Chapter 3

1052 Words
Chapter Three Melissa's POV Katatapos ko lang mag work out sa aming mini gymn sa bahay. So I prepared a warm bath sa bathtub and naisipan kong mag soak saglit. I usually get up at six in the morning to work out and today naisipan ko magbabad sa tub to ease my tensed muscles and ma relax ng kaunti din ang isipan ko dahil ngayon ang aming scheduled presentation kay Prof G. Someone knocked at my bathroom door. "Yes? Pasok" I called out Marahang pumasok si ate Soleng at nadatnan niya akong nakalubog at naka slouch sa bathtub na puno ng bubbles. "Ma'am Melissa may bisita po kayong pogi... B-brent daw ang pangalan niya?" Sambit niya na medyo kinikilig na sabi ni ate Soleng. " A-ano?" Gulat at napa upo ng tuwid ko na sagot. "Sige sige paki entertain na lang I will get down in 15 minutes salamat ate Soleng." I said na medyo nagulat at kinikilig at the same time. Bakit kaya siya pumunta dito? At sino ako para puntahan niya? Important na ba ako sa kanya? Hay Melissa wag masyadong feeling at baka dahil may kinalaman ito sa Presentation mamaya. Tama! Dahil ito sa presentation namin kaya andito siya. Pangugumbinsi ko sa sarili ko. Nalaman niya ang house namin dahil minsan ay ginabi kame sa pag gawa ng aming thesis. Mapilit kasi ang mokong kaya sige ibigay ang hilig plus hindi na rin ako makapag commute noon at sobrang lalim na ng gabi. Hindi ako nag dadala ng kotse madalas dahil sa mahirap maghanap ng parking sa campus. Nang naka bihis na ako hindi parin ako mapakali kung may mali ba sa ayos ko? More than fifteen minutes ako paikot ikot dito sa kwarto ko para maghanap ng susuotin-- parang lahat ng nasa cabinet ko biglang wala nang maganda? Habang bumababa na ako sa hagdan from my room ay sobrang kabog ng puso ko dahil sa kaba at excitement. "Brent.... Anong ginagawa mo dito?" Bungad ko sa kanya sa may veranda. "Hi Melissa, sabay na tayo pumasok sa campus saka maulan, baka mahirapan ka bumyahe." "Melissa nakaka hiya kay Mr. Pogi pinag antay mong pagkatagal tagal, baket kasi ang tagal mo maligo?" Biglang sabi ni Inay Julie galing kusina. "Inay---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang nagsalita si Brent. " Inay Julie, okay lang po iyon nag eenjoy naman ako na kausap kayo." Ani ni Brent kay Inay Julie. 'Inay talaga? At ano kaya pinag usapan nila?' Turan ng isip ko. At isang sweet na ngiti ni Inay Julie ang iginawad sa kanya. Close na silang dalawa agad ni Inay? Ubod ng stricto si Inay sa mga lalaki na makasama ko tapos kay Brent may special treatment? Hmmm don't tell me --- Itong si Inay feeling ko magkakaribal ko pa kay Brent. Hay naku! "Yung promise mo Brent anak ha!?" Pasigaw na sabi ni Inay Julie nung nasa gate na kami. "Noted Inay yung kulay Purple po!" Sagot ni Brent na naka ngisi. "Ano yung purple na yun?" Tanong kong naguguluhan. "Ahhh nag promise ako bigyan si Inay Julie ng ibang variety ng Orchids." Sabay mainit na ngiti ang iginawad sa akin. Mahilig sa Orchids si Inay Julie yun ang kanyang mga pinagkaka abalahan padamihin. Pag lapit namin ng kotse dali daling pinagbuksan ako ng pintuan. 'Oh well napaka haba ng hair ko today at sobrang gandang ganda ako sa sarili ko.' bulong ng isipan ko. Assumera mode on! Iniimpit ko ang ngiti ko sa loob ng kotse, ayoko kasing makita niya akong kinikilig! Naka tingin lang ako sa labas ng bintana. At baka mahalata niya ang ngiti ko at baka ma weirduhan bigla sa akin at ibaba ako sa gitna ng daan. "Ahem!" He suddenly cleared his throat. Napatingin ako sa kanya. "Melissa okey lang ba sabay tayo mag lunch? May na discover akong masarap na kainan, yun nga lang sa next town pa?." "Okay sige, pede din dun natin gawin ang brainstorming and other plans for our special project." Seryoso kong tugon, libre naman niya for sure siya nag aya e, hindi ba ganun ang rule? The class has went smoothly and the consultation with Prof G was somehow succesful madami man kaming revisions na dapat ayusin according to Prof. G. Pero ang importante he has accepted our concept. I snoozed off during the trip ganito ako pag na byahe I usually sleep ewan ko ba parang nahehele kasi ako. "Melissa andito na tayo." May marahang boses akong naririnig na parang boses angel. I felt he was close to me. Minulat ko mga mata ko and gosh hindi siya angel kungdi isang mala Greek god ang tumambad sa akin. Bigla naman akong napaayos sa pag kakaupo. "A-asan na pala tayo?." Tanong ko na medyo disoriented kasi ang mga natatanaw ko ay hindi na familiar sa akin. "Ahmm.. Tagaytay." simpleng sabi niya na naka ngiti. Nanlaki mga mata ko. "Ano!? Akala ko ba next town lang?" Next province pala! Nabudol ako ng gwapong Mokong na ito ah! The ride going to this 'place' na next town para sa kanya was almost two hours away from our place. 'Kakain ka lang ganito pa ka layo!' isip ko "Ang sarap ng tulog mo kasi so I want to give you time to sleep more, at saka ang cute mo mag snore ---." " Shut up! Snore ka dyan." Inismiran ko siya at kunwari nag galit-galitan pero ang totoo nahihiya ako paano nga kung humilik nga ako? "Uy sorry na miss sungit." Sabay hilig ng ulo niya sa aking balikat. Biglang nanigas ang aking katawan sa ginawa niya. 'Hinga gurl hinga.'sabi ko sa sarili ko baket kasi ang cute cute niya! Ang bango pa pisti heart kalma kalma. Oh my gosh naamoy ko pa ang shampoo at cologne niya. It so manly ang sarap sa aking pang amoy ang pinaghalong pabango at body scent niya. Humugot ako ng malalim na buntong hininga. "Fine tara na! At baka gabihin tayo sa daan." Sabi ko at Sabay na binuksan ang pintuan at lumabas ang kotse. Kelangan ko lumabas agad ng kotse at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Tumatalon ang aking puso sa ginawa niyang yun sa loob ng kotse. Napa ngiti ako nang inalala ang mga eksenang yun. Parang nilipad ako ng mga anghel at dumako sa cloud nine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD