Brent's POV
She looked tired pinagmamasdan ko siya mula sa may pintuan habang nakikipag usap sa isa naming classmate na babae na hindi ko matandaan ang pangalan.
Mukhang walang tulog masyado ang Melissa ko so when I saw her sleeping on her desk I went to a foodstall to buy her coffee. I felt guilty giving her a boiling hot coffee.
Na love at first sight ako sa kanya, first day of classes noon, medyo wala ako sa mood noong araw na yun dahil siguro nag adjust ako sa bagong environment. Wala naman kasi akong balak mag summer pero itong si Mommy mapilit, gustong maka graduate na ako agad.
Para mapa bilis I need to take this particular subject na hindi pa inooffer sa main branch ng University namin. Nag tanong ako sa registrar kung pede saan kunin itong course subject na 'to and they suggested that I need to take it in the Laguna branch kasi dito lang ito inooffer every summer. So meaning dito na rin ko tatapusin ang University days ko until I graduate.
Kelangan ko na din i-take over ang aming companya dahil nahihiirapan na din si Mommy.
Five years na kaming iniwan ni Daddy, he died during his business trip in Thailand. He died in his sleep, he was only fifty years old then! His heart gave way sa sobrang stress sa work.
Yes! He was a workaholic man, our business for decades the DLM Conglomerate was an overwhelming to handle. And si Mommy ang sumalo nang lahat and I was greatful that her bestfriend Tita Isabel and her husband Tito Arman Muñoz were there helping building the empire.
They are based abroad but from time to time nauwi sila nang Pilipinas to handle the empire personally since may rights din naman sila because they are one of the investors and partly owner when their company and ours merged almost two decades ago.
I looked at my wall clock hanging opposite my bed and it says 2:45am mag aalas tres na pala ng umaga at heto ako gising na gising.
"Melissa please patulogin mo na ako please, mahal ko?" Naka ngiti kong sinabi habang naka titig sa kisame.
Nakakabaliw pala talaga ang umibig.
Some people call her campus belle dahil sa natural nitong kagandahan kahit wala siyang make up. Hinirang din siyang Miss Business Administration nung sophomore siya. Simple lang siya manamit during ordinary days pero hindi maitatago ang magandang hubog ng kanyang katawan. Katamtaman ang height niya at fair skin. Her almond eyes were so expressive, her pointy nose and her luscious lips made her face perfect!
At 8:25am pinaharurot ko ang kotse kong Toyota Vios sa campus,in five minutes kasi mag start na ang class ko no time to commute. Hirap ng inlove talaga nakaka puyat.
"Good morning Miss Fuentes." Bati ko sa kanya pagkaupo ko sa tabi niya.
Hindi niya ako napansin dahil tutok na naman sa kanyang binabasa. She loves reading, lagi kasi siyang ganito nakatutok sa libro especially pag vacant. Why do I know? Opps Im no stalker, observant lang ako.
Medyo nagulat siya ng marinig ang bati ko sa kanya,hanep ang ganda niya talaga kahit nagulat sa pag bati ko. Ang mukha niya ay hindi nakakasawang tignan. Someday hindi lang kita babatiin kungdi may kiss ding kasama.
"Hoy! Mister pogi hindi mo ba ako babatiin? Hello... May ibang tao din dito." Bigla ako naibalik sa realidad nang nagsalita ang matalik niyang kaibigan.
'Sino na nga siya ulit? Ah, si Tinang.'
"Good morning din to you Miss Tinang." Bumaling ang tingin ko sa kanya sabay balik ang paningin ko kay Melissa.
"Ay feeling close? Si Melissa lang ang may karapatang tumawag nun sa akin... Athena is my real name by the way" Pataray na sabi nito. May binubulong bulong pa siya pero hindi ko na yun marinig dahil nakatitig na ulit ako sa aking Melissa.
Dahil sa nangyare na yun napangiti ang Mahal ko.
"Goodmorning." Bati niya sa akin at ginawaran niya ako ng matamis na ngiti. At the same time she blushed.
Very timing na nagka emergency ang family ni Edward sa kanilang province sa Samar kaya nag dropout siya. Kaya nabakante ang upuang katabi niya. I took the advantage na dun umupo para mas mapalapit sa kaniya-- my Babygirl.
Isang linggo na naman ang natapos at kelangan na namin i-polish ang nagawa naming business concept ni Melissa. Madami kaming naisip pero nag kasundo kame sa iisang concept which is about a coffee industry sa bansa.
Coffee has been an essential instrument sa aming dalawa dahil dito kami naging maging magka close este magkakilala lang pala muna nang inalok ko siya ng coffee two weeks ago.
It is still summer time but naulan ulan na din kaya naisipan kong sunduin ang aking Babygirl sa kanilang bahay, unannounced syempre para ma surprise siya. Important ang araw na ito, we need to focus today sa aming paper presentation kay Prof.G.
I rang the doorbell and someone came out, a middle aged woman.
"Sino po sila?" Tanong niya sa akin na
"Magandang araw po. Si Brent po ito blockmate po ni Melissa, sunduin ko po siya para sa aming class today." Sagot ko naman.
" Ay napaka gwapong bata naman ire! Hala pa rine ka iho sa loob at baka maambunan ka." Mainit na pagyaya niya sa akin parapumasok.
" Ay sige po."
Pinapasok ako sa loob ng bahay nila Melissa, the house looks very modern and elegant. Makikita na may sinasabi din ang buhay nila. I was quite surprised kasi napaka simple lang ni Melissa and who would have thought na nakaka angat sila sa buhay not that I judge by the way people look. Nasanay lang kasi ako sa mga taga- Manila na mga nakakasalamuha kong mga rich kids na very vocal with their status in life.
Their house is located in an exclusive village in the area at hindi basta basta ang mga nakatira dito.
Dinala ako ng babaeng sumalubong sa akin sa isang pool side sa may veranda nito at pina upo ako sa isang upuan na may katernong solid wood dining set doon.
"Soleng paki dalhan si Mr. Pogi ng meryenda." Narinig kong utos niya at umupo din siya sa opposite ko.
" Ma'am wag na po kayo mag abala at katatapos ko lang pong mag breakfast." Ngunit ang totoo nag kape lang ako.
" Iho okay lang mas maigi ang heavy breakfast---ay siya nga pala ako pala si Julie maari mo din akong tawaging Inay Julie. Yun tawag din sa akin kaibigan ni Melissa ..." Malugod niyang sinabi.
Mukhang may kasungitan siya noong nakita ko siya sa gate ngunit hindi pala.
"Nice meeting po Inay Julie kayo po pala ang mommy ni Melissa."
"Hindi iho, guardian ako ni Melissa, ulilang lubos na siya." Medyo may lungkot sa boses niya.
Na shock ako sa nalaman ko na sure akong napansin ni Inay Julie ang pagkabigla ko.
'What? Mag isa nalang pala sa buhay ang Babygirl ko. ' bulong ko sa sarili
Dahil sa inpormasyong nalaman ko parang mas kelangan ko siya lalong mamahalin at alagaan.
"Hijo habaan mo ang pasensya mo at maya maya pa bababa yun at matagal yun maligo. Ay eto na pala ang pagkain mo."
Kinuha nia ang tray mula sa kanilang kasambahay na si Soleng at nilapag niya ang mga laman nito sa aking harapan: isang clubhouse sandwich na nahati sa apat na piraso at nakalagay ito sa platito kasunod nito ang isang baso ng freshly squeezed mango juice.
"Maraming salamat po dito." Biglang kumalam ang sikmura ko nang makita ang mga ito.
" Naku iho walang anuman, gusto mo din ba ng coffee?"
"Huwag na po tapos na po ako magkape."
"Kumain ka ng mabuti hijo, kung may kelangan ka magsabi ka lang. Iwan muna kita dito ha may aasikasuhin lang ako sa kusina."
Gusto ko pa sana mag tanong about kay Melissa pero hindi pa pwede, it's too soon to ask.