Chapter 1
Melissa's POV
"Inay Julie alis na po ako, maaga po ako ngayon kasi may group study po kami. " Paalam ko kay Inay.
" Mag iingat ka anak huwag kang papagabi!" Sigaw ni Nay Julie sa akin.
Ako si Melissa Fuentes 21 years old graduating sa kursong Business Management sa isang prestigious State University ng bansa.
Ulila na akong lubos at si Inay Julie na lang ang aking tinuturing kong kamag anak.
Habang naglalakad ako palabas ng Village namin biglang may tumigil na pulang kotse sa aking tabi.
"Issang halika sumabay ka na sa akin dalii!" Paanyaya ni Athena sa akin upang sumakay sa kaniyang kotse.
Yan ang pet name niya sa akin 'Issang'
Taga Maynila si Athena Hildalgo or 'Tinang' ito naman ang pet name ko for her. Kasi ang lagay ba naman ba ay siya lang ba ang may pet name sa akin?
Siya ang aking best friend since first year college --- napili niyang mag aral dito sa probinsya dahil sa natuwa daw siya sa tanawin pero ang katotohanan sinundan niya ang ultimate crush niya nung Highschool.
"Saan ba tayong building mag group study ngayon? Hay, baket naman kasi sobrang aga wala pa akong tulog!" Ito ang bungad niya sa akin pag kaupo ko sa passenger seat.
"Sa Kamagong Building tayo ses----mukhang haggard na naman ikaw ah! Gumimik na naman ba kayo nila Kalina?" Napuna ko ang pagod niyang mga mata at nangingitim na eyebags, at pahikab hikab.
Tumango siya ng marahan.
"Ay? Baket di ko alam? Di niyo ako ininvite?" Sarkastikong sabi ko.
"Tarush kang bakla--as if sasama ka gurl!" Tumawa siya ng malakas. "Amoy palang ng alak na lalasing ka na kaya!"
" Ay sobra siya oh! Sasama na ako next time promise, nasa tamang edad na naman tayo kaya kelangan ma experience yan!"
" Sinabi mo yan ha?"
Party girl bestfriend ko na ito. Ewan ba di ako nagmana sa kanya.
" Issang uy! Gising! Psst...gurl." Malakas na pag yugyug ang gumising sa akin.
Napabangon ako mula sa pagkakayuko ko sa arm chair table kung saan nakapatong ang mga braso ko dito na nagsisilbing mga unan ko.
"Anong meron?" Pupungas pungas kong tanong.
"Start na kaya ng klase kanina ka pa pinagtitinginan ng classmates natin oh!" Lumingon lingon ako, at nakitang kong medyo puno na ang aming classroom. Nasa bente kaming naka enroll sa subject na ito at halos andito na silang lahat ng classmates ko.
Napaaga kasi ang tapos ng aming group study kaya tumuloy na kami sa classroom. At dahil maaga pa before start ng class namin naisipan kong umidlip muna. Wala pa naman kasing tao noon pagpasok namin maliban sa amin ni Tinang.
Nag init ang pisngi ko nang mabaling ang mga paningin ko kay Brent na nakatayo malapit sa pintuan na nakatingin din sa akin.
'Sh*t! Nakakhiya!' sambit ko sa sarili ko at sabay iniwas ko agad ang paningin ko sa kanya. Na concious ako bigla dahil mukhang nahuli niyang hinahanap ko siya.
"Gurl ang gwapo talaga ni Brent noh?" Tukso ni Athena at tinapik pa ang braso ko.
Alam ni Athena na crush ko si Brent Dela Torre since nag simula ang summer class namin. Nag cross enroll lang siya dito sa aming campus kasi walang offered daw na subject this summer sa main branch ng aming University sa Manila.
"Yeah right! Ano ka ba Tinang napaka ingay mo!" Pabulong kong sinabi at inismiran ko din siya.
"Hala ka naman! May marka pa ng laway ang pisngi mo! Major turn off!" Sabay malakas na tawa niya.
"Hindi nga ses???" Nataranta akong hinanap ang maliit kong pressed powder sa aking bag. At dali dali kong hinarap ang mukha ko sa salamin nito.
"Biro lang gurl,sarap mo kasi lokohin natataranta ka at mukhang kang ewan." Tulak sa balikat ko habang nakatingin sa salamin.
" Leche ka! Kaibigan ba talaga kita? Biruin mo na lahat wag lang ang bagong gising!" Medyo inis kong sinabi sa kanya.
Nagulat ako nang biglang may nag patong sa table ko ng naka styro cup na may lamang kape. Tumingala ako at ang gwapong mukha ni Brent ang tumambad sa harapan ko
"You looked tired kape ka muna wala pa naman si sir." Sabi niyang may lambing at concern.
