CHAPTER 4

2165 Words
Napabuntong hininga ako ng mapansin ang aking sariling mag isang nakangiti habang nakatitig sa kawalan at ini-imagine ang maganda at kalmadong dagat. Iniligpit ko ang aking mga gamit at inilagay sa canvas bag na nabili ko rin sa bayan. Nagpasya akong lumabas para maglakad lakad. Gusto kong pumunta sa dalampasigan at lumanghap ng sariwang hangin. Malapit lang ang dagat dito sa bahay kaya saglit lang ay nakarating na ako. Napangiti ako ng humampas sa aking paa ang maliit na alon. Napahinto ako saglit ng mag-flash sa aking isipan ang ganitong scenario. Hawak ko ang pares ng aking tsinelas at nakangiti habang humahampas sa aking mga paa ang maliliit na alon. “Parang nangyari na ‘to dati,” bulong ko. Muli akong bumuntong hininga. Minsan nga ay sumasagi sa isip ko na magpatingin na ulit sa doktor. Pero nagdadalawang isip ako dahil gastos na naman iyong malinaw. Natatakot rin ako sa magiging resulta. At may parte sa aking puso na para bang hindi ako handa sa mga malalaman at matutuklasan ko sa mga parte ng alaalang nawawala sa akin. Ayaw ko na ring maulit ang nangyari noong huling check up ko sa Maynila. Pinilit kasi ng isang doktor na ipaalala sa akin ang lahat ng laman ng mga panaginip ko. Kaya pagkatapos ng test na iyon ay para akong nawala sa aking sarili at nagwala ako sabi ni mama. Gusto rin akong pansamantalang ipasok ng doktor sa isang mental facilities dahil doon. Hindi naman ako baliw! Alam ko kung ano ang ginagawa ko. Matino rin ang pag iisip ko. Kaya simula noon ay hindi na ulit ako bumalik sa hospital na iyon kahit ano pang pilit ni mama sa akin. Napatingin ako sa relong nasa aking bisig. Alas kwatro pa lang ng hapon. Maaga pa para magluto ng hapunan. Mamaya pa ang dating ni mama galing sa kabilang baranggay dahil isinama siya ni Tita Donita para dumalaw sa tiyahin nilang may sakit. Nakakita ako ng malilim na puno kaya nagtungo ako roon. Naupo ako sa ugat at inilabas ang dala kong sketch pad. Tinanaw kong muli ang lawak ng dagat. Biglang lumitaw ang imahe ng lalaking savior ko sa aking panaginip. O, mas tamang sabihing mga bangungot. Kusang gumalaw ang aking kamay at nagsimulang iguhit ang imahe ng lalaking iyon. Kahit na hindi ko nakikita ang mukha ng lalaking iyon sa panaginip ko ay kabisado ko naman ang kanyang bulto. Napatitig pa ako ng matagal sa likod ng lalaking iginuhit ko. Hindi iyon katulad ng katawan ni Axcel o kahit ni Andrie. At malakas ang pakiramdam ko na hindi isa sa kanila ang lalaking nasa panaginip ko. Tungkol naman kay Andrie, simula ng tulungan niya si mama noong nakaraan ay palagi na siyang pumupunta sa maliit naming kainan. Palagi siyang tumutulong sa mga gawain at hindi tumatanggap ng bayad mula kay mama. Masaya daw siya sa kanyang ginagawa at masaya siyang makatulong kahit sa maliit na paraan lang. Sabi kasi ni mama ay muntik na siyang madukutan sa palengke at nagkataon na nandoon si Andrie at nagmagandang loob na tulungan si mama. Naibalik rin ang wallet ni mama kaya abot abot talaga ang pasasalamat nito. Maganda rin naman ang ipinapakita niya sa amin at nasasanay na rin ako na nasa paligid lang siya. "I know you! Kilala mo 'ko-" "Niks-" Iyon ang mga salitang paulit-ulit na nagri-replay sa utak ko, na nasagot rin naman ng minsang maglakas loob ako na tanungin siya kung kilala ba talaga niya ako. "That was a mistake, Laira. And I am sorry about those words that I've said. And for my wrong gestures toward you. Sorry talaga." "Akala ko kasi kilala mo ako." "Hindi, " malungkot na sagot niya. "Sorry kung natakot kita. Kamukha mo kasi ang ex-girlfriend ko. Hindi kasi naging maganda ang break up naming dalawa, eh." “Kaya pati sa ‘akin na kahawig n’ya nagagalit ka?” natawa pa ako ng bahagya. “Sorry talaga.” Kakamot kamot sa ulong hingi muli niya ng tawad. “Hindi ko ini-expect na makakakita ako ng kahawig n’ya dito sa province. Honestly, nagpunta talaga ako dito sa probinsya para makalimot. Sobrang sakit kasi talaga, eh.” "Mahal na mahal mo siguro kaya hindi mo makalimutan,” wika ko. "Oo. Sobra!” aniyang napabuntong hininga