Chapter Six
Melissa's POV
" Brent?"
"Musta ang Babygirl ko?"
"Babygirl ka dyan...ssshhh... Baka marinig ka nila mamaya isipin boyfriend na kita." Grabe siya maka feeling jowa. Pero heto naman ako kinikilig.
" Ano ulit? ' boyfriend na kita'? Baket kasi di mo pa ako sagutin--"
" Hep! Feeling mo naman..teka nga anong ginagagawa mo dito?"
"Dinadalaw kita, kasi I will make it official! Sa araw na ito ang pag akyat ko ng ligaw. Saka sabi ni Inay Julie puntahan na kita at baka hindi ka daw bababa agad. I guess she was right, bawal sa akin ang 'No' na sagot." Ma otoridad niyang sabi.
" At baket sino ka ba para sundin ko?" Sarkastikong kong tanong.
" Future boyfriend mo lang naman ako then--- husband?" Sabay ginalaw galaw ang mga kilay niya na tila ba ay nangungutya pa.
" Kapal ng apog mo rin ano!? Nasobrahan ka ng self-confidence! Wala ka pa nga sa first stage asa second na agad? Noong umulan siguro ng self confidence nilagok mo na lahat!?" Sinabi ko na medyo may katarayan
'Pahirapan ko muna ito .' Turan ko sa sarili ko. Evil self mode on!
" Isa.... dalawa.....---"
Namilog ang mga mata ko, bakit ako binibilangan nito?
" Para saan yang pag bibilang mong yan?"
" Pag pangatlo na at di ka pa bababa.... Bubuhatin kita hanggang sa dining area!"
Tumayo ako agad agad pagkarinig ko sa mga sinabi niya at bahagyang lumabas ng aking kwarto at iniwan siya na naka hilig sa may hamba ng pinto.
Nakakainis siya pero yung pagiging bossy ay malakas maka gwapo ha! Kainis tong damuhong ito talaga!
"Brent kain ka pa ako nag luto niyang beef Kaldereta specialty ko yan!" Pag mamayabang na sabi ni Inay Julie.
'Ano kaya pinakain ng mokong ito sa Inay?botong boto talaga! Dati dati naman napaka strikto sa akin lalo sa opposite sex.'
Habang nakatingin sa kanilang dalawa, akala mo ay matagal na silang magkakilala.
"Melissa ikuha mo nga ng juice si Brent mayroon sa ref." Biglang sabi ni Inay Julie na ikinagulat ko.
Tumayo ako at medyo nagdadabog papuntang kusina.
"Brent pag wala ka masyadong ginagawa pumunta punta ka lang dito sa bahay ... You are always welcome dito."
"Naku Inay may sarili pong bahay yan." Sumabad ako sa kanilang usapan na may hawak na Juice.
"Melissa ano ka bang bata ka! Dapat ikaw pa mismo ang makakaintidi sa sitwasyon ni Brent malayo siya sa pamilya niya."
'Aba at concern talaga ang Inay.'
"H'wag po kayo mag aalala at mapapadalas talaga ang punta ko dito sapagkat aakyat po ako ng ligaw." Sabi ni Brent na may pag lalambing at pag papa cute kay Inay Julie.
"Brent! Ano ba may edad na ako---" maarteng sabi ni Inay Julie.
"Inay Julie mahiya nga po kayo!." Sinabi kong may konting inis at selos. Aagawan pa ako ni Inay eh!
" Melissa, actually pareho ko kayung liligawan ni Inay Julie--- bilang pag respeto na din kay Inay. Dapat mapa OO ko din siya" Naka ngiting sabi ni Brent sabay kindat pa sa akin.
'G*go huwag kang malanding damuho ka!' iritadong sigaw ng isip ko.
"Ayyy napaka bait na bata-- oh syah OO na... sige ako ay pumapayag na-- You have my blessings mga anak. Ayyy kinikilig ako." Malanding tono ni Inay Julie.
" Inay Julie ang bilis niyo naman sumagot wala pang isang minuto ahhh... "
" Huwag ka na maging choosy pa! Swerte mo nga at asa harapan mo na lang si Mr. Right! Yung iba ginawa na lahat kahit tumambling tumbling wala pa din.. bokya!!! --- teka parang ako yun ah?" Sabay tumawa ng malakas si Inay na sinundan din namin ni Brent.
"Si Inay Julie talaga-- ano po ba nangyari sa love life niyo?" Bigla naman ako na curious sa sinabi ni Inay about her Mr. Right.
"Naku walang nangyari-- kasi may mahal siyang iba. Yun pinsan ko pa!" Sabay tawa ng mapait si Inay.
" Kaya pala siya nakikipag close sa akin gagawin pala akong tulay kay Pacifica! Tsk tsk may tawag sa inyong mga kabataan sa nangyari sa akin e... 'ghosting' ba yung tawag dun?" May pag aalinlangang turan ni Inay.
Sabay kaming tumawa ni Brent sa pagkakalahad ni Inay Julie sa nangyari sa na unsyaming lovelife.
" Eh Inay baket hindi po kayo nag hanap ng iba?" Tanong naman ni Brent.
"Naku iho, nalipasan ako alam mo na masyado akong naging busy sa trabaho." Huminga si Inay Julie ng malalim sabay tumingin sa amin. " Kaya kayong dalawa ang magtutuloy sa na unsyami kong lovelife ha?" Sabay ngumiti siya na maka hulugan.
" Inay hayaan niyo po malapit na ako sagutin ni Melissa."
" Asa ka! Masyadong bilib ka sa sarili mo." I said and rolled my eyes
" Wait and see.." sabi ni Brent at tinignan ako sabay kindat.
'Hay naku Brent gustong gusto kita pero magpapakipot pa ako ,... nang konti.' sigaw ko sa isipan ko.
Nasa may veranda kami facing the pool. Napaka gandang pagmasdan ang tubig na kumikinang habang ito ay tinatamaan ng ilaw. Parang nang aakit ang tubig sa akin na lumublub dito---medyo ma humid din kasi ngayon kaya maalinsangan, masarap sana mag palamig at mag night swimming.
"Salamat Ate Soleng." Ang sabi ko matapos ilapag ni ate ang icedtea at dalawang slices ng strawberry cream cake sa lamesa.
"Walang anuman Ma'am Melissa-- pag kelangan niyo ako tawag lang kayo ha?."
"Mag pahinga ka na Ate Soleng okay na kami dito saka alam ko may hinahabol pa kayong teleserye di ba?"
Napakamot ito sa ulo at nahihiyang ngumiti sa akin.
"O-oo nga po. Sige salamat una na ako... Ma'am"
Alas nueve na ng gabi at si Brent ay may kausap pa din sa cellphone niya for almost thirty minutes na. Naka pwesto siya sa kabilang dulo ng pool. Mukhang importante ang pinag uusapan nila dahil kung titignan ayseryoso ang mukha nito.
Nakita niya akong nakatitig at kumaway sa akin.
Sabay inalis ko ang paningin ko sa kanya.. kunwari di ko siya nakita kahit alam kong huli na ang lahat. Feeling ko nag blublush din ako.
"Pasensya na..tumawag si mommy may ibinilin lang-- aalis kasi siya bukas puntang Europe."
Wow Europe! Ang yaman naman ng mokong na to, parang Quiapo lang ang Europe sa kanila.
" Oh! So paano yan you will be staying sa Alabang-- sa bahay niyo for a while ?"
" How did you know I live in Alabang?"
Patay! Me and my big mouth. Hindi niya pede malaman na I stalked him on his Social media.
"You told me once..." Walang patumanggang pag sisinungaling ko.
"Did I?"
I just nodded at biglang iniwas ang paningin ko.
"Okay--so ma mimiss mo ba ako?"
" In your dreams mister." I sighed.
" Nung nag absent ako nung isang araw--- Im sure na miss mo ako noh?"
" Ay umabsent ka ba? Kelan yun? I didn't even notice it." Sabi ko pero ang totoong sagot ko ay--I miss you! Pero syempre mag iinarte muna ako.
"Seriously speaking I will be flying with mom tomorrow.." Naging serious bigla ang mukha niya.
Hala! Aalis siya? Paano yan...
" Ha? Kelan ka babalik? Hangang kelan ka dun?"
He laughed.
" Gotcha! Akala ko ba wala kang pakialam? Kung mag tanong ka parang girlfriend na kita ah!"
I was cornered this time, hirap mag panggap na wala talaga akong paki alam. Hayst.
" Ah-- eh ahmm paano ang thesis kung aalis ka?" Palusot ko.
" Kaya mo yun ikaw pa... Tsk!"
" Hindi nga? Para ka naman bano ei!"
" Totoo nga! Kelangan ko lang i-assist si mommy with some matters with our partners there--like mga four days?"
Natulala ako sa mga sinabi niya. Four days is too long.
"Ah sige! So I will be pushing the trip to do the market research then --but alone." May lungkot sa aking boses.
" No! You should wait for me!"
" But we will be behind schedule if magpopostpone tayo."
" Ako bahala... Please? Can you trust me on this?"
" Sinabi mo yan ha! Kungdi lagot ka dito." Sabay pinakita ko ang kamao ko.
" Ofcourse love.. takot ko lang sa iyo."