"S-salamat." Ngumiti ako na medyo nahihiya.
"Naks special ka kay Brent gurl ah! Sana all may kape!" May pangungutiyang turan ni Athena
Dahil sa kantiyaw ni Athena natarantang ininom ko ang kape ---pero nailuwa ko din ito agad dahil sa sobrang init.
"Bleh! Ang init." Bulalas ko.
Mabilis kong kinuha ang tissue na iniabot ni Athena sa akin at mabilis kong tinakpan ang bibig ko.
"Tsk, ano ka ba Issang ang sabaw mo ngayon." Pang aasar niya sa akin.
Napa luhod naman si Brent sa harapan ko nang makita ang sitwasyon ko.
'0h lupa lamunin mo na ako! Please?' sambit ko sa isip ko.
"Are you alright?" Tanong niya habang hinahagod hagod ang likod ko.
Punong puno ng pag aalala ang mata niyang nakatingin akin.
Ramdam ko ang pag init ng mukha ko and I'm sure mapula na itong parang kamatis dahil sa pagtama namin ng aming mga mata. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
Sa bawat dapo ng kamay niya sa likuran ko ay parang may kuryenteng dumadaloy dito.
"O-okay na ako." na-uutal kong sabi.
I'm okay but actually I'm not dahil sa inakto niya --- hindi ako makapag isip ng maayos. Basta gusto ko lang matigil na ang pag dampi ng kamay niya sa likuran ko at my gosh ito siguro ang ikamamatay ko -- sobrang kakiligan.
Hindi rin nag tagal naging okay na pakiramdam ko for real! At saktong dating naman ang professor namin, si Prof. Gonzalez.
Napatingin ako sa bandang kaliwang upuan na katabi ko dahil doon umupo si Brent.
'Asan na yung naka upo dati dito na si Edward?' pagtataka ko.
Napatitig ako sa kanya na may halong pagtataka, lumingon siya sa akin at hinandugan ako ng isang matamis na ngiti na sobrang nakakatunaw. I love this smile the most!
'Waahh! Baket naman kasi naimbento pa ang smile, nakakainis naman tong lalaking to nakakalaglag panty talaga! Gusto kong kurutin ang mga pisngi niya! ' sigaw ng isip ko.
"Bakit ikaw na nakaupo dyan?" Bulong na tanong ko na may pagka lito.
"Ayaw mo ba?" Sabay ngumiti ulit with kindat pa! Grrr nakakaasar pa fall ang damuhong to talaga!
Wala akong maisagot na matino sa kanya dahil nag blablanko ang isip ko. Kaya itinutok ko na lang ang atensyon ko ke Prof. G. Para hindi rin niya mahalata na nag blublush ko.
"Okay class today I will be assigning you to your corresponding partners. This is regards to your groupings sa special project making niyo as a requirement for your graduation." Eto ang bungad ni Prof G.
Medyo naging maingay ang classroom dahil sa anunsyo ni Prof G. Madami ang naging excited.
"Issang sana mag ka grupo tayo." Napahawak si Tinang sa aking kanang braso at na eexcite din sa groupings na ginawa ni Prof G.
"Ses..ako din." marahang sagot ko.
"Alright I have the lists prepared already and I will pass this around, this listing will be based from your last names they were arranged in alphabetical order."
Kinakabahan ako nang marinig ko 'alphabetical order' sana maging okay ang aking magiging partner kasi for sure di na si Tinang ang magiging partner ko. Malayo na ang Fuentes sa Hidalgo.
Dumating na ang listahan sa aming row at si Brent na ang nakahawak dito. Taimtim niya itong tinignan at nakita ko ang pag ningning ng kanyang mga mata at sumilay ang isang malamyos na mga ngiti habang binabasa ang mga nilalaman nito.. Sobrang gwapo ng lalaking to at swerte ng makaka partner nito.
"Miss Fuentes--" sambit niya at tumingin siya sa akin.
Nahuli niya akong nakatitig sa kanya.
"Huh ano yun?" Gulat kong tugon na parang nagising sa realidad, ang dalas ko na managip ng gising aba! Lalo ngayon na katabi ko lang ang madalas kong mapanaginipan.
"You will be stuck on me until the end of the sem." Taas baba ang mga kilay nito at naka smile pa ang hinayupak habang sinasabi niya ang mga ito.
"Hindi kita magets! Akina yang listahan kung tapos kana please po?" Medyong may pagtataray ang boses ko.
Binigay niya ang listahan sa akin at ...
Group 6
Dela Torre, Brent Trevor P.
Fuentes, Melissa D.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakasulat dito.
Tama ba ito?
What? Stuck on me until the end of the semester?
Baket di nalang forever?