Chapter 11

1902 Words
Melissa's POV Dahil sa heavy traffic, it took us thirty minutes to reach our destination na dapat ay ten minutes lamang dapat. Sa may Burnham Park kami pumarada at sa di kalayuan ay pumasok kami sa isang Hotel. Napadpad kami sa isang private room at sa loob ay may makikitang mini conference room. Nadatnan namin ang mga anim na mga kabataan na nakaupo sa isang malaking kwadradong lamesa. Sa aking tansya kagaya din namin silang mga studyante pero mukhang mas bata sa amin. "Hello guys." Bungad ni Brent sa kanila. "Hello po kuya." Binati nila si Brent at tatlo sa mga ito ay mga babae na pawang kinikilig. "Ito pala ang Ate Melissa niyo na na- mention ko sa inyo before sa groupchat. Siya yong partner ko sa thesis." Sabing pagpapakilala sa akin ni Brent. " Ito pala sina: Michael, Ronald, Melvin, Hazel Jessa at Rudelley." "Hello guys!" Bati ko sa kanila. " Nice meeting you ate Melissa-- ang ganda niyo pala." Bati sa akin ni Michael na may kasamang matamis na ngiti. " Salamat." Natuwa naman ako sa batang ito, marunong tumingin sa sa maganda. " Ayiiii!" Sabay sabay nilang panunukso sa amin na umalingaw-ngaw sa buong kwarto. "Michael! Crush mo si ate? Hala bakit tinatalo mo pa si Kuya Brent niyan patay ka!" Pang aalaska ni Melvin sa kanya. Napansin kong namula ang mga pisngi ni Michael dahil sa sinabi ni Melvin. "Hala Mike! Paano naman si Jessa?" Tudyo ni Rudelley. Sabay siko niya sa katabi niya. At sa palagay ko ito si Jessa. " Uyy ha di ko kayo inaano dyan... Wala akong ano dyan sa lalaking yan noh? Sino ba yan?!" Mataray na pagdedepensa naman ni Jessa sa sarili. " Gurl wag kang mag aalala crush niya lang naman si Ate Melissa... Pero ikaw pa rin naman ang mahal nyan!" Pang sesegunda naman ni Hazel. " Ayiiii.." Muling naghiyawan ang grupo ngayon naman ay nakina Jessa at Michael naka sentro ang tuksuan. " Excuse me dapat si Hazel muna kasi mula freshmen tayo naporma na si Ronald sa kanya! Noh?" Pagbabalik naman na pang aasar niya sa kanyang kaibigan. "Ayun oh!" Sabi ni Michael sabay akbay sa kaibigan niyang si Ronald. Bigla naman namutla si Hazel nang sabihin yun ni Jessa. Nakakatuwang pag masdan ang mga magkakaibigang ito. Mukhang matibay na ang samahan nila na kahit maglaglagan sila harap harapan ay walang naasar or nagtatampo. "Ehem!" Biglang tumigil ang lahat ng tumikhim ang lalaking nasa likuran ko. "Okay, mag start na tayo patungkol sa pakay namin." Ani ni Brent na biglang nag dumilim at naging seryoso ang mukha. Problema nito? Nilapag niya ang bag na dala niya sa lamesa at binuksan ito. May hinugot na anim na folders at ipinasa niya sa mga ito. Nang makuha nila ito, isa isa nilang binuklat at binasa ang mga nakapaloob dito. Muling nag salita si Brent. "Nakalagay sa loob ng folders ay mga questionairres at iba pang information na kelangan gamitin sa pag tatanong sa target population natin. Ito ang mga napag usapan na natin sa groupchat at Bilang Business majors kayo, Iam sure familiar na kayo ano ang mga yan. May tanong pa kayo.?" " Wala na po kuya!" Sabay sabay silang sumagot. " Okay, but don't hesitate to contact me guys kung mayroon kayong di nauunwaan ha?" Pahabol niya. Umorder nang meryenda si Brent para sa kanila. At matapos ang meeting na yun kami ay nagpaalam at iniwan namin silang lahat sa loob ng confirence room ng Hotel. Nang makarating kami sa sasakyan iginiya niya ako sa harapang upuan ng sasakyan para matiyak na doon na ako uupo. Natatawa naman ako sa ginawa niya nanigurado ang Mokong na ito na hindi na ako sasakay sa likurang bahagi ng sasakyan. At para hindi na ako makatakas pa ay nilagay na din niya ang seatbelt ko. Ayan talagang wala na akong kawala sa kanya. Hihihi. "Saan tayo ngayon?" Tanong ko pag kaupo niya sa driver's seat. " Secret." Sabi niya kasabay nang pagpapandar ng sasakyan saka nagmaneho. "Yeah right! Another surprise!" Sarkastiko kong sabi. " Babygirl? Are you alright?" Tanong niya na medyo may pagtataka sa pag iiba sa mood ko. " Ano sa tingin mo?" Iritadong sagot ko. " Ano ba yan Babygirl hindi pa nga tayo sinusungitan mo na ako." Sabi niya sabay tawa. Inismiran ko lang siya at binaling ko ang paningin ko sa labas. Habang naka stuck kami sa traffic, binuksan niya ang radio at dahil dito medyo kumalma ako. Naramdaman ko din ang paglapat ng kamay niya sa aking kamay at dinala ito sa kanyang labi at masuyong hinalikan. Nagulat ako sa ginawa niya at maestatwa sa kinauupuan ko. Hindi ko tuloy alam sino ang susundin ko, ang isip ko na nag sasabing bawiin ko ang kamay ko o puso ko na gusto pa magpasakop sa kamay niya! "Brent...ahmm.. what are you doing?" I could'nt believe myself asking a question with an obvious answer. Sabaw sabaw ka naman Melissa? "Babygirl.. Im sorry kung ano mang kasalanan ko, patawarin mo na ako please?" Sabi niya at masuyong nakatitig sa akin. Parang may roller coaster ang sumirko sirko sa sikmura ko. Gravacious tong lalaking to lahat ng kalamnan ko nagagambala niya! "O-okay Brent.. but in one condition stop putting me in the dark. I hate surprises, ang pinaka ayoko kasi yung ako ang pinaka huling nakakaalam. S-saka pwede mo nang bitiwan ang kamay ko, your driving eh." " Nope! This hand is mine." He said in a stern tone. Abat may pa mine mine pa siya! Dalawa na nga kamay niya e! Mangunguha pa ng isa.Tss. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko mula sa pag kakahawak niya ngunit hindi niya ito pinakawalan.Sa halip ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito. "You can't win from me Babygirl! Plus Im fine driving holding you." Sabi niya without looking at me. Marahan niya ding pinisil ito na na taimtim na nakamata sa daan. 'Fine you win!' sigaw ng utak ko hirap makipag talo sa kanya ngayun dahil siya ay nag dadrive Napa buga na lang ako ng hangin... . The trip took us for an hour, pero hindi ko namalayan ang oras dahil ang tinatahak naming daan ay puno ng magagandang tanawin. Nararamdaman kong pataas ng pataas ang dinadaanan namin at mas lalong gumaganda naman ang tanawin na nakikita ko. Tumigil kami sa isang maliit pero may unique style na design na coffe shop. Nababagay ang itsura nito sa kinatitirikang lugar. Very organic ang mga materials na makikitang ginamit dito. Kahoy ang pundasyon pati pader at ang bubong ay pawid naman. May mga halamanan din sa bawat gilid nito. At may sapat na parking area. Bohemian theme ang desenyo nito sa loob kaya napaka homey ang vibes nito. May sampung lamesa sa loob at bawat isa ay may tig aapat na upuan. Maliit ang itsura niya sa labas ngunit pagpsok ay napaka luwag at maaliwalas. May iilan silang customers ngayon at mostly mukhang magkakasintahan, napaka romantic kasi ng ambiance. Napili naming umupo ni Brent sa may bandang gilid na may malaking bintana sa tabi nito. Paglingon ko sa labas ng bintana,bahagyang napa O shape ang aking bibig dahil sa nakita kong magandang tanawin. Ang cafe na ito pala ay isang viewing area din. Parang animo'y nakatingin lang ako sa isang painting! May mini rice terraces at may mini falls din ito na makikita. Kasama na din ang porma ng mountain ranges ng Sierra Madre. "Babygirl, what do you think of this place?" Malugod niyang tanong. "Brent... Alam mo naman na nature lover ako and this is a beautiful .. no the best view ever!" Isang malapad na ngiti ang iginawad ko sa kanya. Nilabas ko ang phone ko to take a picture at nag selfie din ko. Fine! Sinama ko na din ang isang makulet na mokong na to dahil tumabi sa akin para sumingit sa picturan. Ayan mas naging picture perfect ang tanawin... dahil kasama siya! Feeling close talaga pero kilig to the bones naman ang kumare niyo! Bwehehe. We ordered their houseblend coffee and their classic carrot na talaga naman perfect combination... Parang kami lang? Achuchu. "Babygirl?"Pagbasag niya sa aming katahimikan. "Baket?" "Since I promised na hindi na kita pgsesekretuhan at para maka bawi sa yo this is the plan for today." Tumingin siya sa mga mata ko na may sumilay ding mga ngiti sa kanyang labi. "First eto ipasyal ka dito sa pinaka paborito kong cafe, sunod mag didinner-date tayo, at pagkatapos ay isasayaw kita sa ilalim ng buwan at mga bituin!" Ngumisi siya ng bahagya. Nahampas ko tuloy ang braso niya dahil sa mga sinabi niya. " Huy! Mr. Dela Torre aral muna bago landi! May plano ka bang grumadweyt? Ha? Andito tayo para sa Thesis ano?" Sinabi kong naka taas ang kilay. " Wala akong balak grumadweyt... Sa puso mo Babygirl!" Sabay ngumiti at kumindat. " Haist. Puro ka kalokohan eh!" Waley na nahulog na naman ako sa patibong ng lalaking to! "Pero seriously speaking, thank you for your efforts I was touched pero I hope you treat me as your partner sa thesis na ito at hindi bilang isang babaeng gusto mo okay? Gusto ko rin matuto Brent so set aside mo muna panliligaw mo sa akin while we are working on this project? Can you promise me that?" " Babygirl can I ask you one thing? " Medyo pumiyok siya. Hinawakan niya ang aking mga kamay at isa isa niya itong hinalikan. Then tumitig sa akin na naka ngiti. "Melissa Fuentes... Babygirl --Will you be my girlfriend?" Sumeryoso ang mukha niya at tumitig sa akin ng malagkit. Ang mga titig niyang ito ang nagsilbing bibig niya upang ipabatid na seryoso siya sa kanyang pakay. Sinalubong ko ang mga titig niya... Humigpit lalo ang mga hawak niya sa aking kamay parang nanenerbyos. Tinignan ko ang mukha niya at nakipag titigan din ako sa kanya-- medyo na mumutla siya pero gwapo pa din. "Hmmm tigas ng ulo mo kakasabi ko lang kanina na aral muna.... saka Brent p-pag isipan ko pa muna ng mabuti ha?" Turan kong naguguluhan. Hindi pa ako ready sa mga ganitong tagpo. Akala mo ba ay di niya ako minamadali. Pero half of me, I want to take his offer to become my Babyboy! Kyaahhh! Biglang nag iba ang mukha niya, naging matamlay at unti unti niyang binababa at binitiwan ang mga kamay ko. "Bill please." Sabay tinaas ang kamay para makuha ang attensyon ng waitress. After siya magbayad umalis kami ng walang imikan. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at ginawaran ko siya ng isang malapad na ngiti. "Thank you." Sabi ko. Pero na deadma ako. Wala siyang imik na umikot ng sasakyan at binuksan ang kabilang pinto. Ang mga mata niya ay wala pa din ka emo-emosyon. Hinwakan niya agad ang susi at isinaksak sa ignition hole. Ngunit pinigilan ko ang kamay niya sa pag pihit nito sa susi. "Brent..galit ka?" Iniiwas niya ang mukha niya at ibinaling sa katabing bintana. Hmph! Na -snob nanaman ang beauty, ko ganun? Kinuha ko ang kanang kamay niya at hinawakan ito at isinik ko ang mga daliri ko sa bawat puwang nito. pero hindi parin siya tumingin sa akin "Brent...tingin ka sa akin dalii." "Melissa ... Im not in the mood yet--" Sabi niya na mukhang naiinis. Fine ayaw mo talaga tumingin tignan natin kung lilingunin mo na ako sa sasabihin ko... " Brent... 'Oo' yung sagot ko sa tanong mo kanina."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD