itinigil saglit ang pagsusulat sa maliit niyang notebook. "Opo." "Laking Maynila ka, anak. Kung may kaibigan ka man na taga rito baka siguro. Bakit mo naman naitanong?" "Wala naman po. Curious lang po ako, kasi sina Wena at Klare may mga sinasamahang kaibigan. Ako po hindi ko alam kung may kaibigan ba?" tugon ko naman. Natigilan saglit si mama ngunit agad ring ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. “Kanina po kasi sa bayan may lumapit na lalaki sa akin.” Muling natigilan si mama at ngayon ay napatingin na sa akin. “Sinong lalaki?” Nagkibit balikat ako. “Hindi ko po alam. Tinawag n’ya akong Niks,” kwento ko. “Niks…” mahinang sambit ni mama. Tila ba nag iisip. “Saan naman nanggaling ang pangalang iyon?” kunut noong ani mama. “Tungkol naman sa mga kaibigan mo sa Maynila iilan lang sila pero nang ma-coma ka wala na rin akong balita sa kanila. At wala akong natatandaang tumawag sa ‘yo sa ganyang pangalan,” paliwanag ni mama. “Pero-“ "Ang mabuti pa magpahinga ka na. Makakasama sa ‘yo ang mag isip ng sobra,” ani mama sa akin maya maya. May gusto pa akong itanong ngunit mas pinili kong sunduin na lang si mama dahil nararandaman ko na nga ang unti unting pagpintig ng magkabilang sentido ko. "Laira! Laira!" Habol ko ang aking paghinga ng bigla akong bumangon sa pagkakahiga. Mabilis kong kinuha ang baso ng tubig na iniabot ni mama sa akin at agad iyong ininom dahil sa panunuyo ng aking lalamunan. Kung dati ay walang mukha ang lalaki sa panaginip ko, ngayon ay meron na! Habang sinasaktan ako ng babae sa aking panaginip. Kitang-kita ko ang lalaking iyon! Iyon ang lalaking nakita ko kahapon. Hindi ako pwedeng magkamali dahil malinaw na siya sa panaginip ko. Maraming tao ngayon dahil araw ng lunes. Dapat ay busy ang isip ko sa mga customers namin pero kabaliktaran. Lumilipad ang isip ko sa aking panaginip. Curious lang siguro ako sa lalaking iyon kaya pati sa panaginip ko ay naroon siya. Huminto ang tricycle sa gilid ng tindahan namin at nakita kong bumaba mula roon si mama. Agad ko siyang sinalubong upang tulungan sa mga dala-dala niya. Nahinto ako sa tuluyang paglapit sana kay mama ng bumaba ang isang lalaki mula sa driver side. Napanganga ako dahil siya ang lalaki kahapon. Ang lalaking pati sa panaginip ko ay lumilitaw. "Anak, paki kuha naman itong iba." "O-opo!" sagot ko sabay abot ng ilang plastic bag sa kamay ni mama pero nasa estrangherong lalaki pa rin ang mga mata ko. Pumasok na si mama sa loob kaya agad akong sumunod sa kanya. "Tita, where do I put this?" Napataas ang kilay ko sa aking narinig. Englisero! At ano? Tita raw? Kailan pa sila naging magkakilala ni mama? Napatingin pa ako sa kanya dahil malambing ang boses niya habang nagsasalita. Kung susuriin mo para siyang anghel ngayon. Pero hindi kagaya ng mga anghel, takot ang hatid niya sa akin na parang demonyo. "Dito na lang, iho. Salamat," nakangiting tugon naman ni mama. "Ay! Wow! May bisita ka pala, tita," puna ni Wena ng makalabas mula sa kusina. Inilapag lang nito ang order ng dalawang estudyanteng nag-cutting siguro dahil nine palang ng umaga pero nasa labas na ng eskwela. "S'ya nga pala, ito si Wena kasama namin dito. Ito naman ang pamangkin ko si Klare na tumutulong rin sa amin. Saka- Laira, halika." Pinaypay ako ni mama. "Ito si Laira, anak ko. Mga anak, si Andrie nga pala. S’ya ang tumulong sa akin kanina sa palengke," pahayag ni mama. "Hi! Laira," bati niya sa akin habang may ngiti sa mga labi. "Hi, girls!" Baling niya sa dalawa. "Hello!" kinikilig naman na sagot ng dalawa. Sinulyapan akong muli ni Andrie at kitang kita ko ang apoy ng galit sa kanyang mga mata. Agad rin namang nawala ng mapansin niyang nakatitig ako sa kanya. Bakit ba parang may kakaiba sa lalaking ito? May galit ba siya sa akin at ganoon na lang kung makatingin? May customers na pumasok kaya agad akong lumapit. Habang kumukuha ng orders ay ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin. Alam kong siya iyon. Sa dami ng tutulong kay mama bakit siya pa talaga? Mabilis naman ang oras noong mga nakaraan ngunit bakit ngayon ay tila kay bagal? O, sadyang hindi lang ako komportable sa presensya ng lalaking hanggang ngayon ay narito pa rin sa aming tindahan. Lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin. Sasalubungin niya ang tingin ko saka ako ngingitian na akala mo ay close kami. Ayos na sana ang araw ko dahil narinig ko kay Klare na lumuwas na pabalik ng Maynila si Axcel. Pero heto at may kapalit agad. "Sabi ng matatanda at mga negosyante. Malas daw sa negosyo kapag nakasimangot." Hindi ako sumagot at hindi rin ako lumingon. Pinagpatuloy ko lang ang pagliligpit. May dala siyang tray at inilapag iyon sa lamesa. Hinila ko iyon malapit sa akin para mailagay ko ang mga maruruming pinagkainan. "Don't be scared of me. I wont bite you," natatawang saad pa niya. Hindi ako umimik ni tumawa dahil hindi naman nakakatawa. Bubuhatin ko na sana ang tray ng pumatong sa kamay ko ang kanyang mga palad. Agad kong nahila ang mga kamay ko. Mabuti na lang at hindi ko pa tuluyang nabuhat ang tray kung hindi ay nabasag na siguro iyon lahat. "Alam mo naman kung nasaan ang lababo. Paki dala na lang doon. Salamat," ani ko at saka ko siya iniwan roon. Hindi talaga ako komportable sa presensya n’ya. May kung ano sa loob ko na nagsasabing layuan ko ang lalaking ‘to. "Ang ganda naman n'yan!" ani Klare nang makita ang iginuguhit ko. "Wala pa nga itong kulay, eh, " nakangiting tugon ko, habang tutok pa rin sa pagguhit. Naupo siya sa katabing upuan ko at nakapangalumbabang tumunghay sa aking ginagawa. "Kahit wala pang kulay, unang tingin pa lang maganda na. May talent ka pala sa pagdo-drawing." Ngumiti lang ako sa kanya at itinuloy ang aking ginagawa. Muling sumilay ang ngiti sa labi ko ng matapos ko na iyon. "May kukunin lang ako sa kwarto, " paalam ko sa kanya. Kinuha ko sa drawer ang color pencil na binili ko kanina kasama ng sketch pad. Nakangiti pa ako habang nakatingin sa pangkulay habang haplos ang kahon niyon. Kahit ako man ay hindi makapaniwalang marunong akong mag-drawing. Basta nang mahawakan ko na kanina ang lapis ay kusa na lang gumalaw ang aking kamay. At habang nagdo-drawing ako kanina ay kakaiba ang aking sayang nararamdaman. Para bang bihasang-bihasa ako sa aking ginagawa. Habang nagkukulay ay nakaabang lang si Klare sa akin. Nang matapos ako ay agad niyang kinuha ang sketch pad ko. "Ang ganda, Laira!" humahangang ani Klare pa. "Parang totoong-totoo ang dagat!" Napasulyap ako sa iginuhit ko. Napapangiti pa ako habang sinisinop ang mga pangkulay na nagkalat sa mesang kawayan namin. Hindi talaga ako makapaniwalang kaya kong gumawa ng ganoon kagandang tanawin. "Teka! Ito ba 'yong tabing dagat na malapit dito sa atin?" tanong ni Klare na hindi pa rin maalis alis ang tingin sa sketch pad kong kanyang hawak. "Parang, " sagot ko. Pero hindi rin naman sigurado. "Sana talaga ganito ka ganda ang dagat natin dito 'no!" "Maganda naman ang tabing dagat dito sa atin, ah!" "Mas maganda pa rin itong gawa mo! Ang ganda talaga! Promise!" "Magkaiba naman talaga ang mga bagay bagay. Sa drawing pwede mong gawin ang imposible," ani ko. "Sabagay," tugon niyang pinakatitigan muli ang tanawin. "Next time, pwede bang ako naman ang i-drawing mo?" "Pwede naman." "Promise 'yan, ha!" Natatawang paniniguro niya sa akin. Nakaalis na at lahat si Klare ay nakatitig pa rin ako sa sketch pad na nasa harapan ko. Maganda naman talaga ang tabing dagat dito sa lugar namin. Pero tama si Klare, malayo ang iginuhit kong ito sa actual na imahe ng tabing dagat dito. Basta na lang kasing pumasok iyon sa isipan ko kanina. At habang sinisimulan ko iyong iguhit ay may kung ano sa kaloob-looban ko na nagsasabing napuntahan ko na ang lugar na iyon. Kaya madali nalang para sa akin na iguhit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD