Melissa's POV
"Excuse me Babygirl may puntahan lang ako." Masuyo niyang pagpapaalam sabay tumayo.
"O-okay."
Dang, that endearment nakakapag pautal sa akin.
Akala ko ay pupumunta sa CR si Brent ngunit nag tungo ito sa may counter area. Nakita ko na lang na sinaladuhan at nag thumbs up si Tom sa kanya. Kasunod nito ang pagtango na nagpapahiwatig na pinapayagan na niyang umalis kami nang hindi pa nagbabayad.
Ganun na lang yun? Eat and run? Kumuha ako ng one thousand bill at binigay ko kay Tom iyun nang pumunta sa table namin.
"Naku salamat po ma'am." Malawak na ngiti ang iginawad sa kin ni Tom.
Ginawaran ko din sya ng ngiti saka ako pumunta sa kinaroroonan ni Brent kung saan siya nag aantay sa akin malapit sa pintuan.
"Let's have some coffee? Sa kabilang resto ng hotel mas maganda ang view doon."
Then he held my hand, tatanggi pa ba ako?Naka landi mode on nga ako kanina pa. Plus I feel secured talaga pag hawak niya ako.
As we approached the cafe isang matangkad at seksing babae ang bigla na lang humatak kay Brent at hinalikan nito sa pisngi.
Napabitaw agad si Brent sa akin at biglang yumakap sa babae. Parang isang malaking kutsilyo ang parang tumarak sa puso ko nang makita ang pangyayaring yun.
"So Brent is she your new flavor of the month?" Tinignan ako ng shrimp na ito mula ulo hanggang paa.
"Stop it Georgina!" Dumagundong na boses ang pinakawalan ni Brent dahil dito ako ay nagitla. Inalis ni Brent ang mga kamay ng babae sa pagkakapulupot sa kanya.
"By the way Im Melissa Fuentes, Brent's blockmate. And you are?" I said to break the tension, ilang tao na din ang napukaw ang pansin sa amin. I held out my hand for a handshake.
"Georgina Muñoz his future wife." She proudly said sabay haplos sa braso niya and she ignored my hand for a handshake.
" Oh! Nice meeting you future Mrs. Dela Torre. Siya m-mauna na ko sa inyo it looks like you haven't seen each other for so long--- " Sabay talikod ko Nangingilid ang luha ko habang tinatahak ang daan papuntang cafe.
I have ordered a flat white and a cookie, saka umupo sa pinaka sulok. Hindi ko mapigilang ang pag luha ko habang sinsariwa ang mga pangyayyari.
'flavor of the month..'
'future wife..'
Ito ang walang tigil na umuulit ulit sa isipan ko. Hindi kaya siya yung 'her' tunukoy niya kanina? Hindi kaya itong shrimp na ito ang may ari ng hotel and resto na ito?
"Im sorry about that Melissa." Malamyos na boses ni Brent ang aking narinig.
Pero hindi ko siya ginawaran ng tingin.
"Sorry about what Brent?" Mahinang tugon ko still looking outside.
"About Georgina, she is always like that pag may kasama akong babae. Actually She is like a sister to me only." Pagpapaliwanag niya.
" You don't need to explain Brent ano ba tayo? We are just blockmates di ba?" Sinalubong ko ang tingin niya sabay nagtaas ako ng isang kilay. Nasaktan ako ng bongga talaga sa mga nalaman ko.
" I think you have forgotten what I have confessed to you earlier... hindi ka na lang 'blockmate' you are someone special to me." Mariin niyang sinabi sa akin na nakatitig.
He tried to hold my hands pero inalayo ko ito sa kanya.
" Huh? Im only part of your collections your 'flavor of the month ' --- hindi nga ba?" I said as I challenged his stare.
Nakita ko siyang nag pupuyos sa galit. His jaw clenched but I didn't mind. Ako man din ay galit at nasaktan sa mga narinig ko sa babaeng shrimp na yun.
Thanks to the powers of make up at medyo gumanda ganda siya. Gaano kaya kakapal ng palitada ng foundation ang inaapply niya sa mukha niya?
"Finish your coffee and we will go." He said with a stern voice.
"May hinahabol ka ba? I see ---may date kayo ni Georgina? Siya ba yung friend mo na may ari ng Hotel at restaurant na kinainan natin? So I guess it's pay back time na? Don't worry about me I can take care of myself." I said in a flat voice.
" What?" Tanong niya na may halong naguguluhan sa mga sinabi ko.
" You confessed me your feelings and yet... Heto ka makikipag landian sa iba, magkano ba yung bill bayaran ko na lahat para di kana mag effort to pay her... In kind." Sabi ko na pigil na pigil ko ang boses ko na tumaas dahil sa pagka irita.
" You think Iam like that person?" Dumilim lalo ang mukha niya.
"Yes!"
Naningkit ang mga mata niya sa mga sinabi ko.
" Think whatever you think, hindi ka naman maniniwala sa mga sasabihin ko." Singhal niya sabay umalis sa loob ng cafe.
Walang imikan kaming umuwi ng Laguna, nakakalungkot at ang aming munting escapade ay nauwi sa tampuhan.
"Thank you." Ito lang ang nasabi ko pag ka baba ko ng kotse.
Tumango lang ito at seryoso ang mukha at may kalungkutan din maaninag sa kanyang mga mata. Inalis niya ang tingin sa akin saka pinaharurot ang kanyang sasakyan palayo.
"Sorry ..." I said softly pero hindi na narinig ito ng taong dapat makarinig.
Naiinis ako sa sarili ko at hindi ko man lang siya pinakinggan sa mga explanations niya at nag tiwala. Mas nanaiig sakit ng mga sinabi ni Shrimp.... May fiance na ba talaga siya?
Bagong araw na naman at ito ako nakaupo sa classroom iniintay si Tinang. May fifteen minutes pa bago mag simula ang klase.
"Issang! goodmorning." Bati ng aking matalik na kaibigan na bigla na lang sumalampak sa tabi ko.
"Ke aga aga naka busangot mukha mo." Puna ko sa kanya
"Napaka irresponsible nung kapartner ko kasi sa Thesis, leche sana nag solo na lang ako."
Si Mike Gonzalo ang tinutukoy niya na partner niya.
"Anong nangyare sa inyo?"
"Ayun di ko mahagilap! Pumasa naman kami sa presentation ang hirap lang kasi sa kanya hindi ma contact ng maayos."
" Ano daw problema niya?"
" Ses, wala daw siyang cellphone!"
Mike belongs to the lower class of the society. This University is diverse when it comes to the economic status ng bawat mag aaral. He is under a scholarship kaya siya nakakapag aral dito bukod sa stipend na nakukuha niya may part time jobs din siya. I salute to this person sa sobrang tiyaga niya sa pag aaral and that's why nag decide ako mag bigay ng tulong sa abot ng aking makakaya. And why not? Si nanay Julie din ay tinutulungan ako since nawalan ako ng mga magulang. Let's share the kindness ika nga.
" Ano? Mahirap nga yan! Teka may extra phones ako sa bahay I can give him one. Para di nahihirapan ang bestie ko." Sabay sabi ko.
" Thank you. I have a spare din sa bahay sa Maynila but got no time na umuwi. Well communication is indeed important di ba? Ikaw, baket di mo siya i-text para di ka bad trip dyan" Malambing niyang turan sa akin.
" Ano pinag sasabi mo?"
" Kilala kita Issang bothered yang mukha mo nang pag dating ko wala akong makitang maganda sa'yo sa araw na to. Alam na this---- late kaya siya or absent?" Panunutya niyang sabi sa kin at kasabay nun ay sumilip sa bandang kaliwa ko kung saan naka upo si Brent.
Mabilis daw akong basahin sabi ni Tinang kaya hindi na ako nagtataka baket niya nahulaan ano nasa isip ko. Plus never nala-late ang mokong na yun sa class.
" Che! Manahimik ka dyan. Napaka non-sense ng mga sinasabi mo."
" Waahh someone is worried." Tinabig ako sa balikat malapit sa kanya.
Dedma!
Malapit na mag simula ang class pero wala pa ang Brent.
'Melissa Baket ba nag aalala ka?' bulong ng isip ko.
Hindi pumasok si Brent ngayong araw kahit text or call hindi man lang nagawa.
'Teka jowa ba ako para mag demand? Oh well sino nga naman ba ako 'like' lang naman ako hindi 'love'. Wag kang ano dyan Melissa.' pati ang isip ko ay nagkakagulo.
Nasa study area ako ng aking kwarto at bigla ako naka rinig ng katok mula sa aking pintuan.
"Tuloy..."
"Ate kain na po..."
"Salamat ate Soleng may tatapusin lang ako--mauna na kayo nila Inay Julie."
"Ate, may bisita din po kayo sa baba."
"Ah sino?" Pagtataka kong tanong wala namn akong inaasahan bisita.
" S-si ..."
" You miss me?" Isang familiar na boses ang umalingawngaw sa loob ng kwarto ko.