pa. "Pero siguro, gano'n talaga. Hindi nakatadhanang maging kami." Mapait pa siyang ngumiti. Simula ng makapag usap kami ay naging panatag na ang kalooban ko kahit paano. Ngunit kahit magkaganoon pa man ay nasa puso ko pa rin ang kakaibang pakiramdam na dapat ay hindi ko siya lubusang pagkatiwalaan. Habang lumalakad ang mga araw ay unti-unti na rin akong nasasanay sa prisensya ni Andrie. Kagaya sa kung paano ako nasanay kay Axcel. Wala rin naman akong dapat ipangamba dahil mabait sila sa lahat. Nasasanay na rin akong kausapin si Andrie na hindi naiilang. Mabait ito hindi lang sa amin dito sa kainan kundi sa ibang tao rin na nakakasalamuha niya. "Ako na d'yan, " aniyang inagaw sa akin ang basahan at tray. "May parating na costumers, ikaw na lang ang mag-assisst." Tumango na lang ako at nilapitan ang mga bagong pasok para kunin ang mga orders nila. Napatingin pa ako kay Klare at napakunot ang noo ko nang makita kong nakasimangot itong inalis ang tingin sa akin. Hindi ako sigurado pero parang nagseselos siya hindi lang sa akin kundi pati na rin kay Wena na malapit rin kay Andrie. Ilang beses ko na rin iyong napapansin at ipinagsasawalang bahala ko lang. At kung may gusto man siya kay Andrie ay ayos lang naman iyon sa akin. Pareho naman silang single at gwapo't maganda. “Mag ingat kayo sa byahe, ha,” Habilin ni mama kina Tita Donita nang ihatid niya ang mga ito palabas. “Ikaw na muna ang bahala kay Klare. Ilang araw rin kaming mawawala,” ani tita kay mama. “Ako na ang bahala sa dalaga n’yo. Kerl, congratulations, anak.” Niyakap pa ni mama si Kuya Kerl. “Thank you po, tita.” Bukas nq kasi ang pamamanhikan nila sa bahay ng nobya nitong taga Maynila. Buntis na rin ang nobya ni Kuya Kerl at gusto ng mga magulang ng babae na bago lumaki ang tiyan nito ay maikasal na agad sila. Hindi sumama si Klare sa kanyang pamilya sa pagluwas. May lakad daw kasi siya at ayaw raw niya ng mahabang byahe kaya nagpaiwan. Wala rin siyang kasama sa bahay nila kaya inihabilin siya ni Tita Donita dito sa amin. “Laira,” tawag ni Klare sa akin habang sinusuklay ang kanyang mahabang buhok at naupo sa tabi ko. Bahagya ko siyang nilingon. "Ano 'yon?" Pumihit pa ako ng patagilid para makita ko siya ng mabuti. Nanahimik siya sandali at huminga ng malalim. "Nagka-boyfriend ka na ba?" tanong niya sa akin. Tumayo siya para itabi ang suklay at humiga sa aking tabi. Ako naman ang natahimik ngayon. Tumihaya ako ulit at tumingin rin sa puting puting kisame ng aking kwarto. "Ano? Tatahimik ka na lang ba d'yan?" untag ni Klare sa akin. "Hindi ko alam, eh," seryosong sagot ko. "Hindi mo alam?" kunut noong ani Klare pa. “Paanong hindi mo alam?” Curiousity hits her. Bumangon ako at sumandal sa head board ng aking kama. "Ang sabi ni mama, wala akong naging boyfriend." "Teka lang! Naguguluhan ako," sabi pa nitong bumangon na rin sa pagkakahiga at tumabi sa akin habang yakap ang isang unan. "Hindi ko alam kung nagkaroon na ba ako ng boyfriend kasi wala naman akong maalala sa nakaraan ko." "Ano'ng ibig mong sabihin? May amnesia ka?" "Oo. Naaksidente kasi ako matagal na. At hanggang ngayon ay wala pa rin akong maalala kahit na ano, " kwento ko pa. "Ang sabi ng doctor babalik rin daw iyon. Pero hindi siya sigurado kung kailan at paano." "Akala ko sa mga palabas lang nangyayari ang mga amni-amnesia na 'yan, totoo pala at nangyayari sa tunay na buhay," naiiling na ani Klare na hindi makapaniwala. "Ano'ng sabi ni tita?" "Ang sabi n'ya 'wag ko raw pilitin ang sarili ko dahil babalik din daw ang mga alaala ko," tugon ko. "Saka minsan ko na ring naitanong kay mama kung may boyfriend ba ako-" "Ano daw?" hindi na makapaghintay na tanong niya. "Wala. At kung meron man sasabihin naman raw niya iyon sa akin." "Paano kung meron!?" "Imposible!" Napailing pa ako. "Halimbawa nga lang," ani Klare pa. "Paano kung may boyfriend ka nga?" "Kung meron man, sana nagpakita na s'ya sa akin 'di ba? Sana hinanap n'ya ako ng maaksidente ako. Sana nakita ko s'yang nasa tabi ko nang magising ako. Pero wala, kaya naniniwala ako kay mama na wala akong boyfriend," pahayag ko pa. "Okay," kibit balikat na tugon niya. “Kasi alam mo sa ganda mong ‘yan imposibleng wala ring nagkagusto sa ‘yo. Kahit kaibigan ba wala ka?” “Meron naman daw sabi ni mama. Pero simula ng maaksidente ako at ma-coma unti unti na rin silang nawala. Saka hindi naman titigil ang mundo nila para sa akin. May buhay rin naman silang dapat ipagpatuloy,” saad ko. “Kahit na. Friends are still friends. Kung ako ‘yon, I won’t abandoned you just like that,” pahayag niya. "Ako naman ang magtatanong sa 'yo. Pwede ba?" "About?" "May gusto ka ba kay Andrie?" Natigilan siyang bigla. Agad ring namula ang kanyang mga pisngi. Totoo nga ang kutob ko. Gusto niya si Andrie. "Gusto mo s'ya ano?" tanong ko ulit. Nakayuko pa rin siya at hindi makatingin sa akin. “Klare, oo o hindi lang,” ani ko. Hinawakan ko pa ang kanyang kamay. "Oo," nahihiyang sagot niya. "Kaya ba lagi kang nakasimangot kapag kinakausap n'ya kami ni Wena dahil nagseselos ka?" nakangiting tanong ko pa. Nakamot niya ang kanyang noo at nahihiyang nag angat ng tingin sa akin. "Sorry." "Wala kang dapat alalahanin dahil wala akong gusto sa kanya, Klare. Hayaan mo, tatanungin ko rin si Wena kung gusto n'ya ba si Andrie," paniniguro ko. "Paano kung si Wena pala, may gusto rin sa kanya?" nakangusong tanong niya. "Kaya nga sisiguruhin muna natin, eh," sabi ko pang bumalik na ulit sa pagkakahiga. "Sa tingin ko naman, parang walang gusto si Wena sa kanya." "Sana lang," mahinang usal niya. "Gano'n mo s'ya ka gusto?" natatawang tanong ko. "Ngayon lang ako nagka gusto ng ganito sa isang lalaki, Laira. Kahit sa mga ex ko hindi ko 'to naramdaman. Kay Andrie lang talaga." "Kapag nasiguro natin na wala ngang gusto si Wena kay Andrie. Tutulungan kitang mapalapit pa lalo sa kanya. Ayos ba 'yon?" "Talaga? Gagawin mo 'yon?" hindi makapaniwalang bulalas niya. "Oo naman!" buong kompyansang sagot ko. Gagawin ko iyon para kay Klare dahil para ko na rin siyang kapatid, sila ni Wena. Kahit hindi ako komportable sa prisensya ng mga lalaki sa aking paligid gagawin ko iyon para matulungan ko lang siya. "Thank you!" ani Klare, at sinugod ako ng mahigpit na yakap. Napangiti na rin ako at hinagod ang kanyang likod. Masaya ako na makitang masaya si Klare. Kaya buo na ang loob ko. Tutulungan ko siya sa abot ng aking mamakaya. "Sobrang salamat talaga, Laira, ha, " ani Klare pa nang kumalas sa pagkakayakap sa akin. "Ayaw ko ng may kaagaw, Laira. Ako 'yong tipo ng tao na kapag akin, akin lang! At hindi ako papayag na may kahati!" "Malay mo naman gusto ka rin ni Andrie," ani ko habang haplos ang buhok niya. "Eh, 'di maganda!" natatawang tugon niya. "Handa akong makipagpatayan para lang makuha kung ano ang akin." Natigilan ako sa aking narinig mula kay Klare. Para bang pamilyar ang mga salitang iyon. Parang may nagsabi na noon sa akin dati. “Oh! Bakit tulala ka na d’yan?” “Ah… wala! May naalala lang-“ “Talaga!” Bumangon siya agad at nanlalaki ang mga mata. “Nakaalala ka na?!” “Hindi!” Natatawang iling ko. “Parang pamilyar lang ‘yong sinabi mo.” “Alam mo. Dapat siguro magpatingin ka na ulit sa doktor. Malay mo this time unti unti na palang bumabalik ang mga memories mo ‘di ba.” “Natatakot ako, eh,” pag amin ko. “Natatakot ka sa gastos?” taas kilay niyang sabi. “Hindi lang ‘yon. Parang natatakot ako sa malalaman ko tungkol sa pagkatao ko,” wika ko pa. “Hindi ka naman siguro serial killer or taong maraming pagkakautang para matakot kang makaalala ‘di ba?” seryosong anito sa akin. Napabuntong hininga ako. “Basta! Parang iba kasi ang pakiramdam ko. Feeling ko nga, mas mabuting wala akong maalala kasi tahimik ang buhay ko kasama si mama at kayo.” “Laira, mas mabuting harapin mo ang nakaraan para hindi ka naguguluhan ng ganyan. Saka ‘wag kang panghinaan ng loob nand’yan si tita ‘no! Saka ngayon pa ba na may kaibigan ka ng matatawag? Nandito ako saka si Wena. Tutulungan ka namin hangga’t kaya.” Napayakap na lang ako kay Klare dahil nag uumapaw ang saya sa puso ko. Ganito pala ang pakiramdam ng may kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD