Chapter 7

1689 Words
Melissa's POV Matatapos na ang semester na ito, at in less than one month nalang pala. Kasunod nito ay ang final semester na namin. May iilang units na lang ako i-enroll and yes finally gragraduate na ko. Pang fifth day na ito mula umalis si Brent. Wala pa siyang paramdam bukod nung makarating sila ng mommy niya sa Vienna. Medyo bigtime ang family nila siguro at may partners silang foreigners? Nakakahiya naman mag usisa about his background at nature ng business nila. Katatapos lang din ang finals namin, two days ago. Nabalitaan ko from Tinang na si Brent ay kumuha na ng special exam at yun yung umabsent siya one time. His family might be a very powerful one for them to get special exams sa University. Hmmm how mysterious this man is. I tried to search about him sa internet pero wala ako makitang mahalaga about him. Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko si Brent ang tumatawag. Inayos ko ang sarili bago ko inopen ang video call. "Ang ganda naman ng mahal kong Babygirl." Bungad nito na naka upo sa isang office chair. "Hoy! Wag mo ako mamahal mahal diyan lalaki ka! Late ka na nang isang araw! Nasaan ka na ba?" Biglang uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya, pa fall talaga hay. " Easy mahal.. ang cute mo talaga pag nagagalit ka. Pakiss nga *tsup * *tsup*" At binigyan niya ako ng virtual kisses. Di ko na napigilan ang aking sarili nang ako ay mapangiti dahil sa gesture niyang iyon. 'Gee, I miss you!' sigaw ng aking puso. " I missed that smile.." "Napatawag ka?" Pagbabaliwala ko sa sinabi niya. " Yes may sabihin lang ako importante sayo. May susundo sa iyo mamayang 3pm, dyan sa bahay ninyo and we will meet here in Manila then sabay na tayo pa Baguio." Sabi niya. "Okay. See you then." " Ingat ka sa biyahe at huwag ma excite na makita ako ha?" Sabay lumapad ang ngiti nito. "You wish!" Daglian kong sagot then rolled my eyes. 'Kung alam mo lang Brent I can't wait to see you! My Babyboy' sabi ng isip ko. Mag eleven palang naman ng umaga so may panahon pa akong mag prepare. Nagpa alam na din ako kay Inay Julie na ikinatuwa nang malaman na si Brent ang kasama ko sa pag akyat sa Baguio. Ang weirdo ni Inay.. anong meron kay Brent bilis niya napamahal dito? Sinundo ako at exactly 3pm sa bahay at namangha ako na isang new edition S- class black Mercedes Benz. The driver was in his 50's and a very courteous man. He introduced himself as --Kuya Ped, short for Pedro. As usual nakatulog na naman ako on our way to our destination. "Ma'am narito na po tayo." May narinig akong boses na gumigising sa akin. Halos dalawang oras din ang naitulog ko. Napakislot ako ng marealized ko nasa loob pala ako ng kotse ni Brent. "Sorry po nakatulog po ako, habit ko na po ata yun pag nasa biyahe." Nahihiyang ngiti ko. "Wala po yun ma'am, compliment nga po yun sa akin dahil ibig sabihin magaling at smooth ako mag drive." "Ganun nga po yun sir. Salamat po ulit." At ginawaran ko si Mang Ped ng binibining ngiti. Lumabas ako ng kotse at tinulungan akong ibinababa ang maliit kong maleta ni Kuya Ped mula sa compartment ng kotse. " Sige alis na ako Ma'am, hintay lang po kayo may susundo sa inyo dito." Ikinaway ko ang aking kamay kay Kuya Ped, then I looked at my watch and it says 5:34 pm. "Asan na kaya si Brent?"Mahina kong sinabi. Nagtataka ako at baket ako nandito sa isang parte ng airport? Nakakunot ang noo ko nang tignan ang kapaligiran, nasa isang tarmac nga ako at sa di kalayuan may isang hangar. "Miss Melissa Fuentes?" Isang magandang tinig ang aking narinig mula sa aking likuran. Pagharap ko isang magandang flight attendant na naka uniform na purple at pink ang sumalubong sa kin. "Y-yes ako nga po." "Im Clara your flight attendant for today. This way po Ma'am." Iginayak niya ako papunta sa loob ng Hangar. Flight attendant? Pagtataka kong iniisip. lPumasok kami sa isang magarang pintuang salamin at nakita ko dito ang nakasulat na, 'SkyWings Aviation by DLM Clongomerate' At pag pasok ko mismo sa pinaka loob ay bumungad sa akin ang napaka engrandeng itsura at pagkakaayos ng mga bagay sa loob nito. High ceiling at may modernong mwebles. Iginawad ako sa isang eleganteng lounging area at pinaupo sa isang Italian leather brown sofa. Napaka lambot nito at napaka comportableng upuan. "Miss Fuentes--kindly wait here and relax. Do you like anything? Like tea, coffee, or juice?" Malugod niyang sinabi. " Thank you-- juice please?" " Alright then in a minute Miss Fuentes." Tumango lang ako bilang affirmation. Humanga ako sa ganda ng loob ng Hangar, mukha siyang mini airport lounge pero mas magara ito. "Ma'am here is your juice." After a while ini-serve na sa akin ang orange juice at isang pakete ng mixed nuts na mukha pang galing ibang bansa. May ibinigay din sa aking registration form for me to fill it up. Nang malapit ko nang matapos may naramdaman akong tumabi sa akin ngunit hindi ko pinansin at patuloy pa din akong sumusulat. "Hi." pabulong nitong sinabi malapit sa aking tenga. Isang mainit na hangin ang naramdaman ko sa may bandang tenga ko at nakiliti ako dahil dito. Lumingon ako at nakita ko ang gwapong mukha ni Brent na halos isang pulgada ang layo sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko hindi ko siya inaasahan na siya na pala ang nasa tabi ko " Tapos ka na mag fill up--- Miss Fuentes? Ganun na ba ako ka gwapo para sayo at sobra ka matulala sa akin." Sobrang lapit ng mga mukha namin at naamoy ko minty breath niya. Wala ako maisagot, sobrang mixed ang emotions ko nang makita ko siya --sobrang na miss ko ang lalaking ito. Malumanay kong kinurot ang pisngi niya. At napangiti siya. " Ako nga 'to! hindi ka nanaginip." Sabay niyakap ako. " Bitawan mo nga ako hindi ako makahinga----" 'dahil sa sobrang kilig!' Dugtong ng isip ko. Pero hinayaan ko na lang siyang yakapin ako tutal yun din naman gusto ko. Alam na naman ng katawan ko ang naka-On ang Kalandian mode. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at sabay niyang sinabi. "Babygirl, ayoko na sana humiwalay sa 'yo pero kelangan na natin umalis." " Okay." Tipid kong sagot, hinang hina ang aking kalamnan matapos ang eksena na yun. Kainaman na lalaking yun aba! Sinubmit namin ang aming registration forms, nag check in at pinakita ang ID's namin saka kami pinasakay sa isang magarang kotse na isa ding Mercedez Benz. Sa harap sumakay si Clara at kaming dalawa ni Brent ay sa likuran. Maigsi lang ang biyahe. Pagka baba namin isang maliit na private plane ang bumungad sa amin na naka baba ang hagdanan at naandar na rin ito. Hindi ko namalayan na kinuha na ng isang porter ang hawak kong maleta. Brent offered his right hand for me to hold at pumayag ako. Lalo na ngayon na medyo nanenerbyos at overwhelmed sa nangyayare, his touch gave me comfort. Brent assisted me sa pag akyat sa hagdanan. We stepped in to a Beechcraft King air 350i it is a ten seater private plane. Sa entrada ng eroplano nakita ko Clara smiling at us and I smiled back at her. "This way Miss Fuentes." Magalang niyang sinabi at iginawad ako sa upuan sa kaliwang banda at pinaupo ako sa isa sa mga front seats na leather finish na kulay beige. Ito ay naka terno sa interior ng buong eroplano. Ito ay window seat kaya makikita ko ang tanawin sa labas. Maliit lamang ang eroplano ngunit hindi ko ramdam ang pagkasikip nito. Yayamanin ang ambiance ng kabuan nito at ang bango. "Thank you Clara." Sabi ko pagka upo sa upuan Sumunod na umupo ay si Brent sa bandang kaliwa ko. "Ready?" "Yes!" Sagot ko naman "...Our flight time will last for 45 minutes. And We will be flying at an altitude of 32,00 feet... " Nag salita na ang piloto ng about sa flight announcements. Nang nasa himpapawid na kami at safe nang tanggalin ang seat belt nakita kong tumayo si Clara at nag alok sa amin ng refreshments. I've heard Brent asked for a hot tea and I did the same. "Are you okay?" Tanong ni Brent sa akin. "Ofcourse I am." Ngumiti ako. " Tahimik mo kasi... Akala ko nga babalibagin mo ako pag ka kita mo sa akin." " Anong tingin mo sa akin Sumo wrestler?" " Konti.." Sabay tawa. Tumingin ako sa kanya ng matalim. " Biro lang.. Babygirl." "Umayos ka kungdi.." Pinakita ko ang kamao kosa kanya. Hindi alam ng lalaking ito na isang Krav Maga black belter ang kaharap niya. Nung pag tungtong ko ng highschool inenroll ako ni Inay Julie sa martial arts na ito na nag mula pa sa Israel. Krav Maga is translated to Contact Combat, ito daw makakatulong sa akin pag nasa gitna ako ng kapahamakan sabi ni Inay. Nung una ayoko kasi sobrang brutal. I wish sa ballet class na lang ako ipinasok. Pero nang di nag tagal nag eenjoy na ako sa classes ko. Parang more of street fighting ito at talagang delikado because this is a deadly one kind of martial arts. May mga pagkakataong umuuwi ako na maraming pasa sa katawan dahil sa mga trainings palang namin sobrang marahas na. Hindi maiwasan magkasakitan pero nasanay na ang katawan ko. "Babygirl, andito na tayo.." Tinapik ni Brent ang aking balikat. Heto na naman ako naka idlip pala ako ulit. "I see." Turan ko. Sumilip ako sa bintana at nakita kong nag tataxi na ang eroplano. Kinuha ko ang bag ko at kinuha ko ang mini pressed powder at lipgloss ko para mag retouch. "Maganda ka na Babygirl kaya wag ka na magpaganda masyado baka dumami pa ang karibal ko." " Huh?" Patay malisya kong tanong. "Wala-- Let's go!." Sabay hawak sa kamay ko. Sekretong ngumiti ako, 'Seloso!' sigaw ng isipan ko. Hindi pa tayo eh... Ay naku Babyboy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD