Chapter 8

1247 Words
Melissa's POV Mag seseven o'clock ng gabi nang marating namin ang isang cabin house sa isang private village dito sa Baguio City. Naka Ford Wild Truck kami kaya malakas ang hatak nang sasakyan na ito kahit matarik ang kalsada walang hirap sa pag dridrive si Brent. Pag baba ko ng sasakyan naramdaman ko bigla ang lamig ng kapaligiran. Kahit May na summer season pa rin ay grabe ang lamig ng klima dito sa Baguio. Hindi ko ito inaasahan, ang aking sweater ay nasa maleta ko. Bale nandito na naman kami sa bahay na titirhan namin so baka may heater na sa loob. Habang naglalakad ako biglang inakbayan ako ni Brent. Sapong sapo ng ilong ko ang mabangong amoy ng pabango niya. Ayan nag react na naman ang puso kong nanahimik at may tila bng kabayong nag uunahan sa loob nito. Napatingin ako sa kanya. "Sorry nilalamig ako and I need your body heat." Sabi niya nang may ngiti. 'Tsss, chansing!' Pero gusto mo naman Melissa sabi ng isip ko. Alam kong nag blush ako dahil dito. Aaminin ko effective naman ang ginawa niya. Uminit ng bahagya ang aking katawan-- kalandian mode pasok! Nang makarating kami sa loob ng bahay natulala ako sa ganda ng kabuuan nito. High ceiling siya at may fire place sa kabilang dulo. May chandelier pa na gawa sa kahoy na korteng bilog, parang malaking sangkalan lqlngunit pinalilibutan ito ng ilaw na mukhang kandila. Ang pader ay puros kahoy din ngunit hindi basta bastang kahoy lang sa hitsura palang ay mukhang solid at mabibigat sila. Pulido ang pagkakabarnis dito at nagbibigay ng rustic feels na tema. Earth colors ang lahat ng makikitang kulay dito at umaayon sa bawat furnitures. Sa tatlong napuntahan kong lugar kasama si Brent from the Hotel to Hangar, hanggang dito sa Cabin House. Ang tatlong ito ay may mga pagkakahalintulad sa designs. Coincidence ba yun or sadyang iisa lang ang may ari? "Andito na pala kayo!" Isang boses ang bumasag sa katahimikan ng bahay. "Inang Dina!" Bumitaw si Brent sa pag aakbay sa akin at tinungo ang isang matandang babaeng sumalubong sa amin. Daglian niya itong niyakap. "Kamusta naman biyahe ninyo?" Tanong ni Inang Dina. "Mabuti naman po, siya nga po pala si Melissa po ang aking girlfriend." Lumapit ako sa kanilang dalawa, nawala ang ngiti ko nang ipakilala akong Girlfriend ako? Aba iba ka din talaga Brent Dela Torre. The moves ha! "Nice meeting you po Inang Dina, s-saka mag kaibigan lang po kami ni Brent." Saka ako nagmano ako sa kanya. " Napaka bait mong bata, sana kayo magka tuluyan ni Brent." Sabay yakap sa akin. " Depende po kung gagalingan niya po ang panliligaw." Sabay baling ang paningin ko kay Brent ng maka hulugan. " Babygirl kung hindi ako napa sayo parang ngtampo ka niyan sa Grasya." Sabay humalakhak ang mokong. "Don't worry di kita sasayangin!" Mahina kong sabi. "May sinsabi ka?" tanong niya. "Wala.." mabilis kong sagot. Buti hindi ko nasabi ng malakas at kukulitin pa ko ng damuhong to. " Siya siya halina kayo at kumain na kayo." tawag sa amin ni Inang Dina. Iginayak kami ni Inang sa hapag kainan. Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakahain. May Chopseuy, lechon belly at sopas na mainit init pa. "Inang kayo po ba nagluto nito lahat?" Tanong ko, nang biglang kumalam ang sikmura ko nang makita ko ang mga pagkaing naka handa sa harapan ko. Dumagdag pa ang amoy ng mga ito lalong nakakagutom talaga. "Oo anak ako lahat." "Babygirl kung hindi mo naitatanong si Inang Dina ay isang dating Chef sa Dubai kaya wala pa yan sa kanyang mga niluluto noon. Saka kanya yung restaurant na sikat dito sa Baguio yung Chef's Little Kitchen." Nanlaki ang mga mata ko at inilagay ko ang mga kamay ko sa bibig ko sa sobrang pagka bigla. OMG! Nasa harapan ko ngayun ang isa sa magaling na Chefs ng Pilipinas! Ang Chef's Little Kitchen ang favorite kong restaurant dito sa Baguio pag na akyat kami nina Inay Julie. Hindi pedeng hindi kami kakain doon. Kahit mahaba ang pila matiyaga kaming pipila para makakain lang dun. "Oh no! As in po kayo po si Ms. Rodina Alvarez?..." Mangiyak iyak ako sa nalaman ako. My gosh she is my idol! "Oo ako nga iha---Dyaskeng bata to baket ka naiiyak!?" "Pasensya po natuwa lang po kasi ako. Sobrang favorite ko po ang luto niyo, naakyat po kami ng Baguio ng aking Inay para lang po kumain sa Resto niyo tapos uwi na po kami kinabukasan." Masaya ko lng paliwanag. " Nakakatuwa ka naman iha feeling ko tuloy ay artista ako, Brent may fan ako." Tuwang tuwa turan niya. " Mamaya Inang hingi kami ng autograph niyo ha at picture." Sabay tawa ni Brent. " Naku Oo naman nagagawa ko na minsan yan eh." " Talaga po? Sige po Inang ... Naku matutuwa ang Inay Julie nito." Sabi ko na nanabik sa gagawin niyang autograph at pagpapapicture sa kanya. Pagkaraan ng ilang minuto halos hindi na ako makatayo sa kabusugan. Walang kupas talaga ang luto ni Inang Dina. Mukhang si Brent din ay sobra ding nabusog. Kinuha ko ulit ang cellphone ko na puno ng pictures kasama si Inang Dina pati ang pictures ng mga niluto niya para sa amin ni Brent. Na kasama na rin si Brent sa mga pictures at wala ako magawa dahil lagi na lang siya nasingit sa mga ito. Ang pinaka gwapong photobomber na nakita ko hihi. Bago umalis si Inang Dina nag promise siya na bibigyan niya ako ng authograph at surprise daw kung saan niya isusulat yun. Tumayo ako at kinuha ang mga plato para hugasan. "Babygirl wag mo na gawin yan bukas may darating na maid para gawin yan." Saway ni Brent sa akin. "Brent okay lang sobrang busog ako at kelangan i-exercise to." Sabi ko at tinuro ang tiyan ko pagkatapos ay tinuloy ko na ang pag sasalansan ng mga plato at mga baso. "Sexy ka parin naman kaya! K-kahit malakas ka kumain." Sabay tawa. " Tse! Kung luto ni Inang Dina lang din ulam ko everyday wapakels ako kung tumaba. Dyan ka na nga! " Sabay alis punta ko sa kitchen para mag hugas mga pinggan. Feel ko itong set up namin ay parang bagong kasal lang ang peg. Dream on girl! Pagkatapos ko sa kusina nadatnan ko si Brent na naka upo malapit sa fireplace. Nagbabasa ng isang article gamit ang latest model niyang Ipad. "Done with the dishes... Anong binabasa mo?" Umupo ako sa tabi niya. "Oh babe andito ka na pala... Im reading some emails. Here try this hot choco." Kinuha nia ang isang malaking thermos sa tabi niya at nilagyan ang isang tasang nasa harap ko. "Thank you..." kukunin ko na sana ang hot chocolate drink nang pinigilan ako. "Wait! May kasama pang ganito." He topped it with three medium sized white marshmallows and drizzled it with cinnamon powder. "Here." Alok nia. "Wow! Special choco drink huh!" "Ofcourse anything for my special girl." Sabay kindat. Napangiti ako sa sinabi niya. I felt overwhelmed sa sinabi niya. I tried to focus sa cup ng Hot Choco na hawak ko at hindi na muli tumigin sa kanya. Napakislot na naman niya ang puso ko. Habang nakatitig sa hot choco, na amoy ko din ang mabangong amoy nito na parang Pasko na with matching fireplace at may hot and sweet Brent sa tabi ko. Haaay life. " Brent... " Sabi ko after my first sip. " Yes Babygirl?" " T-thank you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD